Ang sagwa nung nagyaring aksidente jan sa isang ekslusibong eskwelahan sa may katipunan kung saan ang isang batang nag aaral ay masagasaan ng isang van na susundo naman sana sa isa ring batang nag aaral sa nasabing "school". Paano mo ngayon maipapaliwanag na kagustuhan ng diyos ang nangyaring sakuna, gayong dalawang pamilya ang biglang nagbago pansamantala ang ikot ng mga buhay nila. Siempre una na yung mga magulang nung batang nadisgrasya dahil talagang masakit mawalan ng mahal sa buhay. Tapos dun din naman sa nakasagasa, apektado din siempre ang pamilya niya dahil naman sa talagang walang may gusto ng ganitong "script" sa buhay ng tao. Kaya minsan tuloy ay naiisip mong mag enjoy sa buhay araw-araw, kahit na maubos ang kakaunti nating salapi, kasi kapag pala sinundo ka na ni bossing o ni "Lord" ay hayun, isang iglap lang. Kahit sabihin mo pa sa kay bossing siguro na ibibigay mo lahat sa simbahan ang kamal-kamal na salapi mo para lang bigyan ka pa ng isang araw para mabuhay ay gagawin mo siguro. Nung binabasa ko nga sa internet ang mga blog tungkol sa batang nadisgrasya sa nasabing "school" ay halos may mamuo sa lalamunan ko at hindi ko malunok yung sisig na tanpulutz ko. Ang mabigat pa nito ay nakikinig ako sa kantang Honey ni Bobby Goldsboro nung binabasa ko ang mga blog tungkol sa nasabing aksidente. Hindi ko kilalang personal ang lahat ng naapektuhan sa nasabing aksidente dahil unang una puro kayo mayayaman at pangalawa ay puro ingles ang mga salita ninyo, pero ito lang ang masasabi ko, " buong puso akong nakikiramay sa pighating nararamdaman ninyo ngayon at sana ay dumating ang araw na malampasan nyo rin ang masaklap na yugtong ito sa haybu nyo".
Saturday, February 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment