Fast forward, 14 years later.
Now almost every household has at least a computer in the house and an internet connection. Even a three year old can operate a computer and surf the internet. Funny how time flies.
Plus, you can even enjoy up to 50 hours of mobile internet with your new iPhone 3G! Prepaid kits come with a P1000 rebate good for 5 months (P200/month) so you can go and enjoy surfing and browsing on-the-go!"
Yan ang sabi nung Globe sa website nila, kaya ako naman si ogags ay naingganyo, binasag ang piggy bank at takbo agad ako sa pinakamalapit na Globe outlet (Trinoma). Pagdating dun ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa dahil matagal ko na naman talagang gustong magkaroon ng iPhone. Kaunting kuwentuhan nung CSR (Customer Service Representative?) at ola, inilabas na sa itim na box ang iPhone 16GB...YAHOO!!!. Oops bayaran nyo po muna sa cashier bago ko ipahawak sa inyo ang unit. Pagkabayad sa cashier ay agad akong bumalik sa CSR para mahawakan na ang iPhone, pero ang sabi nung CSR ay ilalagay nya raw muna yung sim card at ipareregister yung sim card para sa TIME based achuchu. Neweis, nung matapos ang seremonyas ay tinanong ko agad ang CSR kung kailan ako makakatanggap ng libreng P200/month na load. Sagot niya ay "the next cut off date" daw o sa tagalog, basta hintayin mo lang.
Makaraan ang ilang araw/linggo (November 27, 2008) ay biglang may dumating na P200.00 load, YAHOO!!!. Pagkatapos ay lumipas ang pasko at bagong taon, pero walang dumating na load. Siguro busy ang mga myGlobe pipol kaya hindi nila naalala na ipadala sa akin yung P200/month kong libreng load (actually hindi libre ito kungdi rebate* ito). Pasok ang January hanggang matapos ang buwan, wala pa rin ang P200/month kong rebate/free load. Takbo ako agad sa Globe outlet para ipaalam sa kanila. Matapos ang ilang beses kong pagpunta sa lahat ng Globe outlet na makita ko sa mga mall ay may dumating uling rebate/free load na P200/month nung February 11, 2009 (3 buwan mula nung bilhin ko ang iPhone unit). Pinagana ko ang kaalaman ko sa math, dalawang P200/month na rebate/free load (November 27, 2008 and February 11, 2009), so may kulang pa silang P600 na rebate/free load sa akin na dapat sana ay tapos na kung pinadala na nila ito nung buwan ng December 2008, January at March 2009.
Bakit ko biglang naisulat sa blog ko ang buwakanang inang kuwentong ito? kasi yung anak ng tupang P200/month na rebate/free load ko ay hanggang sa araw na ito ay hindi pa din dumadating. Nagpapunta na ako ng tao sa Globe outlet nung January 23, 2009 (PRR09010000214); March 18, 2009 (PRR09030000128); March 30, 2009 (CTT09031472857); April 03, 2009 (TUC09040000007) at April 07, 2009 (TUC09040000007), pero wala pa rin silang ginagawang aksyon at ang lagi nilang sinasabi ay "after five working days" po ay magkakaroon na iyan ng resulta. Sinabi sa akin nung kausap ko kanina na si Nella ng Globe SM North EDSA Cyberzone (nagkagasta tuloy ako sa chibug at parking kahit hindi ko gustong dumaan jan sa mall), na mag eemail daw siya para ipaalam dun sa mga namamahala ng pagpapadala ng P200/month na rebate/free load at nangako pa si Mam Nella na tatawagan niya ako bandang alas kuwatro ng hapon ngayon April 07, 2009 para kunin ang IMEI ng iPhone na nabili ko at kung ano rin ang naging resulta sa huling report/reklamo ko. Dumating ang alas kuwatro ng hapon ngayon hanggang sa sinusulat ko ito ay walang Nella ng Globe na tumawag sa akin para alamin ang IMEI ng iPhone na nabili ko. Kung kayo ngayon ang nasa kalagayan ko, ano ang masasabi ninyo? martes santo na rin lang naman. TAKSIYAPO, IPAKO SANA LAHAT KAYO SA KRUS AT SILABAN SA SILANG CAVITE.
*Rebate- (marketing), a type of sales promotion used in marketing; an amount paid by way of reduction, return, or refund on what has already been paid or contributed.
pagpag eater ©2008 Blog Designed by Ipiet
| Image Header Taken From Wallcoo