Nagkaroon uli ako ng pagkakataon na makapasyal sa dampa (seaside) sa macapagal avenue para tumoma at mamulutan. Matagal na kasing nakaeskedyul ang nasabing tomaan kaya lang ay laging napopostpone. Pagdating ko sa nasabing lugar ay inabutan ko na doon ang makakaharap ko sa kuwadradong mesa sa araw na iyon. Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa. Kaunting kamustahan at pagkatapos ay dalawang bucket na agad ng malamig na serbesa. Isang bucket ng SMB (beer pilsen) at isang bucket ng SML (san miguel lights). Yung dalawang kasama naman namin ay nagtiyaga na lang sa isang boteng Johnnie Walker Black. Ang una naming kinuha/pinalutong pulutan ay ang Pampano (1.3 Kilo-P390.00 + P270.00 paluto charge) at Suwahe (1/2 Kilo-P210.00 + P120 paluto charge).
Medyo bitin ang tanpulutz namin kaya naisipan kong pumunta sandali sa "palengke" para bumili ng "gulay"...este para bumili ng iba pang tanpulutz. Ang una kong hinanap ay yung sariwang tuna para gawing sashimi. Bumili ako ng isang kilong tuna (P380.00/Kilo) at lumot/pusit (P150.00/Kilo). Pagbalik namin dun sa iniinuman namin (Ka Ising-Lot 5A, Macapagal Blvd, Pasay City) ay ipinaihaw ko ang lumot/pusit (P180.00-paluto charge) at yung sashimi ay ipinalagay namin sa magandang pinggan. Masarap ang sashimi dahil sariwa. May natutuhan pa akong kaunting sekreto kung paano mo magagawang malasa ang sashimi dahil yung isang kainuman namin ay sinabihan ang isang waiter na buhusan ng kaunting seven up ang tuna bago iahin sa amin. Ang hindi ko lang nagustuhan ay nung magpa running cheat kami. Kasi may nakita akong paluto charge na P120.00 para sa sashimi.
Putang ina, bakit magkakaroon ng paluto charge ang sashimi? tinignan ko sa google kung ano ang ibig sabihin ng sashimi at doon ko nadiskubre na ang ibig sabihin ng sashimi "is a Japanese delicacy primarily consisting of very fresh raw seafood, sliced into thin pieces". Sa salitang tagalog sariwa at hilaw na isda. Masyado nyo naman yatang inaabuso ang mga kustomer ninyo. Ipinagmamalaki pa naman kayo ng mga kasama namin na masarap uminom sa lugar ninyo, pero paano naman mag eenjoy ang mga kustomer sa inyo kung kayo mismo ang humoholdap sa kanila. Ok lang sa amin kung lagyan nyo ng kaunting charge/corkage? ang dala naming pulutan (sashimi) pero huwag naman sanang masyadong holdap. Neweis kahit medyo nadale nyo kami dun sa "paluto charge" nung sashimi, overall rating ko sa resto nyo ay "good" dahil friendly ang staff ninyo at masarap magluto ang cook. SMB/SML Bucket pa please.

0 comments:
Post a Comment