Atrenta na naman, sigurado marami na namang mga mall ang magse sale niyan para hindi mo na maiuwi ang pinaghirapan mong sahod. Sabagay ok din naman bumili kung talagang kailangan mo yung isang bagay. Kaso tayong mga noypi ay hindi ganoon. Ang style natin ay kapag rin lang may "sale" sa mga mall, kahit hindi natin kailangan ay binibili natin. Compulsive buyer ba tawag sa ganoon?. May alam akong style para maiwasan mong mamili ng mga bagay na hindi mo kailangan, lalo na kapag may "sale" sa mga mall. Kapag kasi katapusan o araw ng sahod, ang style ko ay hindi ko kinukuha ang sahod ko. Bakit? kasi naisanla ko na ito dun sa mga 5-6 sa opis namin kaya wala na talaga akong makukuhang sahod. LUNGKOT.
Thursday, July 30, 2009
Monday, July 27, 2009
nose bleed (Epistaxis)
Bakit kaya tuwing "chichinga me" (read: sisinga-ginawa ko lang class ang dating) ay may kasamang dugo?. Bigla tuloy akong nag google para malaman ang dahilan. Kinabahan kasi ako baka may anal cancer na ako. Isa pala sa dahilan ng nose bleed ay yung drug related (141 drug side effects). But ah, err, uh, hindi naman ako lumalaklak ng motga at lalong wala akong pambili ng "coke" para snortin. Isa lang ang alam kong magiging dahilan kung bakit may dugo yung "chinga" ko-pala isip kasi ako. Teka, nung isang araw kasi ay barado ang nose ko at nahihirapan ako huminga. Kaya ang ginawa ko ay pinilit kong maka "chinga". Ito kaya ang naging dahilan, napunit kaya yung maliliit kong ugat. Sana nga ganun na lang ang dahilan kung bakit ako nagka nose bleed. Kasi kung hindi iyun ang dahilan ay baka masisi ko pa yung nagdala nung tabletas na pampatigas ng etit nung kabayo at dinikdik ng pino para kunyari daw ay...COKE?
Friday, July 24, 2009
TGIUT
Yabadabadoodles biyernes na naman. Isip isip, the jerks sa bistro sitenta, harbor view habang finifinger (bastos) ko yung sizzling sisig. Ten Oh Two, para jazz naman ang trip. Ano kaya ang libreng concert sa libis. Nampucha, yan ang mahirap kapag friday, ang daming puedeng puntahan pero kulang sa oras. Neweis, dahil rin lang naman ang laman ng kartameneda ko ay isang nakapangalumbabang ninoy at dalawang sakwe. TGIUT na lang muna ako.
TGIUT-Thanks God Its Uwian Time
TGIUT-Thanks God Its Uwian Time
Tuesday, July 21, 2009
24 bit
Kainis naman itong internet connection ko, bakit kaya ang sabi ay may access naman ako sa internet pero wala namang akong ma access. Puro kulay puti lang ang nakikita ko. Ano na naman kaya ang problema nito. Sa kahihintay ko tuloy magkaroon ng access sa internet ay bigla tuloy lumipad ang isip ko (re: nagmuni muni) at nagtrip na isa raw ako sa gitarista ni susan wong habang nirerekord niya yung mga cover version nung mga sikat na artist. Pero teka bakit naman biglang si susan wong ang naalala ko, puede naman akong magtrip na gitarista ni robert plant o kaya ako si jimi hendrix at kahit na ako na lang yung naglead guitar sa isang kanta ni michael jackson. Ah alam ko na, kasi si susan wong ang pinapakinggan ko nung hindi ako makakonek sa internet. Waaaah, naalala ko na naman itong buwakanabitz to pieces na internet connection. Operator please naman pakikonek na ako bago pa magalit yun pinsan ni susan wong na si....bruce lee?.
Sunday, July 19, 2009
Thursday, July 16, 2009
Stan Getz and Joao Gilberto
Buwakanabitz to pieces (upsampling mode), nagkaroon ako ng pagkakataon na makinig sa musika nung dalawang mama (Getz at Gilberto). Yun kasing mahilig mamirata sa torrent na kasangga ko sa kuwadradong mesa ay nag download nito. So para naman hindi magmukhang kawawa ay pinayagan kong pakinggan namin dun sa lumang cd player na naharbat ko sa Oca St., ang nadownload na cover album nung dalawang mama.
Hindi ako masyadong palakinig ng jazz lalo na kapag lumalaklak kami ng malamig na bote ng serbesa. At saka ang mga tipo kong jazz music ay yung mga iniiyak ni Billie Holiday, Papa Jo Jones at siempre yung mga madalas patugutugin sa jazz stations na sina George B at Grover W. Neweis, habang lumalaklak nga kami ng malamig na serbesa minsan isang maulang gabi ay kinasa namin ang nasabing musika nung dalawang mama. Nabigla ako sa dating nung tugtog nila. Pakiramdam ba namin ay parang umiinom kami sa loob ng isang cozy na bar o kaya ay parang nasa lobby kami ng hotel. Gayung nasa gilid lang naman kami ng riles ng tren. Kaya nga kapag may dumadaang tren ay lumalakas ang bayo nung bass, nagiging deep and tight tuloy ang tunog nung musika.
Nung pumasok na yung 2nd tren este 2nd track dun sa album, para bang may dumaang anghel sa aming dalawa nung kasama ko. Bigla kasi kaming huminto sa pagkuwentuhan at muli kaming nakinig ng taimtim. Medyo malapit nang matapos ang tugtog nung may marinig akong pamilyar na piyesa. Sabi ko tuloy dun sa kasama ko ay parang mayroon akong plaka nito nung araw. Ito ba yung ang cover ay kulay puti at tatlo sila sa picture, yung babae nasa kaliwa at may kasamang dalawang lalake na may hawak na saxophone at yung isa ay nylon strings na gitara ang hawak. Korek ka diyan ang sagot nung malakas na mamulutan kong ka jamming.
Bigla tuloy kaming tumayong dalawa sa pagkakaupo namin sa riles ng tren para iangat yung mga lumang yero at mga dinugas na kahoy na patungan ng riles para hanapin ang nasabing plaka. Matagal na rin nanam kasi ang lumipas mula nung ibaol ko ang mga plaka dahil nga nauso na yung mga muslim made music na ipinalit namin sa telarc sounds. Kaya hayun, hindi ko na makita yung nasabing plaka ni Stan at Joao. Naisalya ko kaya ito nung araw na mahilig pa kaming "sumamba" sa gilid ng quiapo?. Ah alam ko na, naipalit ko ang plaka ko ng Stan at Joao sa dalawang cassette tape ng...Black Sabbath live na nirecord sa TDK D-60.

Tuesday, July 14, 2009
Sunday, July 12, 2009
pupunta ako sa palengke...
Ano kaya masarap chibugin ngayon, ito mahirap kapag ang napupuntahan mong palengke ay paulit ulit lang ang tinda. Halos masuka na ako sa bangus, tilapia, manok, liempo, talaba, tahong at sangrekwang gulay. Sana may iba naman choice, bigla tuloy akong nag nostalgia. Kasi nung araw dun sa palengke sa sangandaan at sa pritil kung saan isinasama ako ng lola ko kapag namamalengke siya ay may mga nabibili pa kaming mga itlog nang manok na wala pang shell at may kasamang minudensya ng manok. Ang ginagawa ng lola ko noon ay inaadobo niya ito. Kung minsan naman ay isinasama niya yung itlog ng manok na wala pang shell dun sa niluto niyang nilagang manok o baka. Nung araw din ay nakakabili pa si lola ng isdang kitang. Ito yung isdang malapad, masarap lutuin ito kapag sariwa. Ngayon kapag gusto mong makatikim ng mga ganitong chibug, dadayo ka na sa mga kainan ng mga intsik. Ang problema nga lang medyo mahal na ang bilihan nito ngayon. Di bale, magluluto na lang muna ako ng dinuguan. Bakit dinuguan? kasi hindi halatang botya ang baboy kapag niluto mong dinuguan.
Friday, July 10, 2009
te-ano ba yun
Hanep ang lakas ng flashback ko dun sa huling tomaan namin. Naglabas ba naman si tito ferds ng imarflex na tefanyaki, tepanyaki, teppanyaki...ah basta parang ihawan siya na imported at doon namin niluto yung malaking pusit na nabili ko sa apo ni Jacques Cousteau. Ang maganda pa nito pag dating namin sa bahay ni tito ferds ay nagpakuha agad si pogi ng tekalahats na erbuk. Kaya habang pinapanood namin siya nung inooperahan yung malaking pusit ay tumutungga na kami ng malamig na erbuk. Nakakuha tuloy ako kay pogi ng bagong istail kung paano magluto ng masarap na tinepanyaking pusit. Isa na lang ang problema ko, saan kaya ako makakahiram ng teppanyaki griller.
Wednesday, July 08, 2009
take five
Yehehey, limang tulog na lang at siguradong pulang pula na naman ang hasang namin. Yan ang gusto ko hindi mo na kailangang mag gate crash dahil lahat naman kami ay siguradong welcome sa araw na iyon. OK relak relak na lang ako at baka tumaas pa ang presyon ko kakaisip sa malaking araw ng pagtitipon namin.
Sunday, July 05, 2009
Saturday, July 04, 2009
Wednesday, July 01, 2009
born to be alive
Gusto ko na sanang magbilang ng araw, sabagay labing isang tulog na lang naman at siguradong pula na naman ang hasang ko. Yan ang masarap kapag marami kang tropa na mahilig tumoma. Ang maganda pa nito yung magbi beerday ay talaga namang isang tapat na kaibigan at mismong siya ay hindi pumapalyang dumalo sa mga beerday din ng iba. Kaya expected na iyan kapag dumating ang araw ng beerday niya ay siguradong darating din kaming lahat na tapat niyang kaibigan. Iba ang may pinagsamahan.
Subscribe to:
Posts (Atom)