Thursday, July 16, 2009

Stan Getz and Joao Gilberto


Buwakanabitz to pieces (upsampling mode), nagkaroon ako ng pagkakataon na makinig sa musika nung dalawang mama (Getz at Gilberto). Yun kasing mahilig mamirata sa torrent na kasangga ko sa kuwadradong mesa ay nag download nito. So para naman hindi magmukhang kawawa ay pinayagan kong pakinggan namin dun sa lumang cd player na naharbat ko sa Oca St., ang nadownload na cover album nung dalawang mama.

Hindi ako masyadong palakinig ng jazz lalo na kapag lumalaklak kami ng malamig na bote ng serbesa. At saka ang mga tipo kong jazz music ay yung mga iniiyak ni Billie Holiday, Papa Jo Jones at siempre yung mga madalas patugutugin sa jazz stations na sina George B at Grover W. Neweis, habang lumalaklak nga kami ng malamig na serbesa minsan isang maulang gabi ay kinasa namin ang nasabing musika nung dalawang mama. Nabigla ako sa dating nung tugtog nila. Pakiramdam ba namin ay parang umiinom kami sa loob ng isang cozy na bar o kaya ay parang nasa lobby kami ng hotel. Gayung nasa gilid lang naman kami ng riles ng tren. Kaya nga kapag may dumadaang tren ay lumalakas ang bayo nung bass, nagiging deep and tight tuloy ang tunog nung musika.



Nung pumasok na yung 2nd tren este 2nd track dun sa album, para bang may dumaang anghel sa aming dalawa nung kasama ko. Bigla kasi kaming huminto sa pagkuwentuhan at muli kaming nakinig ng taimtim. Medyo malapit nang matapos ang tugtog nung may marinig akong pamilyar na piyesa. Sabi ko tuloy dun sa kasama ko ay parang mayroon akong plaka nito nung araw. Ito ba yung ang cover ay kulay puti at tatlo sila sa picture, yung babae nasa kaliwa at may kasamang dalawang lalake na may hawak na saxophone at yung isa ay nylon strings na gitara ang hawak. Korek ka diyan ang sagot nung malakas na mamulutan kong ka jamming.

Bigla tuloy kaming tumayong dalawa sa pagkakaupo namin sa riles ng tren para iangat yung mga lumang yero at mga dinugas na kahoy na patungan ng riles para hanapin ang nasabing plaka. Matagal na rin nanam kasi ang lumipas mula nung ibaol ko ang mga plaka dahil nga nauso na yung mga muslim made music na ipinalit namin sa telarc sounds. Kaya hayun, hindi ko na makita yung nasabing plaka ni Stan at Joao. Naisalya ko kaya ito nung araw na mahilig pa kaming "sumamba" sa gilid ng quiapo?. Ah alam ko na, naipalit ko ang plaka ko ng Stan at Joao sa dalawang cassette tape ng...Black Sabbath live na nirecord sa TDK D-60.


0 comments: