Ano kaya masarap chibugin ngayon, ito mahirap kapag ang napupuntahan mong palengke ay paulit ulit lang ang tinda. Halos masuka na ako sa bangus, tilapia, manok, liempo, talaba, tahong at sangrekwang gulay. Sana may iba naman choice, bigla tuloy akong nag nostalgia. Kasi nung araw dun sa palengke sa sangandaan at sa pritil kung saan isinasama ako ng lola ko kapag namamalengke siya ay may mga nabibili pa kaming mga itlog nang manok na wala pang shell at may kasamang minudensya ng manok. Ang ginagawa ng lola ko noon ay inaadobo niya ito. Kung minsan naman ay isinasama niya yung itlog ng manok na wala pang shell dun sa niluto niyang nilagang manok o baka. Nung araw din ay nakakabili pa si lola ng isdang kitang. Ito yung isdang malapad, masarap lutuin ito kapag sariwa. Ngayon kapag gusto mong makatikim ng mga ganitong chibug, dadayo ka na sa mga kainan ng mga intsik. Ang problema nga lang medyo mahal na ang bilihan nito ngayon. Di bale, magluluto na lang muna ako ng dinuguan. Bakit dinuguan? kasi hindi halatang botya ang baboy kapag niluto mong dinuguan.
Sunday, July 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment