Wednesday, December 30, 2009

Double J


Jun T a.k.a Totoy Buraot in Mafia Wars with Jun D


How can you say NO to a friend from the old days? Simply say YES and the buck stops there. Jun D unexpectedly dropped by last night in our house for some bottles of beer and shisha. It's been a long time since we last saw each other and after the brief hi's and hello's, we proceeded to what we all came here for-ice cold beer.

Monday, December 28, 2009

food tripping at Glory Palm Pavilion


Iyan ang mahirap kapag masarap ang chibug, bago mo makunan ng picture para pandagdag sa blog mo ay ubos na rin ang bogchalilayts. Ang mabigat pa nito, kakareview ko dun sa ibang kinunan ko ay naubusan tuloy ako ng chibug...HUWAHHHH!!!!

Saturday, December 26, 2009

random shots


Susana bagets, kala ko malalagasan na naman ako ng salapi ng wala sa tamang panahon. Ganito kasi ang nangyari, Pasko-kinuha ko sa tabihan yung Canon camera ko para gamitin, lam nyo na piktyuran. Pinaporma ko na yung mga kukunan ko at sinabihang walang gagalaw. Tapos nung iklik ko yung shutter ng camera ay...oops ayaw kumuha ng picture at may lumalabas lang na salitang "busy" dun sa LCD monitor nya. Sabi ko dun sa mga gustong magpakodak ay huwag uling gagalaw, susubukan ko uli silang kunan. Pero ganun pa din, ayaw pa ding magklik yung dapat magklik. HUWAAAAHHHH, ano ang nagyari dito sa camera ko. Hindi kaya pinaki-alaman ito ni enday? naiwan ko kasi minsan ang camera sa tabi ng computer. Mahilig din kasi iyong magkukuha. Pero hindi takot lang sa akin noon, dahil nilalagyan ko ng isang hibla ng buhok yung mga gamit ko, kaya kapag ginalaw niya ito ay malalaman ko.




Dahil na rin sa hindi ko magamit ang nasabing camera ay humantong ang pag-aalala ko sa...google. Dito ko nalaman na hindi lang pala ako ang nakaranas ng problemang ito (yung busy message at ayaw mag klik ang shutter). May mga nagbigay ng payo at solusyon. Isa na rito ay baka kaya daw nag busy message ay dahil naka full auto mode ako, ika nga point and shoot at siempre kapag panay ang klik mo ay nag-iinit ang built in flash (auto focus assist beam). Yung iba naman ang solusyon ay baka daw low bat yung bat ng cam ko. O kaya naman ay baka puno na raw yung SD card at kailangan nang irepormat.




Ang una kong ginawa ay ilagay sa battery charger ang low bat na bat (buwakanabitz parang batbatan na ito). Sumunod ay nirepormat ko ang SD card (sayang nabura lahat yung top less picture na nakasave doon nung mga waiter sa timog). Neweis, tapos kung sundin lahat ang nasabing puedeng solusyon ay...ibinalik ko na ang fully charge na bat, bagong repormat na SD card at inilipat ko sa flash off mode ang camera.



Ok, mga kapatid sa kuwadradong mesa, "pose" uli at kukunan ko na talaga kayo. Matapos ang walang galawan at hindi maburang ngiti ng mga kasama ko sa kuwadradong mesa ay...HUWAAAAHHHH, ayaw pa ding magklik at may busy message pa ring lumalabas. Para hindi ako mapahiya sa mga tropa ko sa kuwadradong mesa ay nagpalabas ako ng mga mapapanis naming pagkain para gawing tanpulutz.



Habang lumalaklak kami ng malamig na serbesa at malamig na left over lechon na pinadala sa akin ng isang bagitong politiko ay halos lumipad ang isip ko. Kasi bago lang ang nasabing camera ko at bihira ko itong gamiting dahil mas gusto ko ang magjack...mag black jack bastos.



Fast Forward Dec. 26:

Pagkagising ko ay hindi pa rin ako mapakali dahil hindi namin nagamit ang nasabing camera. Kaya heto kutingting dito at kutingting doon. Basa dito at basa doon ng camera manual. Susana bagets walang paliwanag sa nasabing camera manual kung bakit nagkaroon ng busy message ang camera ko. Kaunting kaunti na lang ay gustong gusto ko nang tagain sa dalawa ang nasabing camera nung bigla kong maisip na pihitin ang focusing ring nung stock lens. YAHOO, gumagana na uli ang camera ko at kaunting himas na lang ito at siguradong babalik na uli siya sa katinuan niya at ako rin ay malamang na bumalik na rin sa katinuan ko. Please lang huwag mo akong ipahiya dahil wala na akong mapapanis na pagkain para ilabas sa mga tropa ko sa kuwadradong mesa.

Friday, December 25, 2009

merry christmas





Thursday, December 24, 2009

isang tulog na lang...YAHOO

My Christmas wish list:

1. Tuwalya na may tatak na up and down- para alam ko kung ano ang pampahid ko sa mukha at sa yagbols.

2. Beloballpen- yung nakakabura ng guhit/pelekis sa mukha kapag ginuhitan mo nung nasabing ballpen.

3. Beerbellybuster-beer na nakakapayat para kahit maparami ang toma mo ay hindi ka nagi guilty na lumaki ang tiyan mo.

4. Philadelpia Car-Yung kotse na puedeng mawala sa paningin ng mga lespu kapag coding ang plaka ng car mo.

Tuesday, December 22, 2009

E-Beer

Susana bagets, wala pa rin kupas si Kuya E kapag din lang laklakan ng malamig na serbesa ang pag-uuspan. Kala ko kasi mula ng magretiro ang mama ay maglalay low na. Ang mabigat pa nito, ang pinaluto pang tanpulutz ay chicharong bulaklak at adobong isaw. Allergic pa naman ako sa mga ganyang pulutan, kasi sabi nga ng lola ko nung nabubuhay pa (nadedo si lola kakakain ng lechon at chicharong bulaklak). Nung bata raw ako ay masyado daw akong mahilig sa mga ganyang pagkain kaya kung laklakin ko raw ang chicharong bulaklak nung araw ay banye banyera.

Kaya hayun nung ibaba na sa kuwadradong mesa namin ang nasabing pulutan ay hindi ko na siya tinantanan. Bahala na kung bumara na ang mga dapat bumara sa loob ng katawan ko, basta ang alam ko ay masarap ang tanpulutz namin. Para naman maalis ang guilty feeling namin sa nasabing tanpulutz ay nagpakuha at nagpabukas ako ng isang lata ng fruit cocktail, ika nga pang level ng sebo. Busetttt!!!


Sunday, December 20, 2009

Qi

Paano kaya magagawa yung dalawang okasyon ang papasyalan ko pero pareho sila ng oras. Ito kasi ang problema ko ngayon. Hindi lang dalawa kungdi tatlong okasyon ang dapat kong daluhan ngayon. Kung hindi ko kasi mapapagbigyan lahat ay baka naman magtampo sila. Pero hindi bale, kakayanin ko lahat iyan, hinay-hinay lang sa...malamig na serbesa.

Saturday, December 19, 2009

no chance

It's party time once again and everybody's in the happy mode. Here in our office we have to set aside those "black days" of our office life and just enjoy what's in for the day. Parties always give us some temporary relief in the daily stress in our life. It recharges our body and disposes some deadly toxins so that we can add another day into our life. And yeah, why dwell on miseries, it's Christmas time.

Saturday, December 12, 2009

shisha hangover


Ito mahirap kapag may bago kang toy, halos lahat yata nung aktibidades namin kagabi (friday the 11th) ay nakasentro sa nasabing toy. Pati nga si totoy buraot (TB) na mahilig masyado sa pulutan ay biglang nag laylow sa tanpulutz. Saan ka pa, wachimi (read: sashimi) na ang pulutan namin ay natira pa kagabi. Ganoong nung araw kapag nag ahin ako ng wachimi ay parang ang kainuman ko ay si mike enriquez, dahil talagang ayaw niyang tantanan ang pulutan.


Pero kagabi ay iba ang kilos ni TB dahil alam niyang magsasalang ako ng ilang gramong mint flavor sa shisha. Ang maganda pa nito ay nilagyan ko pa ng ice ang glass water bottle kaya isang hitit mo lang ay....nirvana. Nung maubos ang mint flavor ay sinalangan naman namin ng grape flavor, next ay apple flavor, tapos ay orange flavor. Nung magsawa kami sa ibat-ibang flavor ay dun na pumasok yung tustado naming utak. Ang sumunod na plano namin ay subukan kung ok kayang isalang ang wasabi as in wasabi flavor. Dahil kapag ok ang wasabi flavor, ibig sabihin ay puede rin ang kaldereta, papaitan, adobo o kaya ay crispy pata flavor.


Ang hindi ko lang nagustuhan kagabi kay TB ay yung ikinukulit niya. Nung magbukas kasi siya ng ika apat naming malamig na serbesa ay nagsuggest siya sa akin na subukan daw namin iyong flavor na naiisip niya. Isa lang ang tugon ko sa kanya, iligal iyun at baka kumapit ang amoy sa hose at pipe. Dugtong ko pa kung talagang gusto mo ng ganyang flavor, pumunta ka na lang sa gilid ng simbahan ng quiapo at marami kang mabibili doon.

Hoy mga bastos ibang flavor yung iniisip ninyo, sweet paper ang gamit doon. Ang kinukulit ni TB na isalang namin sa shisha ay yung...pamparegla flavor. Busettttt!!!

Friday, December 11, 2009

hubbly bubbly


Sa wakas ay napasa akin na rin ang pinangakong shisha ng mga taga damong maliit group. Siempre pa bago namin iuwi agad ang nasabing item ay sinubok muna namin ito. Kaya habang lumalaklak kami ng malamig na serbesa, kilawin at adobong kambing, inihaw na plapla at pinirito sa butter na maya maya ay nagsalang kami ng kaunting mint flavor na tobacco sa burner. Medyo excited kami dahil kuryus kami kung ano ba ang feeling ng lumalaklak ng shisha. Ang pinaka de best siempre ay yung unang hitit. Malamig sa dibdib ang dating niya. Bigla tuloy kaming nag trip na parang naka upo sa isang flying carpet at kasama ang mga chiching ni haring solomon. Isa na lang ang problema namin, kasi lahat kami dun sa kuwadradong mesa ay hindi nagyoyosi. Kaya ang naging topic tuloy namin habang humihitit ay kung kapareho ba ito ng epekto nung yosi. Kasi kung kapareho ng epekto ng yosi ang paglaklak ng shisha ay ako na mismo ang unang magbabawal sa mga kasama ko na gamitin ang nasabing item. Pagkatapos ko silang bawalan ay itatabi ko na sa bahay ko ang SHISHA.


Monday, December 07, 2009

patamain na sana ako sa lotto

Sunday, December 06, 2009

da erps

Hanep din itong si da erps (read: dad), wala pa ring kupas sa kantahan. Ito kasi talaga ang hilig niya mula pa noong bata. Kuwento nga niya sa akin noong araw daw ay kasama siya sa mga nananapat sa lugar namin ala "four aces" daw ang tema nila. Kaya nga kagabi nung dalhin ko doon sa haybol nila yung WOW minus one videoke ay nagulat na lang ako. Wala pa rin kakupas kupas ang boses at ang timing. Hiritan ko nga ng mga kanta ni Sinatra, Crosby (baduy hindi si David kungdi yung kay Bing), Martin at ilang pang majonda na kanta. Nag enjoy yung matanda at sa sobrang enjoyment ay ayaw bitawan ang mike. Yun lang.

Saturday, December 05, 2009

wow

Ito mahirap kapag sabado, hindi mo malaman kung ano ang una mong gagawin. Balak ko sanang simulan ang sabado ko sa paglalakad at kaunting jogging. Pero lilinisin ko rin naman ang haybol namin, katumbas na rin siguro iyun ng lakad at jogging.

After maglinis ng haybol:

Susana bagets, buo pa kaya itong WOW minus one videoke ko. Yan ang mahirap kapag naglilinis ka ng haybol, nakakahalukay ka ng mga gamit mo na akala mo ay nawala na. Back to WOW minus one videoke, ito ang hilig nila erpat at ni totoy buraot. Madala nga mamayang gabi ito sa haybol nila at matignan kung mahihilig pa rin sila sa kanta. Ako kasi ay hindi mahilig sa kanta kaya nga ang tagal nakatago nung nasabing WOW minus one videoke. Oops, ang tagal ko na palang nakatitig dito sa mga kanta ng WOW minus one videoke. Makagoli na nga at madala na ito sa haybol ni erpat para makarami.

Wednesday, December 02, 2009

yangsa

Susanabagets naman, bakit kaya nauso pa yung magkakalayo ang mga magkaka tropa. Ito kasing isang tropa kong balikbayan ay biglang tumawag sa akin at kinukumbida ako sa bday niya ngayon. Ang problema lang, malayo ang lugar niya at nahihiya naman akong makitulog doon. Pero "open" daw ang haybol niya sa akin kahit ilang araw ako doon. WOW, kaya lang jahi naman yun. Di bale, matagal pa naman ang bakasyon niya, sigurado isa sa mga araw na ito ay masusupot din kitang hinayupak ka. Yung pasalubong ko, bastos.