Susana bagets, kala ko malalagasan na naman ako ng salapi ng wala sa tamang panahon. Ganito kasi ang nangyari, Pasko-kinuha ko sa tabihan yung Canon camera ko para gamitin, lam nyo na piktyuran. Pinaporma ko na yung mga kukunan ko at sinabihang walang gagalaw. Tapos nung iklik ko yung shutter ng camera ay...oops ayaw kumuha ng picture at may lumalabas lang na salitang "busy" dun sa LCD monitor nya. Sabi ko dun sa mga gustong magpakodak ay huwag uling gagalaw, susubukan ko uli silang kunan. Pero ganun pa din, ayaw pa ding magklik yung dapat magklik. HUWAAAAHHHH, ano ang nagyari dito sa camera ko. Hindi kaya pinaki-alaman ito ni enday? naiwan ko kasi minsan ang camera sa tabi ng computer. Mahilig din kasi iyong magkukuha. Pero hindi takot lang sa akin noon, dahil nilalagyan ko ng isang hibla ng buhok yung mga gamit ko, kaya kapag ginalaw niya ito ay malalaman ko.
Dahil na rin sa hindi ko magamit ang nasabing camera ay humantong ang pag-aalala ko sa...google. Dito ko nalaman na hindi lang pala ako ang nakaranas ng problemang ito (yung busy message at ayaw mag klik ang shutter). May mga nagbigay ng payo at solusyon. Isa na rito ay baka kaya daw nag busy message ay dahil naka full auto mode ako, ika nga point and shoot at siempre kapag panay ang klik mo ay nag-iinit ang built in flash (auto focus assist beam). Yung iba naman ang solusyon ay baka daw low bat yung bat ng cam ko. O kaya naman ay baka puno na raw yung SD card at kailangan nang irepormat.
Ang una kong ginawa ay ilagay sa battery charger ang low bat na bat (buwakanabitz parang batbatan na ito). Sumunod ay nirepormat ko ang SD card (sayang nabura lahat yung top less picture na nakasave doon nung mga waiter sa timog). Neweis, tapos kung sundin lahat ang nasabing puedeng solusyon ay...ibinalik ko na ang fully charge na bat, bagong repormat na SD card at inilipat ko sa flash off mode ang camera.
Ok, mga kapatid sa kuwadradong mesa, "pose" uli at kukunan ko na talaga kayo. Matapos ang walang galawan at hindi maburang ngiti ng mga kasama ko sa kuwadradong mesa ay...HUWAAAAHHHH, ayaw pa ding magklik at may busy message pa ring lumalabas. Para hindi ako mapahiya sa mga tropa ko sa kuwadradong mesa ay nagpalabas ako ng mga mapapanis naming pagkain para gawing tanpulutz.
Habang lumalaklak kami ng malamig na serbesa at malamig na left over lechon na pinadala sa akin ng isang bagitong politiko ay halos lumipad ang isip ko. Kasi bago lang ang nasabing camera ko at bihira ko itong gamiting dahil mas gusto ko ang magjack...mag black jack bastos.
Fast Forward Dec. 26:
Pagkagising ko ay hindi pa rin ako mapakali dahil hindi namin nagamit ang nasabing camera. Kaya heto kutingting dito at kutingting doon. Basa dito at basa doon ng camera manual. Susana bagets walang paliwanag sa nasabing camera manual kung bakit nagkaroon ng busy message ang camera ko. Kaunting kaunti na lang ay gustong gusto ko nang tagain sa dalawa ang nasabing camera nung bigla kong maisip na pihitin ang focusing ring nung stock lens. YAHOO, gumagana na uli ang camera ko at kaunting himas na lang ito at siguradong babalik na uli siya sa katinuan niya at ako rin ay malamang na bumalik na rin sa katinuan ko. Please lang huwag mo akong ipahiya dahil wala na akong mapapanis na pagkain para ilabas sa mga tropa ko sa kuwadradong mesa.

0 comments:
Post a Comment