Ito mahirap kapag may bago kang toy, halos lahat yata nung aktibidades namin kagabi (friday the 11th) ay nakasentro sa nasabing toy. Pati nga si totoy buraot (TB) na mahilig masyado sa pulutan ay biglang nag laylow sa tanpulutz. Saan ka pa, wachimi (read: sashimi) na ang pulutan namin ay natira pa kagabi. Ganoong nung araw kapag nag ahin ako ng wachimi ay parang ang kainuman ko ay si mike enriquez, dahil talagang ayaw niyang tantanan ang pulutan.
Pero kagabi ay iba ang kilos ni TB dahil alam niyang magsasalang ako ng ilang gramong mint flavor sa shisha. Ang maganda pa nito ay nilagyan ko pa ng ice ang glass water bottle kaya isang hitit mo lang ay....nirvana. Nung maubos ang mint flavor ay sinalangan naman namin ng grape flavor, next ay apple flavor, tapos ay orange flavor. Nung magsawa kami sa ibat-ibang flavor ay dun na pumasok yung tustado naming utak. Ang sumunod na plano namin ay subukan kung ok kayang isalang ang wasabi as in wasabi flavor. Dahil kapag ok ang wasabi flavor, ibig sabihin ay puede rin ang kaldereta, papaitan, adobo o kaya ay crispy pata flavor.
Ang hindi ko lang nagustuhan kagabi kay TB ay yung ikinukulit niya. Nung magbukas kasi siya ng ika apat naming malamig na serbesa ay nagsuggest siya sa akin na subukan daw namin iyong flavor na naiisip niya. Isa lang ang tugon ko sa kanya, iligal iyun at baka kumapit ang amoy sa hose at pipe. Dugtong ko pa kung talagang gusto mo ng ganyang flavor, pumunta ka na lang sa gilid ng simbahan ng quiapo at marami kang mabibili doon.
Hoy mga bastos ibang flavor yung iniisip ninyo, sweet paper ang gamit doon. Ang kinukulit ni TB na isalang namin sa shisha ay yung...pamparegla flavor. Busettttt!!!

0 comments:
Post a Comment