Monday, April 05, 2010

potang pinoy style

Bakit kaya hindi magkaroon ng batas sa pilipinas na dapat ay magpaskel ng presyo sa bawat paninda, serbisyo o kung ano pa man ang raket mo. Napupuna ko kasi na nag iiba iba ang presyo ng mga tindero o yung nagre repair ng mga gamit natin depende na rin sa istura nung namimili o nagpapagawa. Alam naman natin ang mga noypi, masyadong mapagsamantala sa kapwa niya noypi. Isa pa siguro, kung sakaling may ipagagawa kang sirang gamit, bago sana nila ito ayusin ay sabihin agad kung magkano ang magiging gastos mo. Madalas kasing praktis sa atin ay tatanggapin niya yung gamit mong sira ay kukutingtingin, tapos kapag nagawa na ay sisinuhin ka kung kaya ka niyang gulangan sa presyo. Kapag naman tumawad ka sa hinihingi niyang presyo ay bababuyin na sa susunod ang ipagagawa mo. Ganun din sa mga tindera sa palengke. Subukan mong bumili ng isda o karne sa palengke na maayos ang suot mo at mukhang palaban kang gumastos. Sigurado ang presyo nung tinda niya ay biglang tataas. Pero magpalipas ka ng oras at magpalit ka ng mukhang gusgusing damit. Kita mo medyo mababa ang presyo ng tinda niya pag lapit mo. Kung magiging matapat lang sana tayong mga pinoy sa isa't- isa, baka gumanda nang kaunti uli ang buhay nating lahat. SANA.

0 comments: