Wednesday, August 30, 2006

last two minutes

Madalas nyo sigurong marinig yung salitang "walang pang two minutes", kapag may nalalaglag na pagkain o pulutan sa lupa o semento, iisa lang ang ibig sabihin nito, ika nga kapag nalaglag ang pagkain sa lupa ay puede pang damputin yun dahil hindi pa kinakapitan ng mga germs yan wala pa kasing two minutes sa lupa yung nalaglag na pagkain. Pero ang totoo niyan, hindi talaga agad kakapitan ng mga germs ang ating pagkain kasi kapag nakita ng mga germs ang pagkain na palaglag pa lang, nagtatakbuhan muna sila palayo dahil baka sila madaganan ng nalaglag na pagkain at pagkatpos nilang umiwas sa nalaglag na pagkain o pulutan, saka pa lang sila babalik para kapitan yun ang kaso nga dinampot na rin agad ng manginginom yung nalaglag na pulutan, kaya safe kainin yun dahil wala pang two minutes na nalaglag.

Monday, August 28, 2006

christmas wont be the same this year

Wow pilipins apat na araw na lang pasko este september na, ang bilis talaga ng panahon at ang daming pula ng kalendaryo ko, sigurado nito pula na naman ang hasang ko buong september. Pero kahit saang parte naman ng pinas kapag pumasok na ang mga buwan ng beer sigurado masaya na ang mga tao, kasi parang hinihila na lang niyan ang laman ng pitaka mo para ubusin mo lagi sa garnacha...kaya lang bakit kaya ang september ay ika siyam na buwan ganung ang ibig sabihin sa latin ng septem ay pito, katulad na lang ng october di ba dapat walo yan kasi galing yan sa salitang octopus (bwahahaha-huli ka no), obserbahan mo yung mga pugita (babaeng pogi) tignan mo may walong galamay at ang isa pang pinagtataka ko ay kung bakit pinipilit nilang ang pasko ay december eh ganung kapag nagkakantahan kami nung araw may isang gitarista akong kilala na madalas kantahin yung "when i was small and christmas trees were tall" eh di ba ang title nun ay first of may...tapos pagdating sa koro sabay sabay kaming mga lalaki na nag iinuman at kakantahin namin yung ti ti ti ti ti ti...ti ti ti ti ti...ti ti, siempre pa puro lalaki ang kumanta, subukin mong ipakanta sa mga babae yan pag hindi ginupitan ng buhok yan ni tito manoling. Yung buhok sa itaas BASTOS, kung ano ano ang iniisip mo.

Sunday, August 27, 2006

pumpingan na

mga pre may nadiskubre kaming "pumping station" sa antipolo malapit sa kingsville, mukhang maganda yung lugar kaya lang walang nakalagay kung magkano ang erbuk dun...teka medyo naguguluhan lang ako kasi yung nakita naming "pumping station" ay parang walang tao, iba ba ito dun sa alam nating pumping station? ay sorry pumping sensation yata yun.

Friday, August 25, 2006

hidden codes

My Very Educated Mother Just Served Us Nine Pizza Pie...walang dating ano? speaking of Pluto, the planet, hindi yung kalaban ni bugs bunny, aalisin na raw yung pluto sa nine planets ng solar system kasi sabi nung mga miembro ng frat sa astronomy tamad daw mag orbit si pluto at medyo duda sila sa kilos nito, ang problema lang paano na yung natutuhan natin sa science, major in astonomy and public speaking na code nito para maalala ng mga student ang nine planets in our solar system...My (mercury) Very (venus) Educated (earth) Mother (mars) Just (jupiter) Served (saturn) Us (uranus) Nine (neptune) Pizza (pluto) Pie, puede namang palitan yung pluto ng word na police para hindi na rin mabura yung code na Pizza, sabagay mas mainam ngang ipalit yung police sa pluto kasi mas masipag mag orbit ang police kaysa sa pluto, yun na.

long time gone

cencsya na mga kapatid sa kuwadradong mesa, medyo matagal akong nawala dahil (1) may dumaang unidentified flying object sa iniihian ko at bigla akong isinama sa farewell party nila sa pluto; (2) namangka ako at di sinasadya ay napadaan ako sa bermuda triangle; (3) kinidnap ako ng mga npa bicol chapter at gusto akong ialay sa mayon volcano para hindi na ito pumutok; (4) nagpanggap akong palaka para ma bj ni snowwhite at ng seven dwarfts; (5) ginawang akong double ni gma hanggat hindi pa siguradong patay ang impeachment; (6) nangamatis yung tuli ko; (7) nagtago ako sa kisame namin dahil dinemanda ako ng avon kasi hindi ko nabayaran yung binili kong pabango; (8) sumuka ako ng traktora at sinabihan ako ni mang kepweng na magpahinga muna; (9) napagkamalan na naman akong may ipinuslit na ornacol sa embassy sa the fifth (taguig side na yan); (10) kinuha uli akong dj sa otso pecados...ang masama nito naitapon ko na yung 12 inch plaka na long version ko ng "miss me blind" ni joy borge?, boy borge? borge adornado? sonny jaborgeky? borgy porgy? ano nga nga ba pangalan nung kumag na yun? ah alam ko na john lennon.

Thursday, August 17, 2006

ring ring goes the bell...

Narinig nyo ba yung alingasngas na ipapa rehistro na raw ang lahat ng cellphone para daw maiwasan ang mga cellphone snatching? bakit naman ang mga sasakyan lahat halos ay naka rehistro, naiwasan ba ang carnaping, hindi rin naman. Kung sakali ngang matutuloy ang carnaping este ang cellphone registration di ibig sabihin nito hindi rin malayo na bago marehistro ang cellphone natin dapat ay may drug test din tayo, emission test para malaman kung sino ang nauutot kapag sobrang magtext. Mayroon pa akong scenario na naiisip jan, kasi kung halimbawa ngang naka rehistro ang mga cellphone natin di ibig sabihin nito mamo-monitor nila lahat ng tawag natin kasi registered na yung gamit mo at ang mahirap pa nito kapag expired na yung registration mo di hindi ka na makakatawag dahil puede nilang ma-block ang line mo. Daig pa nila ngayon nyan ang mga nagbebenta ng prepaid, kasi mas may karapatan silang ma-block ang cellphone mo, dahilan nila ay expired na ang rehistro mo ang mabigat pa nito lahat ng phone ay may serial number, eh baka ang sumunod naman jan ay magkaroon yan ng number coding kung saan lahat ng serial number na nagsisimula sa 1-2 ay hindi makakagamit ng cellphone niya tuwing lunes. Magkano naman kaya aabutin ang parehistro ng phone, sigurado dadami na naman ang mga fixer nyan at ang mga mahihirapan maghuli ng fixer ay ang mga taga NTC kasi hindi nila mahahalata ang galaw ng mga fixer dahil txt txt lang ang transaction ng mga iyan. Ang dami ngang mga cellphone users ang hindi makapag load dadagdagan nyo pa gastos nila. Kpg n2loy yn mlmng mgbalik n lng uli ako sa butas n lta at mhbng istro.

Tuesday, August 15, 2006

gitarang may nakadapong kalapati

It's a free concert from now on, Alan Fay, go to the information booth, give me an F cheer and so on, kapag iyan ang naririnig mo sa radyo sigurado alam mo na agad kung ano ang tinutukoy nito, ano hindi mo alam? ito yung mga bumaon sa isip natin na binanggit sa woodstock festival na ginawa sa sullivan county sa farm ni max yasgur nung august 15, 1969, dito napatunayan na mas malakas ang tawag ng musika sa sankatauhan at dito rin namukadkad ang mga hippie kung saan ay nagawa nila ng libre ang gusto nilang mangyari sa panahon na iyon katulad ng free love, drugs at ang walang katapusang kasiyahan, pero marami ang nagsabi na kapag naalala mo raw ang woodstock ang ibig sabihin nun ay wala ka doon, kaya nga ako lahat halos ng nangyari jan ay naaalala ko kasi talaga namang wala ako dun dahil baby pa ako nun, pero para sa akin woodstock baby rin ako dahil sa panahon ko nangyari yun at ito ang pinaka woodstock of all woodstock dahil kung hindi sa kanila ay wala rin antipolo woodstock, amoranto woodstock at victor woodstock...para tuloy napanaginipan kong nakita ko uli si Joe Hill.

Monday, August 14, 2006

4 + 20 years


May tama...sa mga nagsabi na lagpas na kami sa dalawampung taong magkakasama, ika nga 20 years na rin kaming nag eerbukan, pero hindi halata ano, kasi kita mo naman yung piktyuran namin lahat normal pa rin, wala pa ring naiistroke sa amin at ang masarap pa n'yan kahit walang okasyon basta nagkita kami fight agad, minsan nangitlog yung manok nila algene, erbukan na, tapos nagpakalbo si jun s., erbukan uli, natutong mag close open si gian, erbukan agad...pero ang piktyuran na ito ay medyo memorable sa aming lahat kasi ba naman araw ng linggo bigla kaming nagka erbukan eh wala namang okasyon maliban lang sa may bagong kotse si jun d. (yung naka green na lacoste at flip flops na flop).

Sunday, August 13, 2006

Friday night I crashed your party

Kuha ito sa isang kalsada sa makati, matagal din nilang hinintay ang pagkakataon para sila maka-gitna sa kalsada kasi daanan talaga ng mga sasakyan yan, mahirap na baka masagasaan pa sila...alam nyo bang ang isa jan ay paalis na papuntang singapore para maging model. Clue: Hindi yung kalbo dahil model yan ng tancho at beatles pomade dito sa pinas.

Kuryus ako kung ano ang ginagawa ng ibang tao kapag friday, kaya nag request ako kay utol na padalhan nila ako ng kanilang gimik at ito nga ang naging resulta. And speaking of weekend gimik, nagtataka lang ako dahil ang dami kong nakikitang mga bahay erbukan (beerhaus) na may nakalagay na "happy hour 5 pm to 9pm" para kasing misnomer ito o yung tinatawag ng mga english titser natin na metaphorical extension. Kasi paano mo sasabihing happy hour ang 5 pm to 9pm eh wala pa namang nagsasayaw na hubo tabo ng ganyang oras, dapat ang happy hour ay yung bandang alas onse ng gabi hanggang alas tres medya, kasi sa ganyang oras happy na talaga ang mga tao, dahil may maiingay na sa erbukan, yung iba naman ay nag aaway na at yung iba ay talagang happy lang (ok ka lang?). Ang 5 pm to 9 pm ay parang mumugan pa lang yan pag nasa erbukan ka, ika nga nagpapa init ka pa lang niyan. Pero mayroon akong alam na lugar na sa ganyang oras ang lahat ng nagsisilbi ng erbuk (beer) sa inyo ay puro topless, subukan mong pumunta sa mga gay bar, kita mo puro topless na lalake ang nagsisilbi sa mga customer...buwahahabuwahaha, acheche.

Saturday, August 12, 2006

teenage wasteland

Napapadaan ba kayo jan sa may EDSA, siguro napupuna nyo rin jan yung mga kabataan na nakatago sa ilalim ng tulay, kung pagmamasdan nyo silang mabuti mapupuna nyo na parang may pinagkaka abalahan sila, nang minsang obserbahan ko sila napuna ko na may sinisinghot silang rugby, ito yung isang klase ng solvent na ginagamit na pandikit sa suwelas ng sapatos, masama ito sa katawan kasi nakaka tuyo ito ng utak, maari ka ring makalimot dito, siguro kaya nila ginagawa ito ay para malimutan nila ang hirap ng kabuhayan, pero hindi naman ito ang solusyon jan. Mabuti pa kung sa ibang bansa sila nag rugby baka mayaman na sila kasi sa ibang bansa katulad na sa New Zealand, Fiji, Tonga, Samoa, Wales, England, Ireland, Scotland, France, Australia, Argentina and South Africa, Italy at Japan, ito ngang huli nag bid pa para maghost sa 2011 Rugby World Cup, isipin mo sa kanila may pakontest pa ng rugby, ano kaya yun palakasan ng dosage sa pag singhot? pero ang napili para iraos ang pagra rugby ay ang New Zealand. Kasi sa mga bansang ito legal ang rugby, eh dito sa pinas ka maggaganyan ano mapapala mo? tutuyuin mo lang ang balat mo katititra niyan tapos kapag wala na silang pambili, magnanakaw sa mga inosenteng tao, kawawa naman kayong lahat niyan. Mayroon akong solusyon sa mga mahihilig sa rugby, bakit hindi sila paghuhulihin ng mga lespulayts at ipasok silang trabahador sa gawaan ng sapatos sa marikina dahil kung nandoon sila sa gawaan ng sapatos, bukod sa may trabaho na sila nagagawa pa rin ang bisyo nila, ika nga hitting two stones with one bird...tama ba yung idiom ko Homer?

Thursday, August 10, 2006

happiness is in the hands of the beholder

Nabasa nyo ba yung international survey about sex ng mga ibat ibang nationality na nasulat sa isang jaryo? ang sabi kasi dun ang pinaka malibog daw na tao ay mga korean kasi kung kumaplog sila ay halos araw araw, singkit din kaya ang mga etits nito, samantalang ang mga britons (bloody cock) naman daw ay mahilig lang sa foreplay o yung pampa init muna pero mahina daw sa labanan. Dagdag pa sa survey na yon, ang mga polish at german (slicenhutenn) naman daw ang karamihan ay puro tapat sa kanilang mga partner kunbaga hindi sila tumitira sa labas puro sa asawa lang nila gayundin ang mga dutchman at australian. Ang mga italian (don't let them know were doing it and moan softly ) naman daw ay sinisigurado nila na nag enjoy talaga ang partner nila samantalang ang mga brazilian naman daw ang pinaka maraming nayayari at okay sa kanila kahit tatlohan ang laban, ibig sabihin nun puedeng isang lalaki at dalawang chicks, isang chick at apat na itlog, isang lalaki, babae at aso, babae at dalawang aso, lalake at dalawang inahing manok...ang mga pinoy? ang nakasulat dun ay mahilig daw ang pinoy sa sexual self stimulation, ibig sabihin ba nito ang mga pinoy ay team jacolytes? newey isa lang ang tanong ko sa mga gumawa ng survey na yan, ito makinig kayong lahat mabuti...kailangan ba ng visa papuntang brazil?

Wednesday, August 09, 2006

stages of man

alam nyo bang ang pipol ay may tinatawag na transitional period o yung stages of man kung saan hinati iyan sa tatlo, ito yung childhood, puberty at adulhood. Ano ang ginagawa natin sa mga stages na yan? kapag bata ka between 1-5 yrs old (childhood) ang madalas mong gawin ay yung dakot tae at dakot etits, 10-15 years old (puberty) dakot etits pero sa loob na ng tacobeach (banyo) mo ito ginagawa, 25-30 years old (adulthood) may dumadakot na ng etits mo nyan dahil usually sa ganyang edad ay may asawa ka na niyan, kawawa ka naman kung solo navigator ka pa rin sa edad mo na yan. 40-55 years old (D.O.M.) bumabayad ka na sa labas para may dumakot ng etits mo (tip: sa quezon avenue P500.00 lang may dakot na at tube cleaning pa, wag ka lang pupunta dun kapag katataas lang ng presyo ng gasolina) and lastly between 65-70 years old (second childhood?)...ah ito balik ka na uli sa dakot tae...speaking of dakot tae, nung bata ako madalas kong marinig sa kalookan yung mga lasenggo dun kapag may nakita silang baby kinakantahan nila ng "close open, close open" pero tagalog version...ang version nila ay yung "dakot tae, dakot tae, dakot tae, dakot tae" close open, close open...puede nga ano?

Saturday, August 05, 2006

tanong lasing

1. alam nyo bang ang tawag ng mga intsik sa blog ay bo-ke? puede kayang itawag ng mga pinoy sa blog ay po-ke?

poolside na erbukan

mga tol kagabi may napuntahan kaming erbukan ng mga "opus"-mate ko sa quezon city, katapat ito ng isang hotel na parang palasyo, maganda yung lugar kasi nasa tabi ka ng mingming pool at ang panghatak nila dito ay yung mga serbedora nila dahil bukod sa magaganda na at mga bata pa, namputcha yung suot ang iigsi umurong sa itaas at umurong din yung suot sa ibaba, kaya bawal ang hipo sa kanila, siempre naman...tapos may tumugtog na mga bagets na banda, nung una ayokong bigyan ng pansin dahil puro rap ang binibira (samantala ay balikan natin si aw aw na anak na mang islaw...yesyesyoyesyesyo). Pero nung second set nila ang binira ay yung mga awit ng ating panahon katulad ng black betty ng ram jam, we will rock you, another brick in the wall...tayo balahibo ko, napa order tuloy kami ng crispy tuna tail...and speaking of tanpulutz ok yung crispy tuna tail nila masarap kaya lang yung na order namin na sizzling pusit..TALO, kasi ba naman yung nilagay sa sizzling ay yung pusit na nasa lata na maliliit na pusit, ang sama ng lasa, kaya nung nakalahati na namin yung pusit isinoli namin at wala namang angal si Cell PO (yun ang dinig ko sa pangalan nung waswit na nag served sa amin na may nunal sa ibaba ng pusod) at pinalitan naman ng sizzling sisig...pagdating ng sisig ang akala ko naman ay sizzling bopis ang ibinigay...TALO rin. Bago pa ako nakapag reklamo ay napuna ko sa stage na may limang beautius na all girrrrllll band, ang lilikot gumalaw parang nakatira ng cortal na made in binondo, pero ang da best sa kanila maiiksi din ang suot ang mahaba lang sa kanila ay yung mga buhok nila at yung dila. Napuna ko nga yung vocalist nila na may hikaw sa pusod at the distance of 30 meters, malinaw pa rin pala ang mga mata ko. Pagkatapos mag ingay ng mga suzie quatro wannabe ang sumunod naman ay walong beautius na chiching at nagsipag sayaw na parang high din sa cortal, siguro may tulak ng cortal dun sa lugar na yun. Ang gaganda din nila, naka tashert na puti sila at maigsing maigsing short na maong, halos kainin nga nung maong yung kaong. In short or sa maigsing salita enjoy ang beernes kaya nga pag sakay sa kartela ko ikinasa ko agad sa tape deck yung...We don't need no education We dont need no thought control No dark sarcasm in the classroom Teachers leave them kids alone..Hey! Teachers! Leave them kids alone! All in all it's just another brick in the wall. All in all you're just another brick in the wall. "Wrong, Do it again!""If you don't eat yer meat, you can't have any pudding. How can you have any pudding if you don't eat yer meat? ""You! Yes, you behind the bikesheds, stand still laddy!" jang jarang jang jang jang... jang jarang jang jang jang...

Friday, August 04, 2006

tv age

Hanep yung bagong commercial sa tv, yung tungkol ba sa ina na masyadong protective sa kanyang anak. Bigla ko tuloy hinalukay yung baol ko na naglalaman ng mga luma kong tula, may nagawa kasi akong tula dati na inalay ko sa mga magulang aktuwali mothers day 1982 (tagal na nyan pre) ko pa ito nagawa pero ilalathala ko lang ulit dahil na touch ako sa tv com na yun...BUSETTTTTT hindoropot, pahingi nga ng tAssue (with capital A).

Tuesday, August 01, 2006

apollo 11 revisited



Natatandaan nyo ba yung Apollo landing nung July 20, 1969? medyo matagal na rin naman yun, 37 years na rin, pero may nagsasabi peke lang daw ito at hindi talaga nakarating ang mga kano dun, ginawa lang daw ang footage nito sa nevada desert (area 51). Ang dami pa namang nanood noon sa telebisyon, ako nga tanda ko pa naka kandong pa ako sa lolo ko (bata pa kasi ako) nung pinapanood namin ito sa telebisyon namin na may apat na paa. Pero marami namang lumabas na piktyuran tungkol dito, kayo na rin ang humusga kung talagang nakarating nga sila sa moon.