Narinig nyo ba yung alingasngas na ipapa rehistro na raw ang lahat ng cellphone para daw maiwasan ang mga cellphone snatching? bakit naman ang mga sasakyan lahat halos ay naka rehistro, naiwasan ba ang carnaping, hindi rin naman. Kung sakali ngang matutuloy ang carnaping este ang cellphone registration di ibig sabihin nito hindi rin malayo na bago marehistro ang cellphone natin dapat ay may drug test din tayo, emission test para malaman kung sino ang nauutot kapag sobrang magtext. Mayroon pa akong scenario na naiisip jan, kasi kung halimbawa ngang naka rehistro ang mga cellphone natin di ibig sabihin nito mamo-monitor nila lahat ng tawag natin kasi registered na yung gamit mo at ang mahirap pa nito kapag expired na yung registration mo di hindi ka na makakatawag dahil puede nilang ma-block ang line mo. Daig pa nila ngayon nyan ang mga nagbebenta ng prepaid, kasi mas may karapatan silang ma-block ang cellphone mo, dahilan nila ay expired na ang rehistro mo ang mabigat pa nito lahat ng phone ay may serial number, eh baka ang sumunod naman jan ay magkaroon yan ng number coding kung saan lahat ng serial number na nagsisimula sa 1-2 ay hindi makakagamit ng cellphone niya tuwing lunes. Magkano naman kaya aabutin ang parehistro ng phone, sigurado dadami na naman ang mga fixer nyan at ang mga mahihirapan maghuli ng fixer ay ang mga taga NTC kasi hindi nila mahahalata ang galaw ng mga fixer dahil txt txt lang ang transaction ng mga iyan. Ang dami ngang mga cellphone users ang hindi makapag load dadagdagan nyo pa gastos nila. Kpg n2loy yn mlmng mgbalik n lng uli ako sa butas n lta at mhbng istro.
Thursday, August 17, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment