Napapadaan ba kayo jan sa may EDSA, siguro napupuna nyo rin jan yung mga kabataan na nakatago sa ilalim ng tulay, kung pagmamasdan nyo silang mabuti mapupuna nyo na parang may pinagkaka abalahan sila, nang minsang obserbahan ko sila napuna ko na may sinisinghot silang rugby, ito yung isang klase ng solvent na ginagamit na pandikit sa suwelas ng sapatos, masama ito sa katawan kasi nakaka tuyo ito ng utak, maari ka ring makalimot dito, siguro kaya nila ginagawa ito ay para malimutan nila ang hirap ng kabuhayan, pero hindi naman ito ang solusyon jan. Mabuti pa kung sa ibang bansa sila nag rugby baka mayaman na sila kasi sa ibang bansa katulad na sa New Zealand, Fiji, Tonga, Samoa, Wales, England, Ireland, Scotland, France, Australia, Argentina and South Africa, Italy at Japan, ito ngang huli nag bid pa para maghost sa 2011 Rugby World Cup, isipin mo sa kanila may pakontest pa ng rugby, ano kaya yun palakasan ng dosage sa pag singhot? pero ang napili para iraos ang pagra rugby ay ang New Zealand. Kasi sa mga bansang ito legal ang rugby, eh dito sa pinas ka maggaganyan ano mapapala mo? tutuyuin mo lang ang balat mo katititra niyan tapos kapag wala na silang pambili, magnanakaw sa mga inosenteng tao, kawawa naman kayong lahat niyan. Mayroon akong solusyon sa mga mahihilig sa rugby, bakit hindi sila paghuhulihin ng mga lespulayts at ipasok silang trabahador sa gawaan ng sapatos sa marikina dahil kung nandoon sila sa gawaan ng sapatos, bukod sa may trabaho na sila nagagawa pa rin ang bisyo nila, ika nga hitting two stones with one bird...tama ba yung idiom ko Homer?
Saturday, August 12, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment