Wow pilipins apat na araw na lang pasko este september na, ang bilis talaga ng panahon at ang daming pula ng kalendaryo ko, sigurado nito pula na naman ang hasang ko buong september. Pero kahit saang parte naman ng pinas kapag pumasok na ang mga buwan ng beer sigurado masaya na ang mga tao, kasi parang hinihila na lang niyan ang laman ng pitaka mo para ubusin mo lagi sa garnacha...kaya lang bakit kaya ang september ay ika siyam na buwan ganung ang ibig sabihin sa latin ng septem ay pito, katulad na lang ng october di ba dapat walo yan kasi galing yan sa salitang octopus (bwahahaha-huli ka no), obserbahan mo yung mga pugita (babaeng pogi) tignan mo may walong galamay at ang isa pang pinagtataka ko ay kung bakit pinipilit nilang ang pasko ay december eh ganung kapag nagkakantahan kami nung araw may isang gitarista akong kilala na madalas kantahin yung "when i was small and christmas trees were tall" eh di ba ang title nun ay first of may...tapos pagdating sa koro sabay sabay kaming mga lalaki na nag iinuman at kakantahin namin yung ti ti ti ti ti ti...ti ti ti ti ti...ti ti, siempre pa puro lalaki ang kumanta, subukin mong ipakanta sa mga babae yan pag hindi ginupitan ng buhok yan ni tito manoling. Yung buhok sa itaas BASTOS, kung ano ano ang iniisip mo.
Monday, August 28, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment