Saturday, April 26, 2008

gastos tips sa boracay

Note: all photos were taken by taruc using sony ericsson k618i













Mula sa Godofredo P. Ramos (Caticlan) Airport

P20.00-Tricycle mula airport hanggang pier (pero puedeng lakarin kung magaan ang dala mo)
P19.50-Pambayad sa magtatawid na banca (mula Caticlan port hanggang Cagban port)
P50.00-Enviromental & Admission Free (para daw mapanatili ang kalinisan (?) ng boracay)
P50.00-Terminal Fee (non refundable at valid for one (1) departure 0nly)

Pagdating sa Cagban Jetty Port

P20.00-5.00-Pambayad sa porter na magbubuhat ng gamit mo depende sa dami ng dala mo
P100-20.00-Tricycle fare (tip: huwag ka sasakay sa pila, kasi sisingilin ka ng ispisyal-P100, lumakad ka lang ng kaunti sa labasan at pumara ka ng dumadaang tricycle para P20.00 lang ang bayad)

Pagdating sa White Beach

P7.00-Tricycle Fare (huwag kang paloloko sa mga buwakang inang abusadong mga driver, gamitin mo ang gulang mo, batang maynila ka pa naman buwakang ina mo rin).
P100.00-Ispisyal Trip sa tricycle papuntang Puka Beach
P50.00-30.00-Presyo ng beer na malamig (kapag happy hour 5-9 pm, buy one take one ang beer, P60 dalawa na), karamihan naman sa mga bar ay P50 isang boteng beer.
P310.00-Crispy pata sa Andoks (maliit lang iyan, kaya magsolo ka na lang, magtago ka sa likod ng willy's rock)
P480.00-isang kilong sugpo sa D'Talipapa
P170.00-isang kilong bangus sa D'Talipapa
P160.00-isang kilong liempo sa D'Talipapa
P100.00-kada killo, bayad sa paluto nung mga napamili mo dun din sa mga carinderia ng D'Talipapa
P250.00-Isang buong manok sa Andoks
P74.00-Presyo ng milkshake sa Jonas (huwag kang uuwi ng hindi ka nakatikim nito, mapapahiya ka sa kuwentuhan pagbalik mo sa manila)
P60.00-70.00-Presyo ng Choriburger (huwag kang uuwi ng hindi ka rin nakakatikim nito buset kuripot)
P30.00-Bayad sa pagsakay sa nag-iisang Ferry's Wheel sa gitna ng D'Mall
P500.00-Pag nagpamasahe ka (hanapin mo si Edna sa pagitan ng Waling-Waling at Nigi-Nigi, magaling siya magmasahe).
P300.00-Bayad sa mga nagmamasahe sa tabing dagat, siguraduhin mo lang na marunong talaga siyang magmasahe, yung iba kasi hindi marunong.
P200.00-Bayad kapag nagpa braid ka ng buhok (hanapin mo si Gigi sa tapat ng Paradiso Grill at True Food Indian Resto, mabait siya at puede mong ibalik para irebraid ang buhok mo kung sakaling nagsex kayo ng siyota mo at nahila niya nang hindi sinasadya ang bagong braid mong buhok)
P100.00-Pag nagpa hennnnnnnnnna ka sa kuyut-kuyutan mo (bastush)
P45.00-isang litrong softdrinks
P1,000-500.00-Kapag kumuha/pumick-up ka ng chicks na kinapos sa budget
P300.00-Kapag ang napick-up mo ay ang misis mo
P1,000.00++ kapag gusto mong kumain sa magagandang kainan, pero huwag kang manghinayang dahil sulit sa sarap.
P1,000.000++ kapag nahulihan kang may dalang droga at malamang malagay ka pa sa news. Kaya huwag na huwag kang magdala, kontakin mo na lang ang mga lokals dun at magpahanap ka ng wild na talbos ng kangkong. May tama din yun, huwag mo lang kalimutang isawsaw sa bagoong na may sili, naku sarap.

0 comments: