Naranasan mo na bang mawalan ng kotse sa loob lamang ng ilang minuto. Ako? dalawang beses na. Ang una ay nung mawala yung sasakyan ko sa paradahan ilang daang araw na ang nakakaraan. Ang dahilan, masama kasi ang gising nung hepe nung pulisya at siguro ay hindi napopoy nung partner niya kaya tinawagan ang towing company na otorisado ng lokal na gobyerno at ipinahatak lahat yung nakaparadang sasakyan sa nakaparada malapit sa istasyon ng pulis.
Hindi sana madadamay yung sasakyan ko, kaya lang nung paliko na yung tow truck (yun ang kuwento nung bantay ng sasakyan ko) ay hindi raw makaliko ng maayos kaya ang sabi nung hepe ay alisin na rin daw yung sasakyan ko. Hindi naman ako nagtampo sa mga humatak dahil mabilis ko rin namang nabawi ang sasakyan ko sa impounding area nila at hindi nila ako pinagbayad kahit isang kusing.
Ang ikalawang pangyayari naman ay nung iparada ko sandali ang aking sasakyan dahil may dadalhin akong misyon sa isang gusali. Halos wala pa akong sampung minuto ay natapos ko na ang aking misyon at nung bumaba ako ay nagulat na lang akong wala na ang aking sasakyan. Agad akong nagtanong sa mga nakaistambay sa labas kung nahigop ba ng isang space ship yung sasakyan ko. Ang sabi nila ay hinatak daw ng mga PUTANG INANG EMPLEYADO ng isang tow truck na otorisado na naman ng lokal na gobyerno. Mabilis kong pinakalma sandali ang aking puso dahil summer ngayon at baka bigla akong atakihin at saka ko tinignan ang paligid kung may mga nakapaskel doon na bawal pumarada kung ayaw mahila (sorry hindi ko maingles ang PUTANG INANG WARNING SIGN), pero wala akong makitang bawal pumarada.
Tapos nito ay sumakay ako sa isang tricycle at tumungo dun sa munisipyo para puntahan ang nasabing opisina na humatak ng sasakyan ko. Pagdating ko ay nakita kong marami na ang nakapila sa nasabing departamento at puro napapakamot sa ulo sa kunsumisyong nangyari sa kanila. Pumasok agad ako sa opisina nila at tinanong ko kung sino ang namamahala sa nasabing opis at heto ang naging usapan namin nung magandang babae na naka assign sa opis:
Me: Mam sino po ba ang hepe dito, kasi po nahatak ang sasakyan ko
Beautiful Girl: Wala pa siya, tutubusin mo ba yung car (slang pa man gid) mo?
Me: Hindi po, makikisuyo lang po ako at tatanungin ko kung bakit ang bilis nawala nung car ko.
BG: Ay baka mamaya pa po iyon dumating at saka hindi po siya nakikipag-usap sa mga nahatakan, tubusin nyo na lang po.
Me: (nanlilisik na ang mata ko at umuusok ang ilong habang nilalabas ko ang ID ko) Mam kasi po sa ano po ako nagtratrabaho, kaya lang po ako naligaw dun sa lugar kung saan nahatak ang car ko ay dahil may dinala po akong ________ doon.
BG: Ganun ba, sandali lang ha tatapusin ko lang itong isang mama na nahuli din.
Me: Salamat po mam.
BG: Ok huwag ka nang maingay ha, pero wala ka nang babayaran, tatawagan ko lang yung private towing company para mabanggit ko yung car mo. (may tinawagan sa telepono at ipinaliwanag ang sitwastyon ko). Kakausapin ka daw (sabay abot sa akin ng telepono)
Me: (kausap yung chick sa telepono) Opo kilala ko po si ______. (nagtanong pa uli ng isa pang tao kung kilala ko din) Opo kilala ko din po.
Girl on the telephone: (talking to me) O sige sa susunod medyo iwasan mo na lang pumarada sa mga bawal na lugar.
Me: Opo mam pero hindi po bawal pumarada doon dahil po pilahan ng jeep yung pinaradahan ko, bakit bukod tanging yung akin lang ang nahila ng PUTANG INANG TOW TRUCK MO.
end of conversation, the car has been returned to the rightful owner in less than 30 minutes, high blood pressure, falling hair, loss of income, sleepless afternoon, bruised ego and the will to kill all in.

0 comments:
Post a Comment