Tuesday, April 29, 2008

wala nang tao sa sta. filomena

Buwakanavitz ang lakas pa rin ng flashback ko sa boracay, parang puro yun na lang ang gustong kong pag-usapan. Sabagay hindi mo naman ako masisisi, kasi talaga namang kapag napunta ka sa lugar na iyon ay parang ayaw mo nang umuwi. Bukod kasi sa payapa sa paningin ang lugar, nakakawala pa ng stress. Neweis, buti na lang at biglang napadpad sa kabilang ibayo namin nung isang gabi si manong joey ayala kasama ang bagong lumad band at hinila pa niya sa lolita carbon ng asin. Nagkaroon sila ng konserto para sa kalikasan at baka maisalba pa daw ang namamatay ng ilog sa naturang lugar. Halos bumalik sa isip namin ang awitin ng aming panahon at ang katumbas na kapsulang nilunok namin nung mga panahong iyon nang kantahin ni ate lolit ang mga pamoso niyang awitin. Nagulat na lang ako nang sabayan nang mga nanonood na sa tingin ko ay nasa edad kuwarenta na pataas, ang kanyang awiting "masdan mo ang kapaligiran". Nanayo tuloy ang mga balahibo naming magtrotropa, habang pinapanood namin sila sa di kalayuan kung saan ay may baon kaming isa at kalahating kahong malamig na serbesa. Muntik ko namang mabitawan ang hawak kong serbesa nang kantahin ni manong joey ang "agila". Halos ayaw silang pauwiin nung mga nanonood kahit inawit na nila lahat ang mga komposisyon nila. Ubos na rin nga yung baon naming serbesa pero ayaw pa ring magsiuwi ng tao. Sayang nga lang at hindi nila kinanta sa encore yung-hotel california.

0 comments: