Friday, May 30, 2008

celebration day


Mukha yatang bihira ang traffic sa mga kalsada ngayon at parang napupuna ko na kakaunti ang mga bumabiyaheng pampublikong sasakyan. Ito na kaya ang isa sa epekto nang maya't mayang pagtaas ng krudo?. Marami na siguro ang hindi makayanan ang presyo ng krudo kaya bihira nang ilabas ang kanilang mga sasakyan. Meron naman akong nakausap na kaya raw kakaunti ang pampublikong sasakyan ngayon sa kalsada ay dahil nagkaroon na naman ng hulihan ng mga kolorum.



Wednesday, May 28, 2008

it's over...it's over


Alas kuwatro pa lang ng hapon ay abala na ang mga tao sa Huerta Alba Resort. Dito kasi gaganapin ang isang konsyerto na kung saan ilang mga banda ang nakalinya para tumugtog nung araw na iyon, ilang libong tulog na rin ang nakakakaraan. Maya maya pa ay lumapit na sa entablado ang isang mamang payat na kamukha ni Jim Morrison at pagkahawak sa mikropono ay sabay sigaw ng "HANDA NA BA KAYO"?. Pagkatapos ay naghiyawan na ang mga tao bilang hudyat na sila man ay handa na rin. Ang unang bandang sumalang ay puro led zep cover ang binira, malupit siprang sipra nila ang led zep at ang gitarista ay parang si Jimmy Page kung umasta habang ang bokalista naman ay Robert na Robert pumorma. Sumunod na sumalang ay puro Eagles cover naman ang binira. intro pa lang ng Hotel California (hindi akostik version) ay naghiyawan na ang mga nanonood. Sa itsura pa lang ng tugtugan, alam ko nang magiging isang matagumpay na pagtitipon na naman ito ng mga pinoy rockers. Habang abala ang lahat ng mga nanonood ay nagkaroon ako ng pagkakataon na maka-usap sandali ang nasabing mamang payat dahil na rin sa personal siyang kilala nung kasama ko. Sandali lang kaming nagkausap at ito ay puro tungkol sa pangarap niyang palaguin ang pinoy rock music. Nung matapos ang dalawang naunang banda ay inayos naman ng mga namumuno ang mga nag feed back na mikropono at ilang mga nawala sa tonong instrumento. habang inaayos ang nasabing mga kagamitan ay hindi napigil na ibang bogsa na humiyaw kaya ang iba pang mga nanonood ay nadala rin at nakisabay na rin sa pagsigaw. Sa puntong ito ay muli kong nakita ang mamang payat na kamukha ni Jim Morrison at umakyat siya sa entablado na may dalang gitara. Hindi na siya nagsalita at sinabakan na lang niya ng tugtog, at ito ang lyrics ng kanyang kinanta.

Lover,
there will be another one
Who'll hover
over you beneath the sun
Tomorrow
see the things
that never come
Today

When you see me
Fly away without you
Shadow on the things you know
Feathers fall around you
And show you the way to go
It's over, it's over.

Nestled
in your wings my little one
This special
morning brings another sun
Tomorrow
see the things
that never come
Today

When you see me
Fly away without you
Shadow on the things you know
Feathers fall around you
And show you the way to go
It's over, it's over.



Tuesday, May 27, 2008

chikong-the simple man


Buti naman at bumalik na ang internet koneksyon. Ang hirap talagang mawalan ng internet, dito kasi halos ako nakababad sa harap ng computer ko araw-araw. Kaya kapag rin lang walang masyadong trabaho ay nakaharap na agad ako sa monitor. Ang tagal ko ding nawalan ng koneksyon, mula pa nung biyernes ay hindi na ako makapag surf. Tinawagan ko ang kanilang hot line at hindi man lang sinabi sa akin nung mga tinawagan ko na ang sira pala ay ang base station nila, kaya halos baligtarin ko ang computer kaka "ping" para makakuha ng internet koneksyon. Yun pala naman ay wala akong magagawa kahit pihitin ko pa ang antenna kasi sira ang base station. Sabagay nakaganda rin ng kaunti yung nawala sandali ang internet koneksyon ko, kasi nagkaroon ako ng pagkakataon na makababad sa erbukan ni pareng ipe (chikong) dahil beerday niya. Yun ang yehehey.

PS-hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na mag "digitalan" sa beerday party ni chikong, kasi 1. malakas ang ulan; 2. hindi kami kumpleto (wala si Jun D.); at 3. baka mabasa ang lomo kamera ko.



Friday, May 23, 2008

fever


Uso na naman ba ang trangkaso, para kasing bumibigat ang likod ng ulo ko. Nagpa-blood pressure ako at normal naman. Yun namang mga vitamins ko ay hindi ko kinalilimutang laklakin, pero bakit ganito parang tumutulo ang sipon ko ng hindi ko halos nararamdaman. Uminom na nga ako ng apat na paratestamol, parasesamestreet, parasetalom...ahhh basta lumaklak na ako ng apat na neozep pero ganun pa din, may sipon pa rin ako at may kaunting trip, puede rin pala yung-neozep. Kailangan kasi mawala itong nararamdaman ko bago magsabado kasi parang may naaamoy akong tomaan this weekend.



Wednesday, May 21, 2008

food tripping at mann hann and erbukan sa haybol






Sunday, May 18, 2008

while my guitar gently weeps






Friday, May 16, 2008

gimme some neck


Friday na naman, araw na naman ng gimik, kahit gabi-gabi ay gumigimik kami. Pero iba siempre yung gimik ng biyernes, kasi wala kang masyadong inaalala na baka magkasarapan kayo at mapuyat. Saan kaya magandang pumunta, yun kasing mga alam kong watering hole ay nasusuka na ako sa mga tanpulutz nila. Halos pag hawak ko pa lang ng menu ay alam ko na agad ang laman ng mga menu nila. Ang walang kamatayang sizzling sisig, crispy pata, kilawing sibuyas na nilagyan ng kaunting tanique, steamed pla-pla in oyster sauce at buwakang inang peanuts, mani lang yun na iningles tapos P70 pesos na agad busettt. Saan kaya merong tanpulutz na bayawak, adobong sawa, binusang tipaklong, yun bang mga exotic para maiba naman. Meron kasi akong napasyalan minsan jan sa pampangga (tama ba yung hispelling kho) na ganun ang mga tinda. Meron pa nga silang tindang palaka at fried camaru. Nakakasawa na rin kasi naman yung lagi na lang sisig ang pulutan mo. Kung puro kambing naman, ganun din, kaya nga minsan pag harap ko sa salamin ang tingin ko na rin sa sarili ko ay mukha na akong kambing. Ah basta, biyernes ngayon kahit ano ang tanpulutz ko, siguradong gigimik ako ngayon kahit may flashflood sa anonas.

Tuesday, May 13, 2008

ripple and wave


Hanep din talaga ang nagagawa ng computer ngayon, kaya ang sarap nang umistambay sa harap ng monitor habang naka beer mode ka.

Sunday, May 11, 2008

tweak my ass


It's been a bumpy ride from our office to the private resort we rented on that friday afternoon. Upon reaching the place, my libido was put on cold water because the said resort was very very ugly (at least in my own opinion) and the staff were very very lazy. So if you have nothing to tell good about something bad i'd rather keep my mouth shut. I'd rather talk about the craze of the generation, which is computer (what??? really is there such a thing as computer this days). How can you not miss your favorite tv show while tinkering on your keyboard and e-mailing your friends. One time i was playing my guitar while downloading cocojams complete album on imeem (yes you can, with some tweaking) and waiting for my skype cyber sex mate to call me online. That's what you call multi tasking and yes multi tasking is not about a good pill on your right hand and a bottle of ice cold beer on your left hand. It's freakin' geek time now, the hippies today are the undefeated counter strike players and friendster fanatics. Gone are the days of sex, drugs and rock and roll. This is the generation of Macs and Gates. How 'bout the resort we've rented on that friday afternoon? Oh i rather spend my night on sex, drugs and rock and roll.


Thursday, May 08, 2008

wireless mode?


All hell almost broke loose inside our very very fine house with two cats in the yard, now everything is easy cause of you, oops is that a song?. Neweis, i almost fell from my executive chair when i found out that my very old and reliable laptop cannot connect to a wireless internet. So i created an adhoc committee to investigate "whathappened". First question is who was the last one to use my laptop? a very tricky question yet, easy to answer; no one admitted and everyone denied using my toy. Ok, now the troubleshooting, i right clicked the wireless icon and tried to refresh it, and then viewed the available wireless networks. The result? no available network in range. I almost threw my two cats in the yard, because i am only an arm's length away from my very old and reliable router and yet my laptop cannot find an available network in range. Next thing in my mind was that my hard earned money will go to the dogs again. Nope, not this time, so i did a system restore to the nearest restore point and alas, still there's no wireless connection, undo system restore pronto. Ohmygosh, the next thing i knew is i tried to change the network setting, wireless protocol, shut off/on my router, rename and regroup my workgroup and pray hard. Still no available network in site. Then as luck is on my side, while sipping my tea with full of ice, i happened to look in front of my laptop and saw that the wireless mode is switched off. I just turned it on and yahoo they're all here again, pity me for being panicky.

Wednesday, May 07, 2008

it's raining again


Napaaga yata ang tag-ulan, ang dami ko pang hindi napupuntahan na magagandang beach dito sa pinas. Halos kabibili ko lang nung swimming trunks na kilala ang brand. Hindi ko pa nga nagagamit ang busettt na trunks, heto't panay na ang patak ng ulan. Mainam nga sana ang maagang pagdating ng tag-ulan para maagang makapagtanin sa bukid at nang hindi na tayo pumila ng NFA rice sa tabora. Sabagay puede ko rin namang isuot ang swimming trunks ko habang nagtatanim ng palay.



Sunday, May 04, 2008

food tripping and swimming at batangas


The instructions that we printed from their website said i have to drive from Manila to the South Luzon Expressway, then take the Batangas, Lucena, Legaspi Exit & then head towards Sto. Tomas. Upon reaching Sto. Tomas turn right to the Star Toll Way Entrance and then drive all the way to Lipa City and exit at Tambo before driving all the way to Lipa. Upon reaching Lipa, its chibugan time muna so we stopped at Lipa Grill to have a late lunch.


After a quick bite and the usual digitalan (kodakan is passe for your information) we drove towards Padre Garcia and headed straight to Rosario. At the Intersection we turned left (Tricycle Terminal) at Gualberto Ave. to San Juan and from there we turned right after passing San Juan (Municipal Hall) to Laiya. After driving some more 22 kms we reached our destination.