Friday na naman, araw na naman ng gimik, kahit gabi-gabi ay gumigimik kami. Pero iba siempre yung gimik ng biyernes, kasi wala kang masyadong inaalala na baka magkasarapan kayo at mapuyat. Saan kaya magandang pumunta, yun kasing mga alam kong watering hole ay nasusuka na ako sa mga tanpulutz nila. Halos pag hawak ko pa lang ng menu ay alam ko na agad ang laman ng mga menu nila. Ang walang kamatayang sizzling sisig, crispy pata, kilawing sibuyas na nilagyan ng kaunting tanique, steamed pla-pla in oyster sauce at buwakang inang peanuts, mani lang yun na iningles tapos P70 pesos na agad busettt. Saan kaya merong tanpulutz na bayawak, adobong sawa, binusang tipaklong, yun bang mga exotic para maiba naman. Meron kasi akong napasyalan minsan jan sa pampangga (tama ba yung hispelling kho) na ganun ang mga tinda. Meron pa nga silang tindang palaka at fried camaru. Nakakasawa na rin kasi naman yung lagi na lang sisig ang pulutan mo. Kung puro kambing naman, ganun din, kaya nga minsan pag harap ko sa salamin ang tingin ko na rin sa sarili ko ay mukha na akong kambing. Ah basta, biyernes ngayon kahit ano ang tanpulutz ko, siguradong gigimik ako ngayon kahit may flashflood sa anonas.
Friday, May 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment