Thursday, November 27, 2008

one down more to go

Nabawasan na naman ako ng isang kakilala. Nadedo na raw kahapon ayon sa text message na natanggap ko. Ang bilis talaga ng buhay, ilang taon pa lang ang lumilipas kung saan halos hindi maputol ang malakas na halakhakan namin kapag tumotoma kami sa "pinay", isang maliit na inuman iyan sa may bandang maynila. Nakita ko ang katikasan ng mamang ito nung panahon na malakas pa siya. Miyembro ito nang isang tinatawag na underground organization kung saan kapag hindi ka marunong magsalita ng lenguwahe nila ay hindi ka maaaring maging miyembro.

Isa siya sa nagturo sa akin kung paano makipaglaro sa lipunan. Siya ang nagsabi sa akin na hindi puro tapang ang dapat pairalin sa kalye at ang baril ay hindi ginagamit na pantakot sa tao. Matapos siyang magretiro ay ilan taon ding kaming hindi nagkita. Kaya nung minsang napunta ako sa probinsiya nila ay pinilit kong makarating sa bahay nila para naman mabisita siya. Nung makarating ako sa bahay nila ay nakita ko na nandoon pa rin ang tikas niya pero ang katawan ng tao ay hindi nagsisinungaling.

Nakadama ako ng pagkalungkot ng makita ko ang hitsura niya. Hindi na siya nakakalakad kung walang tungkod at halos hindi na niya inaayos ang sarili. Dati kasi ay hindi mo siya makikita na may balbas at bigote, lagi itong ahit. Pero nung magkita kami muli sa bahay nila, ang nakita ko ay parang isang ermetanyo. Ang una niyang tinanong sa akin ay kung umiinom pa daw ako, tumango lang ako. Nung malaman niya na umiinom pa ako ay agad niyang inutusan ang kanyang tapat na asawa at sinabing kumuha ng isang boteng isteytside na alak at iinom daw kami. Alam kong nagbibiro lang siya, dahil matagal na siyang tumigil sa bisyong ito.

Matapos ay nagkamustahan naman kami at nagnostalgia tungkol dun sa mga ginagawa naming mga good time nung araw. Matapos ang isang oras na pagkukuwentuhan ay nagpaalam na ako sa kanya. Doon ko nakita na ang dating matikas na mama na hinahangaan ko ay biglang humagulgol at sinabi ang nilalaman ng isip at damdamin niya. Niyakap ko siya at may ibinulong ako. Doon ko muling nakita na nagliwanag ang kanyang mukha. Matapos ito ay tumalikod na ako para lumabas ng bahay niya. Habang papalabas na ako ng bahay ay narinig kong muli ang malakas niyang sigaw na madalas niyang gawin nung araw na matikas pa siya, "SA SUSUNOD NA PAGBALIK MO DITO SA BAHAY AY IPAGLULUTO KITA NG KAMBING AT IINOM TAYO HANGGANG SA MAMATAY". Itinaas ko na lang ang kanang kamay ko bilang pag ayon sa magandang plano niya at tuluyan na akong lumabas ng bakuran.


Saturday, November 22, 2008

guess who?

Halos isang buong araw din ang naubos ko kaiisip kung ano ba ang pamagat nung kantang may lyrics na "The gallows was made from a tree created by God. The man's blood dripped into the ground which was created by God. Even the giant cloaked figure which was the man's own end was created by God. Even the man's soul which went down was created by God. Even the black birds which picked the man's corpse apart were created by God. AND WHERE WAS GOD?". Bigla ko lang kasing naalala ang kantang ito nung mapag-usapan namin ang dating istasyon at sikat na dj ng radyo. Ito kasi yung kantang madalas patugtugin noon.

Back to the future....Mahirap din palang magtiwala sa mga customer/after sales agent ng mga nagbebenta ng telepono. May karanasan kasi ako sa kanila na hindi maganda. Nakabili kasi ako ng telepono at siempre bago nila ibigay ito sa iyo ay kailangan daw nila ito iactivate para magamit at maiporma ko agad ang nasabing telepono. Nung medyo napapaglaruan ko na ang mga feature ng nasabing telepono ay may napuna akong yung isang feature niya (itunes) ay hindi gumagana. Ok siguro naman alam nyo na kung ano ang sinasabi kong telepono. So nagpunta ako minsan dun sa binilan ko ng telepono at tinanong ko yung ale na naka assign dun sa after sales nila kung bakit hindi ko ma access ang itunes store sa nasabing telepono kahit kasing lakas ng bagyo ang wifi connection ko. Nung hawakan ng ale ng telepono ay kinabahan na agad ako. Kasi ba naman tinanong ako kung ano daw ba ang pipindutin para makarating sa itunes at pagkatapos ay siya na raw ang mag aadjust nito. Teka, ikaw ang mag aadjust pero hindi mo alam kung saan pipindutin para mapalabas ang itunes. Sa madaling sabi ay hindi niya napalabas ang itunes store at ang laging lumalabas ay ang mga katagang "your country is not supported achuchu". Inilapit niya sa isang kasama niya ang naturang problema. Mabilis na sumagot ang kasama niya na kaya hindi daw ma access ang itunes store sa telepono ko ay dahil daw sa issue ng piracy sa pinas kaya nakalock daw ang punyetang itunes store. Kinagat ko naman ang dahilan ng gaga at nagpasalamat ako sa kanila bago umalis. Pero matapos ang ilang araw ay binalikan ko uli ang nasabing tindahan ng telepono, siyanga pala hindi ito yung mga tiangeng tindahan ng telepono kungdi isang respetadong tindahan na naglalakihan ang mga ads sa jaryo at mga billboard sa buong edsa. So binalikan ko uli sila para alamin kung bakit hindi ko mapagana ang nasabing itunes store sa telepono ko. Isang mama naman ang nakausap ko dahil nirekomenda ng kasamahan niyang ale. Itong mama raw ang magaling sa mga tech gadget nila. Nung tignan na nung mama kung bakit hindi gumagana ang itunes ko, isa lang ang sagot niya, baka wala raw akong account sa itunes. Thatsbullshitman, yun nga mismong demo phone nyo na nakakadena sa mesa ay nakaka access sa itunes store pero nakalagay din dun ay "NO ACCOUNT". In short wala ring nagawa ang buset na mama, pero pogi siya kahit mataba. PARE KAMUSTA NA. Kaya ko lang naisulat ito ay para paalalahanan ang ibang bibili ng ganitong klaseng telepono. Kung gusto nyong magamit ng maayos ang telepono ninyo ay HUWAG NA HUWAG KAYONG MAGTITIWALA SA MGA NAGTRATRABAHO SA MGA TINDAHAN NG TELEPONO, KASI WALA TALAGA SILANG ALAM. ANG ALAM LANG NILA AY MAGBENTA NG TELEPONO AT KUNIN LANG ANG PINAGHIRAPAN NATING PERA. Ikaw na lang ang magbasa at maghanap sa internet kung paano mo mapapapogi ang telepono mo.

UPDATE: Ang ganda pala ng itunes store kapag sa iphone mo tinitignan. Ang dami pang free apps.



Monday, November 17, 2008

optionen mo mukha mo


Parami na ng parami ang mga buwakang... mga naghuhuli sa kalsada. Isa yan sa palatandaan na malapit na talaga ang pasko. Magugulat ka na lang kung minsan sa mga iniimbento nilang violation. Saan ka naman nakarinig na ang traffic violation mo daw ay jaywalking (?), dahil yung gulong ng sasakyan mo ay eksaktong napahinto at natapat dun sa guhit na puti na tinatawiran ng tao. Kaya kung mababa ang pasensiya mo, malamang may isang tumumba na namang mama sa kalye. Pero ok lang, nauunawaan ko sila, kasi mahirap talaga ang buhay ngayon. Ramdam ko din ito kaya, imbes na limang boteng malamig na serbesa ang tinitira ko ay binawasan ko na rin ng isang bote. Ang alibi ko ay lumalaki masyado ang tiyan ko. Pero teka, di bat beerday ngayon ni Pareng D., sagwa naman ng tiyempo lunes na lunes. Mahirap kasing simulan ang orasyon ng lunes, kasi kapag nasimulan ko ito, malamang isang linggo four bottles of very ice cold beer na naman ang mangyari sa akin. But i'm keeping my options open.


Friday, November 14, 2008

les boys


Muntik na namang magriot sa looban namin. Kasi ba naman halos tatlong araw ng sira ang computer ko at naiinip na ang mga nakikigamit nito. Nakakapagtaka naman kasi yung computer, halos araw-araw ay ginagamit tapos bigla na lang isang araw ay ayaw nang sumindi ni kolokoy. Dito na pumasok ang mga kaalaman namin sa pag troubleshoot ng nasabing lintek. Siempre kapag nawalan ng power ang isang bagay ang una agad nating iisipin ay baka hindi nakasaksak ang mga plug sa tamang saksakan. Next na tinignan namin ay kung may mga patid na wiring. Tapos pasok na ang mga techie, sinabing baka nadale ang video card dahil masyadong matagal sa cabal online ang mga players ko. Yung iba namang miron ang sabi ay baka nadale kami ng virus dahil mahilig kaming magsipunta sa mga social networking na site kung saan nagpapanggap kaming mga mayayaman para makabingwit ng mga nagpapanggap ding mayayaman. Pero lalong imposibleng madale ng virus ang computer ko, kasi tadtad ito ng libreng anti virus na nadownload ko pa nung uso pa ang morpheus. Teka nga bakit ba ang layo na agad na mga iniisip namin ganoong wala lang namang power ang computer, ba't kaya hindi muna naming subukang isaksak at buksan. Oops wala talagang power, kailangang madala na talaga ito sa mga mas matataas na kalibre na nagrerepair ng computer. Buset gastos na naman ito, may maganda akong solusyon para matigil na ang pag-aalala naming lahat. Ubusin na lahat ang natitira pang malamig na serbesa at manonood na lang kami ng diyosa. Tama ka jan neol davies.

Sunday, November 09, 2008

Ay Phone



Saturday, November 08, 2008

binondo redux





Friday, November 07, 2008

black night


Namputz bigla akong naging busy nitong mga nakaraang araw. Pati tuloy yung election sa tate na halos lahat ng tao ay sinusubaybayan ay di ko na nabigyan ng pansin. Nakakatuwa rin naman ang botohan sa tate, kasi bukod sa hindi sila nagkakagulo, halos kinahapunan lang ay alam na nila kung sino ang nanalo. Yung natalong kandidato naman ay wala rin sama ng loob na tinanggap ang pagkatalo. Kung dito sa pinas iyan ay....buwakang ina huwag na nga lang nating pag-usapan ang botohan dito sa pinas at baka tumaas na naman ang presyon ko. Neweis, kagabi naman ay naligaw ako sa gilligans jan sa trinoma, ang daming pipol sa nasabing lugar. Maganda kasi ang puwesto nila, oberluking yung traffic sa baba, kaya may kaunting libangan ka habang tumotoma nung malamig mong serbesa. Masarap din ang pulutan nilang grilled belly ng tuna at pusit. Yun namang naorder naming mix osyter ay maganda ang pagkakagawa pero may ilang piraso kaming nakain na medyo bad ang lasa katulad din nung sizzling bangus sisig nila. Kasi yung bangus sisig ay parang galing pa sa ref tapos ininit lang sandali yung sizzling plate at inilatag na doon ang bangus, walang kuwenta. Ang dabest talaga sa kanila ay yung belly, kaya nga nakadalawang order kami. SOLB.


Saturday, November 01, 2008

bulalo on undas



Hanep ang bilis talaga ng panahon, kailan lang ay nagkakagulo ang mga tao kung ano ang mga dadalhin sa sementeryo, kamukha mukha mo ay isang taon na rin pala iyon. Pero sa akin bale wala ang undas, kasi wala naman kaming patay dahil lahat ng kamag-anak ko ay puro buhay pa.


Newey bago mapalaot ang istorya ko, may nakainan nga pala akong bulalohan jan sa gilid ng munisipyo ng mandaluyong. Masarap ang bulalo nila ay maganda ang luto. May iba kasing bulalohan akong nakainan na panay lang ang buhos ng sabaw na maiinit dun sa kaldero kahit wala nang lasa ang sabaw. Pero dito sa bulalohang nakainan ko ay suwabe ang lasa ng sabaw at take note, hindi masebo ang bulalo nila. Siguro hindi baka ang nilalagay nila kundi kangaroo meat, malasa kasi eh.


Back to undas, ang dami namang bawal pag punta mo ngayon sa pantiyon. Isipin mo, bawal daw ang alak, baraha, droga, matatalim na bagay na puedeng ipanghiwa ng manggang hilaw at tuna para ikilaw. Bawal din ang quadrosonic na radyo at mala aparador na speaker dahil maingay daw. Masyado talagang paurong ang mga nagpapatakbo ng sistema dito sa pinas. Hindi ba nila alam na kahit ibawal nila lahat iyan ay mailulusot din ng mga pinoy lahat ng bawal na iyan dahil maabilidad ang noypi.


Simulan na lang natin sa alak, kung sakaling gusto mong magpalusot ng isang litrong alak, ke imported iyan o yung mumurahing emperador. Madali lang ilusot iyan sa mga nagbabantay ng entrance sa sementeryo. Lumang style na yung isasalin mo sa basyong lalagyan ng C2 ang alak mong dala at ipahahawak mo sa mga bata na kasama ninyong pupunta ng sementeryo. Kasi kapag nakita ng mga bantay iyan ay aamuyin ang laman at ayun bocobo ka sigurado na alak ang laman ng C2 drink mo.

Ang bagong style diyan ay bago ka pumunta ng sementeryo, maglusaw ka sa maliit ng timba ng kandila. Kapag lusaw ang kandila, kunin mo ang alak mo at ilublob mo ang buong bote sa kandila. Tapos mailublob sa lusaw na kandila ang bote ng alak ay iahon mo ito at ilagay sa refrigerator. Siempre titigas uli yung kandila, di matatakpan ang buong bote ng alak ng kandila. O di pagdaan mo sa bantay sa sementeryo ay hindi ka nila masisita, kasi ang akala nila ay may dala ka lang na malaking kandila.


Dun sa baraha naman, kumuha ka ng pitaka na may lalagyan ng mga calling cards, tapos isalaksak mo doon lahat yung baraha mo at pag nasita ito ng mga bantay, sabihin mong mga calling cards iyon ng mga business kontak mo, kaya lang ay wala kang mapagsulatan kaya sa baraha mo na lang isinulat. Kung droga naman ang gusto mong ilusot sa sementeryo, huwag ka nang mag-isip kung paano mailulusot ito, tirahin mo na lang sa bahay ninyo, kasi mahangin sa sementeryo sayang lang ang usok.

Matatalim na bagay, bawal din sa sementeryo? madali lang iyan, lahat ng credit card mo sa pitaka ay idaan mo sa hortalesa at ipahasa mo ang mga gilid. Yung tungkol naman sa malalakas na radyo, hindi na uso iyon. Ang dami nang mp3 at mp4 player, dalhin mo na lang ang speaker mo at pag sinita ng mga bantay sa sementeryo, ang sabihin mo ay speaker mo yun sa kotse, inalis mo lang muna kasi baka basagin ang salamin ng kotse mo nang mga magnanakaw at baka manakaw ang speaker mo.

Pag dating mo sa puntod ng lola nung pinsan ng mga tropa ng kabarkada ng mga kapitbahay mong nasa abroad, isaksak mo dun sa speaker ang ipod mo na may melamine at mamili ka na sa higit isang libong kanta na nakasave sa mini player mo, busettt.