Friday, November 14, 2008

les boys


Muntik na namang magriot sa looban namin. Kasi ba naman halos tatlong araw ng sira ang computer ko at naiinip na ang mga nakikigamit nito. Nakakapagtaka naman kasi yung computer, halos araw-araw ay ginagamit tapos bigla na lang isang araw ay ayaw nang sumindi ni kolokoy. Dito na pumasok ang mga kaalaman namin sa pag troubleshoot ng nasabing lintek. Siempre kapag nawalan ng power ang isang bagay ang una agad nating iisipin ay baka hindi nakasaksak ang mga plug sa tamang saksakan. Next na tinignan namin ay kung may mga patid na wiring. Tapos pasok na ang mga techie, sinabing baka nadale ang video card dahil masyadong matagal sa cabal online ang mga players ko. Yung iba namang miron ang sabi ay baka nadale kami ng virus dahil mahilig kaming magsipunta sa mga social networking na site kung saan nagpapanggap kaming mga mayayaman para makabingwit ng mga nagpapanggap ding mayayaman. Pero lalong imposibleng madale ng virus ang computer ko, kasi tadtad ito ng libreng anti virus na nadownload ko pa nung uso pa ang morpheus. Teka nga bakit ba ang layo na agad na mga iniisip namin ganoong wala lang namang power ang computer, ba't kaya hindi muna naming subukang isaksak at buksan. Oops wala talagang power, kailangang madala na talaga ito sa mga mas matataas na kalibre na nagrerepair ng computer. Buset gastos na naman ito, may maganda akong solusyon para matigil na ang pag-aalala naming lahat. Ubusin na lahat ang natitira pang malamig na serbesa at manonood na lang kami ng diyosa. Tama ka jan neol davies.

0 comments: