Hanep ang bilis talaga ng panahon, kailan lang ay nagkakagulo ang mga tao kung ano ang mga dadalhin sa sementeryo, kamukha mukha mo ay isang taon na rin pala iyon. Pero sa akin bale wala ang undas, kasi wala naman kaming patay dahil lahat ng kamag-anak ko ay puro buhay pa.
Newey bago mapalaot ang istorya ko, may nakainan nga pala akong bulalohan jan sa gilid ng munisipyo ng mandaluyong. Masarap ang bulalo nila ay maganda ang luto. May iba kasing bulalohan akong nakainan na panay lang ang buhos ng sabaw na maiinit dun sa kaldero kahit wala nang lasa ang sabaw. Pero dito sa bulalohang nakainan ko ay suwabe ang lasa ng sabaw at take note, hindi masebo ang bulalo nila. Siguro hindi baka ang nilalagay nila kundi kangaroo meat, malasa kasi eh.
Back to undas, ang dami namang bawal pag punta mo ngayon sa pantiyon. Isipin mo, bawal daw ang alak, baraha, droga, matatalim na bagay na puedeng ipanghiwa ng manggang hilaw at tuna para ikilaw. Bawal din ang quadrosonic na radyo at mala aparador na speaker dahil maingay daw. Masyado talagang paurong ang mga nagpapatakbo ng sistema dito sa pinas. Hindi ba nila alam na kahit ibawal nila lahat iyan ay mailulusot din ng mga pinoy lahat ng bawal na iyan dahil maabilidad ang noypi.
Simulan na lang natin sa alak, kung sakaling gusto mong magpalusot ng isang litrong alak, ke imported iyan o yung mumurahing emperador. Madali lang ilusot iyan sa mga nagbabantay ng entrance sa sementeryo. Lumang style na yung isasalin mo sa basyong lalagyan ng C2 ang alak mong dala at ipahahawak mo sa mga bata na kasama ninyong pupunta ng sementeryo. Kasi kapag nakita ng mga bantay iyan ay aamuyin ang laman at ayun bocobo ka sigurado na alak ang laman ng C2 drink mo.
Ang bagong style diyan ay bago ka pumunta ng sementeryo, maglusaw ka sa maliit ng timba ng kandila. Kapag lusaw ang kandila, kunin mo ang alak mo at ilublob mo ang buong bote sa kandila. Tapos mailublob sa lusaw na kandila ang bote ng alak ay iahon mo ito at ilagay sa refrigerator. Siempre titigas uli yung kandila, di matatakpan ang buong bote ng alak ng kandila. O di pagdaan mo sa bantay sa sementeryo ay hindi ka nila masisita, kasi ang akala nila ay may dala ka lang na malaking kandila.
Dun sa baraha naman, kumuha ka ng pitaka na may lalagyan ng mga calling cards, tapos isalaksak mo doon lahat yung baraha mo at pag nasita ito ng mga bantay, sabihin mong mga calling cards iyon ng mga business kontak mo, kaya lang ay wala kang mapagsulatan kaya sa baraha mo na lang isinulat. Kung droga naman ang gusto mong ilusot sa sementeryo, huwag ka nang mag-isip kung paano mailulusot ito, tirahin mo na lang sa bahay ninyo, kasi mahangin sa sementeryo sayang lang ang usok.
Matatalim na bagay, bawal din sa sementeryo? madali lang iyan, lahat ng credit card mo sa pitaka ay idaan mo sa hortalesa at ipahasa mo ang mga gilid. Yung tungkol naman sa malalakas na radyo, hindi na uso iyon. Ang dami nang mp3 at mp4 player, dalhin mo na lang ang speaker mo at pag sinita ng mga bantay sa sementeryo, ang sabihin mo ay speaker mo yun sa kotse, inalis mo lang muna kasi baka basagin ang salamin ng kotse mo nang mga magnanakaw at baka manakaw ang speaker mo.
Pag dating mo sa puntod ng lola nung pinsan ng mga tropa ng kabarkada ng mga kapitbahay mong nasa abroad, isaksak mo dun sa speaker ang ipod mo na may melamine at mamili ka na sa higit isang libong kanta na nakasave sa mini player mo, busettt.
0 comments:
Post a Comment