Saturday, January 24, 2009

hindi ko na kailangan pa ang tinidor at kutsara, magkamay ay mas mainam pa


Ang masarap lang kapag weekends ay may time kang magluto ng agahan. Kaya pag gising pa lang ay gusto mo na agad lapirutin yung natira mong sinaing kagabi na inilagay sa loob ng ref.


Siempre pa, pag agahan rin lang ang pag-uusapan, hindi mawawala ang tuyo, para kasing bitin ang agahan kapag walang kasamang tuyo sa mga pang-ulam.


Ano panama ng mga imported breakfast sa agahang noypi. Amoy pa lang ng tuyo kapag piniprito mo ay iskandalosa na. Tapos teternohan mo pa ng hotdog at itlog na binate (enday hindi yung iniisip mo bastos).


Tapos maglalagay ka ng singko sentimos na suka at sampung pisong siling labuyo, kaunting asin at paminta para sa sawsawan, da best


Sabay timpla ng mainit na kape at lalagyan mo naman ng kaunting Johnnie Walker yung mainit na kape para may kaunting kagat pag higop mo, putang ina bakit pa natin kailangan ang tinidor at kutsara, dali hugasan mo na ang kamay mo ay tera nang kumain.

1 comments:

Anonymous said...

Hello,nice post thanks for sharing?. I just joined and I am going to catch up by reading for a while. I hope I can join in soon.