Sunday, March 29, 2009

food trippin at david's tea house



Wednesday, March 25, 2009

p*t@ng ina mo, buwakang ina mo, t@r@nt@do ka

Masarap din palang murahin ng walang katapusan yung mga taong gumagawa ng hindi tama sa iyo. Bigla tuloy akong naging palamura. Kasi ba naman ay may naekspiryens akong isang "maliit na sitwasyon" na hindi naman dapat sana mangyari. Papunta kasi ako sa isang mall dahil may bibilhin lang akong mahalagang bagay. Hindi ako batang mall, kaya naliligaw lang ako sa mall kapag may bibilhing mahalagang bagay at pagkabili ko naman ay labas na uli ako ng mall. Nag-iikot kasi ako sa parking ng mall upang maghanap ng mapaparadahan, hindi sinasadya ay may napuna akong papaalis na sa parking kaya nag hazzard na ako ng ilaw ng sasakyan ko. Habang umaatras na yung sasakyan ay napuna ko naman sa may bandang dulo ng paradahan ng mall na may lumikong sasakayan. Ang nasabing sasakyan ay hindi agad nakalagpas dahil na rin sa umaatras na papaalis ng sasakyan. Nung makaalis na ang sasakyan ay yung GAGO, PUTANG INA, TARANTADONG DRIVER nung isang naantalang sasakyan ay bigla ba namang ipinasok sa nabakanteng parking space yung PUTANG INANG sasakyan niya. Kung kayo ang nalagay sa ganitong sitwasyon, ano kaya ang mararamdaman ninyo. Buti na lang at medyo hindi ako pagod at inisip ko na lang na hindi ko dapat parusahan ang sarili ko sa mga ginagawang kasalanan ng iba. At dahil na rin sa malapit na ang santo-santo ay pinalusot ko ang PUTANG INANG driver nung sumingit na sasakyan. Nagluwang naman bigla ang kalooban ko dahil pagpasok ko sa nasabing mall ay kinausap ako nung dalawang security guard at ito ang naging usapan namin:

Security Guard 1: (habang kinakapkapan ako papasok ng mall) Sir ang kapal ng mukha nung driver nung bulok na C@%*v. Nakita po namin na nauna na kayo sa parking space ay isiningit pa rin niya ang sasakyan niya.

Security Guard 2: Nakakahiya yung kilos niya no sir? buti na lang at hindi mo na pinatulan. Pulis ba yun?

Si Ako: Hindi ko na inalam, basta inilayo ko na lang ang sasakyan ko para hindi na humaba. Buti na lang at nakita nyo ang nangyari, kahit papaano ay may nakakaalam sa tunay na nangyari.

Security Guard 1: Hindi naman pulis, dahil ako ang nagkapkap at nagpabukas nung dalang clutch bag, wala namang lamang baril.

Si Ako: Palampasin na lang natin, hindi kasi uso sa lugar namin ang gulo, baka dayo lang dito yun.

Paglampas ko sa mga guwardiya ay tumuloy na ako dun sa mahalagang bagay na bibilhin ko at pagkabayad ay lumabas na rin ako ng nasabing mall at iniwan ko na ang PUTANG INA, BUWAKANG INA, TARANTADO AT WALANG DISIPLINANG driver nung nasabing bulok na C@%*v. PUTANG INA MO ULI MUKHA KANG BABOY NA MABAHO.

Sunday, March 22, 2009

food trippin at sizzling pepper steak


oops a taco bell softdrinks inside sizzling pepper steak? yes, it can happen, because one of our companion is a taco bell addict and she bought all her foodstuff inside the sizzling pepper steak


there she is, the taco bell addict


taco bell, sizzling pepper steak, mann hann, bulalo, ulo-ulo addict, name it all, laging kasama yan (note: kunyari di niya alam na kinukunan pa siya ng picture)


Oyako Pepper Rice


Rib eye Steak


Beef Pepper Rice

Saturday, March 21, 2009

dynamic or static what?


Buti na lang at naayos na rin ang internet connection ko. Para kasi kaming nawalan ng alagang aso nung mawala ang internet connection namin. Buti na lang at mabilis na ang serbisyo nung mga sub contractor nung isp ko. Yan kasi ang maganda kapag marami ka nang kalaban, nagpapagandahan na kayo ng serbisyo, kasi kapag medyo pangit ang serbisyo nila ay puede ka agad lumipat sa kabilang bakod. (Parang may kilala akong ganoong tao...oops gim na). Kaya lang medyo pinakaba ako nung mga lintek. Kasi ba naman ipinakita nila sa akin kung gaano kabilis ang internet connection ko at pagkatapos kong pirmahan yung satisfaction report nila ay nagpaalam na sila sa akin. Ang masama nito nung susubukin ko na ang bilis ay biglang may lumabas na "Error Code B2004 encountered. It is detected that your PC is set to static IP. Please make sure that is is set to dynamic IP and try again. Thank You!". Busettt, susana bagets, fan you...bakit biglang nagkaganoon, pinainom ko pa naman yung dalawang nagrepair ng internet connection ko nung mamahaling noni juice na hinaluan ko ng ativ...oops, hinaluan ko ng yelo at honey syrup. Neweis, dahil na rin naman sa may kaunti akong "knowledge" sa pagrerepair ng computer ay minabuti ko na lang na kalikutin ang command prompt at hanapin ang nasabing salarin. After ilang oras na paghahanap kasabay ng pagtulo ng luha at pawis ko. Walang katapusang pag-aalala na baka hindi ako makapag internet at ang kahihiyang aabutin ko sa mga nanonood sa akin habang nirirepair ang nasabing internet connection ay.....VIOLA. Heto abunado ko ng ilang boteng serbesa sa mga miron para hindi nila ako pagtawanan at ang sumunod na solusyon ay manood kami ng "game ka na ba". Serbesa pa please, yung malamig ha.

Wednesday, March 18, 2009

jek


Sigurado pula na naman ang mga hasang naming magkakatropa sa kuwadradong mesa. Ang dahilan? nagbalikbayan ang isa naming tropa. Siempre pa, sa pinas ang ibig sabihin kapag may nagbalikbayan kang tropa-inuman na at hindi lang basta inuman, sagaran ang laban. Ang masarap pa dito ay kuwentuhan na naman kayo ng mga kalokohan ninyo nung araw habang panay ang pakuha ng balikbayan ng katakot takot na alak at tanpulutz. Siya siempre ang taya, siya ang may pera. Malamang mapurga na naman kami nito sa "burger".


Sunday, March 15, 2009

fools paradise


Summer na naman, kailangan ko na namang magpaliit ng tiyan at magpalaki ng suso, read: muscle. Sigurado lahat ng tao niyan ay nasa boracay na naman at dinidisplay ang kanilang pang miss earth na katawan. Ito lang ang mahirap sa pinas kapag summer. Ang dami sanang magandang puntahan sa pinas, ang problema nga lang masyadong mahal. Dapat siguro magkaroon ng programa ang mga namamahala ng turismo dito sa atin na kapag noypi ang magbabakasyon, sana kahit man lang 50% ang discount. Napupuna ko kasi na puro pang turista ang presyo dito, minsan nga dollar rate pa ang nakalagay. Kaya tuloy tayong mga pagpag eater ay hindi maka afford ng pamamasyal sa sarili nating bayan dahil nga sa mahal ng mga rates ng mga buwakang inang mga negosyante na yan. Neweis, mayroon din namang murang pasyalan at paliguan, basta hindi ka lang mapili...huwag ka lang pahuhuli kay Lim.


Wednesday, March 11, 2009

englishman in new york


Pag kambing din lang ang pag-uusapan ay wala pa ring tatalo dun sa kinakainan ko sa zabarte. Marami na rin naman kasi akong nasubukang kambingan (papaitan, adobo, kaldereta, sinampalukan) pero iba ang lasa nung nasa zabarte. Hindi ako pumapalyang bumili ng pang-uwi kapag rin lang napadaan ako sa nasabing lugar. Kaya parang tuwing magagawi ako sa nasabing lugar ay bakit kaya pakonti ng pakonti ang laman ng isang order nila at panay naman ang dagdag ng presyo. Kaya pala parang kumokonti na rin ang bumibili sa kanila kahit na masarap nga ang luto. Pakiusap lang sa may ari ng nasabing kambingan, kung gusto ninyong bumalik ang mga naengganyo ninyong kustomer dati (isa na ako doon) ay ibalik nyo sa dati ang tarya ninyo at ibaba ang presyo kada order.


Tuesday, March 10, 2009

Iphoneblog


Namputching ang hirap palang gumawa ng journal kung iphone ang gamit mo. Neweis siguro bagito lang me toditz sa nasabing hightets na gadgets. Nakakatuwa lang kasing pagtripan dahil feeling mo ba ay techie ka na talaga kahit di ka umoorder ng barako latte sa mga lugar na libre ang wifi. Tanong ko lang, totoo ba na hindi naba virus ang apple?


Saturday, March 07, 2009

tagahugas ka raw ng pinggan sa may ermita



Buwakanabitz mamayang gabi na ang final set nung reunion concert ng Eheads. Buti na lang at natuloy na rin ang nasabing 2nd set nila matapos maudlot dahil na rin sa hindi inaasahang insidente. Neweis, ano kaya ang maganda kong isuot dun? Cool pa rin kaya sa mga concert pipol ang tie dyed na t-shirt ala Joe Cocker, yun namang Chuck Taylor ko ay hindi na kasya sa akin dahil napag-iwanan na siya nung panahon. Kung magsusuot naman ako ng boots na gawa ng Glenmore Shoes ay baka mapagkamalan nila akong Sheriff. Alam ko na kung ano ang isusuot ko mamayang gabi, may nakita akong itim na tshirt dun ni Pards na hindi pa ginagamit. Sigurado akong ito ang uso ngayon sa mga concert pipol dahil may tatak pa yung itim na tshirt ng PSP Slim. Yes, next thing ay dapat pakinggan ko yung mga kanta ng Eheads hanggang mamaya para makabisado ko na ang mga lyrics nung kanta nila. Kasi baka biglang magkantahan ang mga nanood ay hindi ako makasabay, mahalata tuloy akong osla na sa music. Maikasa nga itong isang CD nila na may pinamagatang UltraElectroMagneticPop. Pero bakit wala dito ang kantang Hotel California, hindi bale unahin ko nang kabisaduhin ang lyrics nung "Tindahan ni Aling Nena", ito rin kaya yung Nena na taga Gapo na tinukoy ni Heber sa kanta niya. Ok tulog muna ko, para may lakas mamaya sa concert.

March 08, 2009-2:18 a.m.

Namputza hanep din ang hakot ng Eheads. Ganun ba talaga kadami ang mahilig sa music nila, halos mapuno ang concert venue. Kaya lang parang talo kami dun sa ticket namin na P1,300, wala akong makita kungdi puro ulo nung mga nanonood. Buti na lang at mayroong mga inilagay na malalaking screen (Titan Tron) kaya kahit hindi ko sila makita ng live ay live ko na ring napapanood sila sa malalaking screen. Yung 2nd set nila na nakaupo sa sofa ay hindi ko na binigyan ng pansin, dahil nung magkaroon ng intermission kung saan isang rekwang smart commercials ang ipinasok ay nakadiskubre ako ng tomaan sa labas ng concert venue. Dito ay nakaupo na ako habang umiinom ng malamig na serbesa ay tanaw ko pa rin ang malalaking screen, kaya two birds in one stone jackpot ako. Kasi tumotoma na kami at nakakapanood pa kami ng concert. Marami pang chiching sa labas na kita ang mga kuyukot. Nung magpaalam na ang Ehead ay nagsilabas na ang mga concert pipol, ang hindi nila alam ay sa lahat ng history ng mga concert, laging may tinatawag na encore kung saan nagkukunwaring tapos na ang tugtugan pero yun pala ay lalabas pa rin ang mga artist para kumanta pa uli. Habang naglalabasan ang mga tao pauwi ay minabuti kong bumalik sa concert venue para rumekwest ng kanta nila. Alas dose uno na rin ng madaling araw kaya akala ng marami ay tapos na talaga ang concert. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay biglang lumabas uli ang miyembro ng Eheads at tinanong ang mga pipol kung bitin pa ba sila. Hiyawan agad ang mga tao at panay ang sigaw na kantahin ang "Huling El Bimbo". Ako? sigaw din ng sigaw, kaya lang iba ang sinisigaw ko. Ang sinisigaw ko na kantahin nila at ng lahat ng mga tao sa concert ay "Happy Birthday". Bakit happy birthday ang sinisigaw ko? kasi birthday na ni Guia, March 08 na ng madaling araw.

Friday, March 06, 2009

sarap buhay-imagine


Sayang hindi ako nakalusot bilang aplikante dun sa isang pakontest na ginawa kailang lang. Ang tinutukoy ko ay yung pakontest kung saan ikaw ay isasama sa isang isla at magiging "caretaker" ka nung nasabing isla sa loob ng anim na buwan-may sahod ka pang dolyares. Ang magiging trabaho mo? wala naman, magliliwaliw ka lang sa isla sa loob ng anim na buwan at bilang ganti ay isusulat mo naman sa blog ang mga naging ekspiryens mo sa isla para naman mabasa ng buong mundo. Buwakanabitz, saan ka pa, yung ibang tao halos magpakamatay magtrabaho para lang may magastos para makapasyal sa magagandang lugar sa mundo. Tapos dito ay babayaran ka nila ng dolyares para lang tumigil o tumira sa nasabing isla-all expense paid, sarap. Minsan talaga, suwerte suwerte lang ang trabaho. Neweis dahil na nga hindi ako nakalusot sa nasabing pakontest, kaya heto simula na naman ng pagpapakamatay ko sa trabaho para makaipon ng kaunti para may magastos sa simpleng garnacha ko.


Wednesday, March 04, 2009

10-15


sny, taruc, moonshiner, coyote, maggot and bulldog


the original beatles?


simon and garfunkel with men in white?