Buwakanabitz mamayang gabi na ang final set nung reunion concert ng Eheads. Buti na lang at natuloy na rin ang nasabing 2nd set nila matapos maudlot dahil na rin sa hindi inaasahang insidente. Neweis, ano kaya ang maganda kong isuot dun? Cool pa rin kaya sa mga concert pipol ang tie dyed na t-shirt ala Joe Cocker, yun namang Chuck Taylor ko ay hindi na kasya sa akin dahil napag-iwanan na siya nung panahon. Kung magsusuot naman ako ng boots na gawa ng Glenmore Shoes ay baka mapagkamalan nila akong Sheriff. Alam ko na kung ano ang isusuot ko mamayang gabi, may nakita akong itim na tshirt dun ni Pards na hindi pa ginagamit. Sigurado akong ito ang uso ngayon sa mga concert pipol dahil may tatak pa yung itim na tshirt ng PSP Slim. Yes, next thing ay dapat pakinggan ko yung mga kanta ng Eheads hanggang mamaya para makabisado ko na ang mga lyrics nung kanta nila. Kasi baka biglang magkantahan ang mga nanood ay hindi ako makasabay, mahalata tuloy akong osla na sa music. Maikasa nga itong isang CD nila na may pinamagatang UltraElectroMagneticPop. Pero bakit wala dito ang kantang Hotel California, hindi bale unahin ko nang kabisaduhin ang lyrics nung "Tindahan ni Aling Nena", ito rin kaya yung Nena na taga Gapo na tinukoy ni Heber sa kanta niya. Ok tulog muna ko, para may lakas mamaya sa concert.
March 08, 2009-2:18 a.m.
Namputza hanep din ang hakot ng Eheads. Ganun ba talaga kadami ang mahilig sa music nila, halos mapuno ang concert venue. Kaya lang parang talo kami dun sa ticket namin na P1,300, wala akong makita kungdi puro ulo nung mga nanonood. Buti na lang at mayroong mga inilagay na malalaking screen (Titan Tron) kaya kahit hindi ko sila makita ng live ay live ko na ring napapanood sila sa malalaking screen. Yung 2nd set nila na nakaupo sa sofa ay hindi ko na binigyan ng pansin, dahil nung magkaroon ng intermission kung saan isang rekwang smart commercials ang ipinasok ay nakadiskubre ako ng tomaan sa labas ng concert venue. Dito ay nakaupo na ako habang umiinom ng malamig na serbesa ay tanaw ko pa rin ang malalaking screen, kaya two birds in one stone jackpot ako. Kasi tumotoma na kami at nakakapanood pa kami ng concert. Marami pang chiching sa labas na kita ang mga kuyukot. Nung magpaalam na ang Ehead ay nagsilabas na ang mga concert pipol, ang hindi nila alam ay sa lahat ng history ng mga concert, laging may tinatawag na encore kung saan nagkukunwaring tapos na ang tugtugan pero yun pala ay lalabas pa rin ang mga artist para kumanta pa uli. Habang naglalabasan ang mga tao pauwi ay minabuti kong bumalik sa concert venue para rumekwest ng kanta nila. Alas dose uno na rin ng madaling araw kaya akala ng marami ay tapos na talaga ang concert. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay biglang lumabas uli ang miyembro ng Eheads at tinanong ang mga pipol kung bitin pa ba sila. Hiyawan agad ang mga tao at panay ang sigaw na kantahin ang "Huling El Bimbo". Ako? sigaw din ng sigaw, kaya lang iba ang sinisigaw ko. Ang sinisigaw ko na kantahin nila at ng lahat ng mga tao sa concert ay "Happy Birthday". Bakit happy birthday ang sinisigaw ko? kasi birthday na ni Guia, March 08 na ng madaling araw.

0 comments:
Post a Comment