Buti na lang at naayos na rin ang internet connection ko. Para kasi kaming nawalan ng alagang aso nung mawala ang internet connection namin. Buti na lang at mabilis na ang serbisyo nung mga sub contractor nung isp ko. Yan kasi ang maganda kapag marami ka nang kalaban, nagpapagandahan na kayo ng serbisyo, kasi kapag medyo pangit ang serbisyo nila ay puede ka agad lumipat sa kabilang bakod. (Parang may kilala akong ganoong tao...oops gim na). Kaya lang medyo pinakaba ako nung mga lintek. Kasi ba naman ipinakita nila sa akin kung gaano kabilis ang internet connection ko at pagkatapos kong pirmahan yung satisfaction report nila ay nagpaalam na sila sa akin. Ang masama nito nung susubukin ko na ang bilis ay biglang may lumabas na "Error Code B2004 encountered. It is detected that your PC is set to static IP. Please make sure that is is set to dynamic IP and try again. Thank You!". Busettt, susana bagets, fan you...bakit biglang nagkaganoon, pinainom ko pa naman yung dalawang nagrepair ng internet connection ko nung mamahaling noni juice na hinaluan ko ng ativ...oops, hinaluan ko ng yelo at honey syrup. Neweis, dahil na rin naman sa may kaunti akong "knowledge" sa pagrerepair ng computer ay minabuti ko na lang na kalikutin ang command prompt at hanapin ang nasabing salarin. After ilang oras na paghahanap kasabay ng pagtulo ng luha at pawis ko. Walang katapusang pag-aalala na baka hindi ako makapag internet at ang kahihiyang aabutin ko sa mga nanonood sa akin habang nirirepair ang nasabing internet connection ay.....VIOLA. Heto abunado ko ng ilang boteng serbesa sa mga miron para hindi nila ako pagtawanan at ang sumunod na solusyon ay manood kami ng "game ka na ba". Serbesa pa please, yung malamig ha.
Saturday, March 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment