Saturday, January 30, 2010

Sad

Susana bagets, baket kasi naman biyernes na ay sinasagad ko pa rin ang trabaho. Ayun nung makatanggap tuloy ako ng text bandang alas singko ng hapon ay halos wala na akong ganang mag reply. Sayang kaarawan pa naman nung isang "mabote" ko ring kaibigan. Dyahi tuloy, hindi man lang ako nakasilip o nakalaklak kahit isang boteng serbesa man lang. Di bale babawi ako next time.



Ang malungkot pa nito dahil nga hindi na ako nakalabas ng bahay nung gabi ay minabuti kong panoorin na lang yung mga lumang video nung mga bakasyon namin. Hayun na "boracay sick" tuloy ako. Ano na kaya ang bago sa bora?, matagal na rin naman mula nung huli akong mapadpad doon. Sana palarin na ako sa susunod na lotto draw para makabili na ako ng isang maliit na kubo sa boracay katabi nung kay pacquiao.


Wednesday, January 27, 2010

bulb




Sunday, January 24, 2010

Oh my fuckin hangover

I'm beginning to enjoy a tv show that I started watching to when suddenly, I received a text message from my little brother, informing me that Jun D was in town and had a case of beer in his car's compartment. This is good news, especially on a Saturday night. But I did not jump with joy because I was still watching the tv show. But after a few minutes, I received a call. This time, a frantic voice was on the other end and ordered me to come ASAP. To lessen their anxiety, I obliged.

At coyote's place I found out that the boys from the old days were all there. The drinks and tanpulutz were all laid on the table, ready to be consumed. What are we waiting for? ATTTTACCKKK!!!.

Saturday, January 23, 2010

clean up time

Ano kaya ang magandang gawin ngayon?. Ayoko kasing matengga na naman ako sa harap ng computer. Marami na kasi ang nakakapuna na tumaba daw ako. Siguro dahil na rin nga sa kaiistambay ko sa harap ng computer. Malakas talagang makataba ito dahil wala kang kagalaw galaw man lang dito. Sana mauso yung upuan na may nakakabit na pampapayat para habang nag iinternet ka ay nilulusaw yung taba mo. Pero malabo yatang mangyari iyon. Ah alam ko na, linisin ko kaya yung aparador ko. Marami na rin namang damit doon na halos hindi ko na naisusuot, ipamimigay ko na lang iyun para naman mapakinabangan ng ibang tao. Tama yun na lang ang gagawin ko pagkatapos kong sumulat ng blog, bisitahin ang e-mail ko, makisilip sa facebook ng iba, twitterin yung nilalaman ng isip ko at maglaro ng texas poker face.

Kaya lang baka gabihin naman ako sa paglilinis. Bukas na lang kaya. Oops sino itong nagtext, si bisaya magpapa-inom daw dahil birthday nung sixteen.

Friday, January 22, 2010

bad

Waahhhh, biyernes na biyernes wala akong mapuntahang gimik.

Wednesday, January 20, 2010

foodlutan

Manok, Baboy, Baka, Bangus, Tilapia...busettt wala na bang ibang puedeng iluto. Kapag kasi ito ang nakikita ko sa ref ay puro pulutan ang pumapasok sa kokote ko. Saan kaya makakabili ng isdang kitang (pang pangat), dalag (sinabawan at may sawsawang miso o kaya ihaw), pehe (talangka lang yan). Sabi nung iba masarap daw mamili sa suki market dahil marami kang pagpipilian. Isa pang magandang puntahan na palengke ay yung farmers market. Kaya lang nung minsang pumasyal kami doon para nga hanapin itong mga napapaglihihan kong chibug ay wala rin naman silang tinda. Pero hindi bale, di naman nasayang ang punta namin sa farmers market dahil nakabili kami ng...kambing (sus pulutan na naman).

Sunday, January 17, 2010

updated?

Firmware update on my router? I didn't know it existed. I have been using this router for 5-6 years. This is the only time that I happen to stumble on this firmware update. But why update on something that is not malfunctioning. Easy on that "enter" tab.

Saturday, January 16, 2010

deleted?

Puede kayang mabuksan ng ibang tao yung account mo sa blog, facebook, tweeter etc kahit hindi nila alam yung password mo. Nagtataka kasi ako dun sa blog entry ko na basta na lang nawala. Ano yun, na censor kaya na delete. Wala namang salitang dapat ma censor doon dahil tungkol sa chibugan at tomaan lang naman iyon. Ah di bale, siguro hindi lang pumasok yung blog nung araw na iyon kasi mabagal ang internet connection ko noon.


Monday, January 11, 2010

monday blues

Traffic, coding, kotong enforcer, parking woes, tagal ng elevator, walang supply ng long bond paper, ubos na ang ink ng computer...buset, half day? Mmmmmm.

Sunday, January 10, 2010

AA

Masarap din pala yung feeling nung nagbabawas ka ng inom. Hindi tubig buset, kundi toma. Para kasing pakiramdam ko ay gumagaan ang katawan ko. Siguro dahil resulta na rin ito nung hindi naiipon sa tiyan ko yung malamig na serbesa at crispy pata. Nagtataka nga ako kung bakit ang mga noypi naman kasi huwag lang di magtama ang mga mata ay inuman na agad. Marami namang puedeng gawin ng hindi ka totoma. Nanjan yung magpunta ka sa mall at magbowling ka. Pero siempre masarap uminon ng nagbo bowling. O kaya naman ay mag night swimming. Masarap din kasing uminom lalo na't night swimming. Ah alam ko na para makaiwas sa toma ay mag malling na lang. Kaso ang dami ring magandang inuman sa mga mall. Buset, parang lahat yata ng naisip kong activities ay may kaugnayan sa inom. Enday, pakisuyo nga ng apat na malamig na serbesa, pakisabi na lang na isasaoli agad natin ang basyo.

Saturday, January 09, 2010

things to do and not to do

Get fit, not fat, avoid fatty foods (except my favorite crispy pata and ulo), limit my beer intake (oops not now, I have on open invitation in Quiapo Feast Day). Enjoy life.

Wednesday, January 06, 2010

Don Alfredo

Ito ang masarap kay don alfredo kapag rin lang nasa pinas. Halos hindi pa naibababa yung bagahe ay tumatawag na agad sa akin at nagyayaya na agad ng isang tanghalian at malamig na serbesa. Sa panahon ngayon ay bihira ka nang makakita ng malamig na serbesa...este ganyang klaseng kaibigan. Sabagay masyado na rin namang matagal ang pinagsamahan namin...sa malamig na serbesa. Kaya nung pasyalan ko si kolokoy ay halos hindi pa ako nakakapasok sa bahay nila ay nagpapabukas na agad siya ng malamig na serbesa.

Pero hindi lang naman serbesa ang pinunta ko sa lugar niya. Kung iyon lang naman ang ipupunta ko ay puede naman akong lumaklak sa bahay namin ng serbesa, wala pa akong iniisip na trapik pauwi. Ang talagang ipinunta ko doon ay para makapag kuwentuhan kami ng matagal at muling makatawa ng malakas na para bang wala nang bukas, at siempre pa ang malamig na malamig na serbesa. Mawawala ba naman sa amin iyon eh pareho kaming tomador.

Sunday, January 03, 2010

Nothing changes on New Year's Day

Wala naman talaga, maliban lang sa parang narecharge ang buong katawan at isip natin dahil mahaba ang naging bakasyon.

Friday, January 01, 2010

happy new year


www.shitbox.com