Ito ang masarap kay don alfredo kapag rin lang nasa pinas. Halos hindi pa naibababa yung bagahe ay tumatawag na agad sa akin at nagyayaya na agad ng isang tanghalian at malamig na serbesa. Sa panahon ngayon ay bihira ka nang makakita ng malamig na serbesa...este ganyang klaseng kaibigan. Sabagay masyado na rin namang matagal ang pinagsamahan namin...sa malamig na serbesa. Kaya nung pasyalan ko si kolokoy ay halos hindi pa ako nakakapasok sa bahay nila ay nagpapabukas na agad siya ng malamig na serbesa.
Pero hindi lang naman serbesa ang pinunta ko sa lugar niya. Kung iyon lang naman ang ipupunta ko ay puede naman akong lumaklak sa bahay namin ng serbesa, wala pa akong iniisip na trapik pauwi. Ang talagang ipinunta ko doon ay para makapag kuwentuhan kami ng matagal at muling makatawa ng malakas na para bang wala nang bukas, at siempre pa ang malamig na malamig na serbesa. Mawawala ba naman sa amin iyon eh pareho kaming tomador.

0 comments:
Post a Comment