Tuesday, August 15, 2006

gitarang may nakadapong kalapati

It's a free concert from now on, Alan Fay, go to the information booth, give me an F cheer and so on, kapag iyan ang naririnig mo sa radyo sigurado alam mo na agad kung ano ang tinutukoy nito, ano hindi mo alam? ito yung mga bumaon sa isip natin na binanggit sa woodstock festival na ginawa sa sullivan county sa farm ni max yasgur nung august 15, 1969, dito napatunayan na mas malakas ang tawag ng musika sa sankatauhan at dito rin namukadkad ang mga hippie kung saan ay nagawa nila ng libre ang gusto nilang mangyari sa panahon na iyon katulad ng free love, drugs at ang walang katapusang kasiyahan, pero marami ang nagsabi na kapag naalala mo raw ang woodstock ang ibig sabihin nun ay wala ka doon, kaya nga ako lahat halos ng nangyari jan ay naaalala ko kasi talaga namang wala ako dun dahil baby pa ako nun, pero para sa akin woodstock baby rin ako dahil sa panahon ko nangyari yun at ito ang pinaka woodstock of all woodstock dahil kung hindi sa kanila ay wala rin antipolo woodstock, amoranto woodstock at victor woodstock...para tuloy napanaginipan kong nakita ko uli si Joe Hill.

1 comments:

Anonymous said...

yan talaga ang sentro ng batayan kapag din lang musika at festival ang pag uusapan, pero hindi mangyayari iyan kung wala ring kaunting tulong sa mga magkakaibigan, ika nga sa ingles with a little help from my friends...Joe Cooker ng Makati