tito ferds, maggot (partly hidden), coyote, taruc (dabeerday celebrant), serio, sny and bulldog (seated)
Monday, October 27, 2008
tito jun's birthday-yahoohoo
tito ferds, maggot (partly hidden), coyote, taruc (dabeerday celebrant), serio, sny and bulldog (seated)
Friday, October 24, 2008
the answer my friend is blowin' in the wind
Mukhang sumasama nga yata ang lagay ng ekonomiya sa atin. Nung dati kapag biyernes ay halos hindi na ako magkandatuto, halos hilahin ko ang mga daliri ng orasan namin sa opis para tumapat na sa uwian. Kasi kapag biyernes ay araw ng gimik ko, kaya pag dating ng uwian namin sa opis ay halos magpadausdos ako pababa ng gusali para makarating ng maaga sa gigimikan ko. Pero ngayon ang una kong naiisip nung mag uwian ay talagang umuwi ng haybol. Hindi bale sa haybol na lang ako titira ng apat o limang malamig na serbesa. Kaya lang pagdating ko naman ng haybol ay tinamad na ko. Walang kabuhay-buhay kasing tumoma sa haybol lalo na kapag biyernes. Masarap pa rin kasi kapag biyernes ay yung habang tinutungga mo ang malamig na serbesa ay may natatanaw kang magagandang chiching na nakashortshort. Pitimi.
Wednesday, October 22, 2008
chonlitz
Buwakanabitz to pieces halos dalawang araw masakit ang batok ko. Nasobrahan yata ako sa lechon nung sunday. May napuntahan kasi akong suputan kung saan bumaha ng lechon sa nasabing handaan. Matagal na rin naman kasi akong hindi nakakakain ng masarap na luto ng lechon. Kaya nung matikman ko yung malutong na balat ay HINDI KO SILA TINANTANAN. Pati tuloy yung mga bagong pasta kong ipin ay natanggal, kakakain ko ng malutong na balat ng lechon. Bakit nga ba masarap ang lechon kahit alam nating bawal sa kalusugan ng tao ito. Ah bahala na, hindi ko na aalamin kung bakit at kung sino ang nakadiskubre ng pagluluto ng lechon (clue: nasunog ang bahay nung isang intsik at naluto ng buhay yung alaga niyang baboy-and the rest is pigstory). Matapos kong magpahinga sa pagkain ng matatabang bogchi ng dalawang araw para mawala ang sakit ng batok ko ay heto, paksiw na lechon naman ang breakfast ko. THE BEST!!!
Friday, October 17, 2008
communication breakdown
Salamat naman at biyernes na uli, araw na ng gimik. Saan kaya makagimik ngayon?. Mukhang masarap yatang umistambay sa harbor view habang pinapanood ang paglubog ng araw. Sa my brother's mustache kaya, matagal na rin naman akong di nakakapanood ng mga live music. Pero may bago daw tomaan jan sa gilid ng ortigas kung saan nagpupugad ang mga chiching, mukhang magandang idea yun ah. Mahaba pa naman ang gabi kapag friday, kasi puede kang magpuyat at walang iniintinding opis work kinabukasan. Ang nakakalito nga lang ay kung saan ako pupuwesto ngayong biyernes. Alam ko na, uwi na lang ako sa bahay at mag-iihaw na lang ako ng malaking pusit at tiyan ng tuna. At least dun sa bahay ay safe ako, mahirap na, baka makasalubong ko pa sa kalye yung mga bagong laya na VIP.
Wednesday, October 15, 2008
chances are
Sabi ng iba mahirap daw mag maintain ng blog, kasi nga naman mauubliga kang sumulat kahit wala ka sa mood. Hindi naman problema yun, marami namang puedeng isulat. Katulad nga lang ngayon, habang nag eerbukan kami ni utol ay nagbukas kami ng Jango station, ito yung online radio station na lahat na yata ng klaseng musika ay puede mong pakinggan. Ang trip namin kasi ngayon ay reggae o yung tinatawag na jamaican music. Kaya kapag rin lang jamaican music ang pag uusapan, bob marley agad ang papasok sa kokote natin. Hayun kaya nagapindot agad ako sa keyboard at tinayp ang chances are ni kuya bob. Ang maganda pa nito, pag tugtog ng chances are ni bob marley ay may pumasok agad sa kokote namin na flashback. Panahon kasi namin ito nung araw sa luma naming haybol sa kankaloo kung saan nakikinig kami ng cassette na nakapatong sa isang singer sewing machine. Hanep naduwal tuloy ako bigla, parang nasa tabi ko na naman ang... mga nakakalat na cassette tape at ilang boteng malamig na serbesa. Kita nyo di may blog entry na agad ako.
Sunday, October 12, 2008
sonyboy george
Ano kaya ang nakain ni pareng sony at biglang nagyayang uminon ng sabado ng tanghali?. Kaya tuloy yung simpleng sabado erbukan namin ni utol ay nabulabog. Nasanay kasi kami ni utol na habang nagluluto ng tanghalian ay tumitira kami ng tig apat na malamig na serbesa. Pero kahapon ay naiba ang timpla ng routine namin dahil nga binulabog kami ni sonyboy. Siempre pa siguradong makakarating sa ibang tropa namin ang magaganap na mamam, kaya para wala nang magtampo ay tinimbrihan na rin namin ang iba. Si coyote nga kasingbilis ng role niya sa cartoon nung dumating sa haybol namin. Maliligo lang daw sandali, kamukha mukha mo, nasa harap na namin at nag beep beep pa. Pati tuloy si Jun D na nasa QC area ay niyaya na rin namin kahit sa webcam lang siya nakiharap. Hindi siguro makatakas kay neneng, baka bunutan siya ng ipin nun, masama rin magalit iyon. Neweis, matapos ang halos dalawang kahong serbesa ay naiisip din nila na hindi pala namin kayang ubusin lahat ang beer, kaya minabuti na naming maghiwalay para naman matulog at hindi mangulit.
Friday, October 10, 2008
tuna at thai massage
Mukhang napurga yata kami nung tuna, mula pa kasi martes ng gabi ito na ang tanpulutz namin. Sabagay healthy naman daw ito dahil may omega 3. Ang napuna ko lang sa tanpulutz na tuna, hindi siya mabigat sa tiyan. Kaya kahit makarami ka ng malamig na serbesa ay ok ka pa rin kinabukasan pag gising mo. Hindi katulad ng crispy pata o kaya ay crispy ulo, pag echa mo kinabukasan ay parang nagmamantika ang poopooh. May nadiskubre nga pala akong bagong thai massage center, hindi ito yung mga massage center na front ng mga putaching. Marami na rin talagang nahihilig sa mga massage center. Nung araw kapag friday, ang iniisip agad ng mga tao ay pumuntang beerhauz para tumoma, pero ngayon iba na ang style ng mga pipol. Mag papa thai o kahit anong massage muna sila ng mga isang oras at pagkatapos ay saka pupunta sa mga paborito nilang beerhaus. Kaya pag dating mo sa beerhaus ay kondisyon ang isip at katawan mo, hindi yung parang pagod na pagod ka sa maghapong trabaho. Alak pa!!!
Tuesday, October 07, 2008
woman is the nigger of the world
Buti na lang at nadaan ako dun sa suki kong nagtitinda ng mga tuna na galing gensan (mayroon din silang tindang sugpo na galing palawan). Natiyempuhan kong nagbababa sila ng mga bagong dating na tuna, kaya agad akong nag uzi upang alamin kung ano ano ang mga bagong dating nilang paninda. Hayun paglabas ko ay may dala na akong panga, belly, litid at sashimi cut na tuna. Halos liparin ko tuloy pauwi sa bahay at sabay lagay sa ref ng ilang boteng serbesa. Tama na nga muna ang pagsusulat ko dahil yung kainuman ko ay panay ang kutkot dun sa tanpulutz naming inihaw na litid at wachimi, baka maubusan ako.
Saturday, October 04, 2008
ain't talkin' bout love
Napasubo (enday hindi yung iniisip mong sobo) na naman ako kahapon. Bigla ba namang lumutang si tito ferds sa haybol na nangungusap ang kanyang mga mata at gustong tumoma. Dahil rin lang naman TGIF (thanks google it's friday) ay pinatulan ko na rin. Kuha agad ng kalahati si pogi, iyan ang mga klase ng tao na puede mong isama sa Malboro Country. Magtatagal ang buhay nito dun sa lugar ng mga cowboy, kasi mabilis bumunot. Ang hirap kasing magsama sa ganoong lugar ng mga pipol na parang "boxer", lam nyo na, yung bang mabagal bumunot, kasi mauunahan ka sigurado ng iba. Eh diba sa mga cowboy films kapag mabagal kang bumunot-patay ka. Neweis, nung dumating na nga yung pinakuha naming ice cold serbesa ay tinernohan namin ito ng pampabatang tanpulutz, yung crispy ulo. Hindi na talaga kami madalas kumain ng crispy ulo kasi nga medyo masama ito sa health natin. Ang tanda kong huling kain ng crispy ulo ay parang....two days ago. Mahirap lang sa mga kajam mong medyo nagkakaedad na, katulad nga ni tito ferds ay kapag nag-iinuman kayo ay rumirequest ng kanin. Isa pang palatandaan na nagkakaedad na nga ang mga kajam mo sa inuman ay ang pinag-uusapan ninyo ay hindi na tungkol sa mga syota ninyo, kundi ang ibinibida ay ang mga anak niya at mga worries. Putya pakialam ko sa mga ganyan, kasi sa akin que sera sera lahat iyan, dahil hindi mo naman puedeng gawing robot ang isang tao. Ika nga nung mga tropa ko sa kankaloo, buntot mo hila mo, kaya kapag may ginawa ka at naging negatibo ang epekto sa iyo nito, problema mo yan at handa mong kanlungin sa isip mo habang buhay, buset...beer pa nga.
Labels:
bahay alak,
friendship,
nostalgia,
vinyl collection
Wednesday, October 01, 2008
why worry now
Buwakanabitz na haybu to, kung kailan holiday saka naman maulan. Ang dami ko pa namang plano sa araw na ito. Balak ko pa naman sanang mag malling ngayon at mapasyalan uli yung nakadisplay na iphone. Hihimasin ko lang naman kasi hindi ko kaya ang presyo nila dahil masyadong pangmayaman ang price. Kasi naman tayong mga noypi ay mga uto-uto, kapag may bagong gadgets, kahit mahal, alam ng mga mapagsamantalang negosyante na bibilin pa rin iyan. Paano kaya ito ngayon, maulan rin lang naman, makapagbukas na nga lang ng malamig na serbesa at manood sa you tube ng mga bohu.
Subscribe to:
Posts (Atom)