Friday, October 10, 2008

tuna at thai massage


Mukhang napurga yata kami nung tuna, mula pa kasi martes ng gabi ito na ang tanpulutz namin. Sabagay healthy naman daw ito dahil may omega 3. Ang napuna ko lang sa tanpulutz na tuna, hindi siya mabigat sa tiyan. Kaya kahit makarami ka ng malamig na serbesa ay ok ka pa rin kinabukasan pag gising mo. Hindi katulad ng crispy pata o kaya ay crispy ulo, pag echa mo kinabukasan ay parang nagmamantika ang poopooh. May nadiskubre nga pala akong bagong thai massage center, hindi ito yung mga massage center na front ng mga putaching. Marami na rin talagang nahihilig sa mga massage center. Nung araw kapag friday, ang iniisip agad ng mga tao ay pumuntang beerhauz para tumoma, pero ngayon iba na ang style ng mga pipol. Mag papa thai o kahit anong massage muna sila ng mga isang oras at pagkatapos ay saka pupunta sa mga paborito nilang beerhaus. Kaya pag dating mo sa beerhaus ay kondisyon ang isip at katawan mo, hindi yung parang pagod na pagod ka sa maghapong trabaho. Alak pa!!!



0 comments: