Wednesday, October 22, 2008

chonlitz


Buwakanabitz to pieces halos dalawang araw masakit ang batok ko. Nasobrahan yata ako sa lechon nung sunday. May napuntahan kasi akong suputan kung saan bumaha ng lechon sa nasabing handaan. Matagal na rin naman kasi akong hindi nakakakain ng masarap na luto ng lechon. Kaya nung matikman ko yung malutong na balat ay HINDI KO SILA TINANTANAN. Pati tuloy yung mga bagong pasta kong ipin ay natanggal, kakakain ko ng malutong na balat ng lechon. Bakit nga ba masarap ang lechon kahit alam nating bawal sa kalusugan ng tao ito. Ah bahala na, hindi ko na aalamin kung bakit at kung sino ang nakadiskubre ng pagluluto ng lechon (clue: nasunog ang bahay nung isang intsik at naluto ng buhay yung alaga niyang baboy-and the rest is pigstory). Matapos kong magpahinga sa pagkain ng matatabang bogchi ng dalawang araw para mawala ang sakit ng batok ko ay heto, paksiw na lechon naman ang breakfast ko. THE BEST!!!


0 comments: