Wednesday, October 15, 2008

chances are

Sabi ng iba mahirap daw mag maintain ng blog, kasi nga naman mauubliga kang sumulat kahit wala ka sa mood. Hindi naman problema yun, marami namang puedeng isulat. Katulad nga lang ngayon, habang nag eerbukan kami ni utol ay nagbukas kami ng Jango station, ito yung online radio station na lahat na yata ng klaseng musika ay puede mong pakinggan. Ang trip namin kasi ngayon ay reggae o yung tinatawag na jamaican music. Kaya kapag rin lang jamaican music ang pag uusapan, bob marley agad ang papasok sa kokote natin. Hayun kaya nagapindot agad ako sa keyboard at tinayp ang chances are ni kuya bob. Ang maganda pa nito, pag tugtog ng chances are ni bob marley ay may pumasok agad sa kokote namin na flashback. Panahon kasi namin ito nung araw sa luma naming haybol sa kankaloo kung saan nakikinig kami ng cassette na nakapatong sa isang singer sewing machine. Hanep naduwal tuloy ako bigla, parang nasa tabi ko na naman ang... mga nakakalat na cassette tape at ilang boteng malamig na serbesa. Kita nyo di may blog entry na agad ako.

0 comments: