Thursday, October 29, 2009

atm

Marami kayang pila bukas sa atm. Doon kasi namin kinukuha yung sukli sa sahod namin. Bakit sukli?, kasi nauna nang kumuha yung pinagsanlaan namin ng sahod, kaya sukli na lang ang kukunin ko sa atm. Mahirap kasing makisabay dun sa mga magwiwithdraw bukas, lalo na dun sa mga papauwi ng kani kanilang probinsya para ipagdiwang ang undas. Ibang klase talaga ang mga noypi, lahat yata ng okasyon ay inaabangan. Siguro isa rin ito sa mga dahilan kung bakit mahirap ang pinas. Kahit kasi kaunting okasyon ay ubusan ng ubusan ng salapi ang mga noypi. Tapos kinabukasan nakatunganga na naman. Ah, siguro hindi na natin mababago ang ganitong tradisyon/kaugalian natin. Pero hindi bale masaya naman tayong mga noypi. Teka, bakit bukas pa ko pipila sa atm. Puede ko na namang kunin ngayon yung sukli ko. Anyway three hundred pesoses na lang naman yun. Pang iskor ng ten bottles of ice cold beer at yung sukli siguro konting tanpulutz at pantaya sa lotto. Noypi talaga.

Monday, October 26, 2009

tito jun bday





Friday, October 23, 2009

1200 a.d

Sa wakas ay nakaharbat na rin ako ng technics sl-1200 mk2 (turntable to baduy). Disgrasya lang ang pagkakaharbat ko sa nasabing unit. Yun kasing pinarerestore kong sony belt drive turntable ay hindi maayos ayos nung restorer dahil masyadong perfectionist yung mama. Ang gusto niya mangyari ay pag nirestore yung sony ay para bang bagong bago. Pinagbigyan ko ang trip ni loko dahil hindi naman ako nag aapura na marestore agad iyon. Isa pa mayroon pa naman akong ginagamit na lumang sansui na naharbat ko naman sa isang poging mama na nagsawa na sa plaka. Ito ngayon ang naging problema, napudpod yung stylus (ortofon) nung sansui kaya para akong nabalian ng pek...opps pakpak. In short, i was deprived of my favorite pass time, which is listening to music (esp vinyl) and i have to resort to drinking very (ice) cold beer every night to drown my loneliness asus. Kaya hayun takbo uli ako dun sa restorer para malaman kung oks na yung sony tt ko. Kaso hindi pa rin ayos, pero may isang nakatunganga doon na sl-1200 at mukhang nagmamakaawa sa akin. To make the long story short, pag uwi ko ay dala ko na ang nasabing sl-1200.

Kinabit ko agad siya sa vintage luxman ss ko at humalukay ng plaka. Ang una kong nadapule ay yung elton john greatest hits. Side two agad ang isinalang ko kung saan naroroon ang kantang rocket man. WOW, hanep ang tunog, parang nalimutan ko tuloy yung iba kong turntable. Ewan ko ba, siguro tahimik lang sa lugar namin nung ikinasa ko ang elton john greatest hits. Kaya muli akong naghalukay at nadapule ko naman ang isang michael franks album. Ganun din, da best din ang dating. Isa na lang ngayon ang kulang para ma enjoy ko ang nasabing tt. Magbukas ng malamig na serbesa, hindi para lunurin ang kalungkutan ko kungdi para ipagdiwang ang bagong dating kong TOY.

Thursday, October 22, 2009

tito ferdies bday


Taruc (Jun T), Tito Ferds, Tita Sonya, Coyote (Algene R) and Chicong (Ipe S)


Chicong, Taruc, Tito Ferds (standing), Coyote and SNY


Tuesday, October 20, 2009

why worry

Susana bagets, malapit na naman ang pasko. Sigurado puro gastos na naman ito. Bakit kaya nakasanayan ng mga pipol na magtapon na limpak limpak na salapi kapag birthday ni bosing? Kaya tuloy yung iba, sinasabi nila na ang pasko ngayon ay komersyalismo na lang. Wala na talaga yung tunay na dahilan kung bakit may pasko. Para sa akin, nandun pa din yung tunay na diwa kung bakit may pasko. Yun nga ang hiwaga jan, kaya masaya lahat ng tao dahil nga isinilang na si bosing. Pero teka, layo pa yata nun, hindi pa nga tapos ang...undas.

Sunday, October 18, 2009

the day after toma

Yehehey, ilang tulog na lang at bday na ni taruc at ni tito ferds. Sigurado dami na namang bisita sina bossing. Iba talaga kapag bagyo ang may beerday. Kaya lang dapat, kapag bday hindi na kami sana tumotoma, kasi madalas naman kahit walang okasyon ay tumotoma din naman kami. Para ba maiba naman. Nakakasawa na rin.

Friday, October 16, 2009

food tripping at kangaroo jack steak and grill

Wednesday, October 14, 2009

chibug

Ano kaya magandang iluto ngayon? jahi naman kasi kung monggo at paksiw na naman ang tirahin namin. Sabagay masarap ding ulam yun, kaya lang medyo late na lutuin ngayon yun, di bale next time na lang yung. In the meantime, magbubukas na lang ako ng dila...as in sardinas na dilata.

Tuesday, October 13, 2009

akustic

Nakatsamba na naman ako ng isang magandang cd (imho). Ang binabanggit ko ay yung shawn colvin live na cd. Kaya ko nasabing tsamba ay dahil merong mga cd na batbat ng promotion at kabi-kabila ang review. Pero kapag iniskor mo na yung cd ay alaws kuwenta pala. Sagad lang sa payola. Ito kasing kay shawn colvin (sc na lang para maiksi) ay hindi ko man lang nabalitaan na inilabas. Minsan lang akong nakabasa nung review nito sa isang jaryo (hindi tiktik). Naintriga ako kaya umiskor na rin ako. Pero nung pinakinggan ko na...da best, wala kang itatapon na track. Ika nga hindi ka mag skip para marinig agad yung magandang kanta sa nasabing cd. May katipo itong ale sa style ng pagtugtog niya ng accoustic. Si tita nancy wilson ng heart, ito yung utol ni ann at kilala sila sa pinasikat nilang kantang dog and the butterfly, barracuda, magic man (peborit ko yan). Kaya ko biglang naalala si tita nancy ay dahil naglabas ito ng solo album, Live at McCabe's Guitar Shop. Ang lupit (hindi nung bagyo) ng bersyon ni tita ann dito nung kantang even it up, kathy's song (simon at garfunkel original) at love mistake (peborit din). Pero teka, nasaan na kaya yung cd ko nung mcabe's, mukhang naestapa na naman nung mga "best friend" ko daw. Langya.

Saturday, October 10, 2009

huwaaahhhhhhhhhhhhhhhhh

Waahhh ano nangyari dito bakit lahat ng taypin ko ay may underline at iba ang kulay. Oopps, na virus na naman kaya ang computer ko? Teka off ko muna baka nadale nga. Busettttt.

Friday, October 09, 2009

dont argue with the nincoompoops

Ang sabi nila, kapag daw nag-iinuman kayo, ang una mong tatandaan ay huwag kang makikipagtalo sa katomaan mo. Ang isa pang pinakamahirap sa lahat ay kapag yung katomaan mo ay iisa lang ang direksyon ng utak-puro papunta sa kanya. Nakaranas kasi ako minsan ng ganitong kainuman (buhay pa naman siya). Simpleng music trivia lang ang pinagsimulan ng pag-uusap namin (ayokong isipin na nagtalo kami, dahil baka matalo ako). Ang nangyari ay ipinipilit niya sa akin ang isang nakataga sa batong (facts) katotohanan tungkol dun sa musikero. Ang hindi niya alam, noong ipinanganak ako ay nakatatak sa wetpu ko bilang birth mark yung nasabing musikero. Kaya alam ko mula sa ulo hanggang sa kinalalagyan ng tagay ko na mali ang sinasabi niya. Ang pagkakamali ko lang ay itinama ko ang pagkakamali niya. Ayun nagtampo ang loko at kung bigyan ako ng tagay ay laging kulang sa sukat. Hindi na lang ako nagpahalata na nahalata ko siya sa ginagawa niyang pagtaggay sa akin. Bilang ganti, kada kulang na tagay na natatanggap ko sa kanya ay binabawian ko naman sila sa pulutan. Ang ginagawa ko ay nilalantakan ko yung pulutan at hindi ko talaga sila (pulutan) tatantanan. Excuse me po.

Thursday, October 08, 2009

rust never sleeps

I'm just wondering on how to clean or take off the rust on one's guitar. It looks very annoying, to think that I seldom use the toy. I tried the WD-40 but nothing happened; it only added up in the gathering of dust. I went to some known malls that were selling anti-rust, but lo and behold, they are out of stock (of said anti-rust). Blame Ondoy for it. So the final solution I resorted to is to take out the strings and just wipe the toy with a damp cloth. Now here's the problem: I want to play the toy and I can't do something about it. Oh, I'd just rather count my blessings.



"Because something is happening here
But you don't know what it is
Do you, Mister Jones?"

Monday, October 05, 2009

time machine

May napanaginipan ako. Nagmotor (tig-isa kami) daw kami nung kasama ko sa isang lugar dahil may kukunin siya doon. Nung makarating na kami dun sa lugar ay nag-ikot ikot muna ako habang hinihintay ko yung kasama ko. Maya maya pa ay tinanong ko yung isang mama kung nasaan na yung kasama ko-umalis na daw sabi nung mama. Kaya mabilis kong pinaandar yung motor ko at binaybay na rin yung kalsada pauwi. Dito na nagsimula yung problema ko. Kasi hindi ko kabisado yung lugar. Nagtanong ako dun sa mama na nakita ko sa unang kanto kung paano makabalik sa lugar ko. Ngunit yung itinuro niya ay mali. Kaya nung may makita uli akong tao ay nagtanong uli ako kung paano ba makakabalik sa lugar ko. Sinabi niya na sundan ko lang daw yung mga jeep na pababa sa kalsada. Nung sinundan ko naman yung jeep ay nakarating lang kami sa dead end. Ang sabi nung driver nung jeep ay hindi daw dun ang pabalik sa lugar ko. Kaya bumalik uli ako sa itaas para muling magtanong kung saan ang daan pabalik sa lugar ko. Ginawa nung kausap ko na nagtitinda ng mga sisiw ay tinuro niya yung isang daan at dun daw yung pabalik sa amin. Nung napuna niyang parang nalilito na ako ay sinamahan na niya ako dun sa maliit na daan. Kaya lang ang itinuturo niyang pabalik sa lugar ko ay yung isang silong nung bahay. Inangat niya yung takip nung silong at sinabi niyang dun daw ako lumusot para makabalik sa pinanggalingan ko. Hindi ko siya sinunod dahil imposibleng mangyari iyon. Maya maya pa ay nakakita ako ng telepono at tumawag sa bahay namin. Nagulat na lang yung kausap ko sa telepono dahil apat na buwan na daw akong nawawala. Paano mangyayari iyon? ganoong halos isang oras pa lang akong naghahanap kung paano makakabalik sa lugar ko. Nung ibinaba ko ang telepono at pinaandar uli yung motor ay nagising na ako.

Sunday, October 04, 2009

It ended when you said goodbye

Ito mahirap kapag linggo at marami kang puedeng gawin sa haybol. Siempre pa bago ka kumilos ang unang seremonyas mo ay magbukas ng sounds para pampagana habang naglilinis ng haybol. Ang una kong hinalukay ay yung mga lalagyan ko ng cd at vinyl. Maganda kasi kapag maglilinis ka ay mabibilis na tugtog ang dapat. Led Zep, Deep Purple, Grand Funk, Blood Rock, buset ang daming puedeng pagpilian. Hindi pala ako puedeng DJ, kasi hindi ako mapakali sa iisang music. Pero teka ano kaya itong burned cd na walang title na nakatago sa mga lalagyan ng koleksyon ko ng cd at vinyl. Sigurado maganda ito kaya ko itinabi ito, maikasa na nga. Susana baget,s parang pamilyar yung boses nung singer ah. Tama si Skeeter Davis at yung kanta? The End of the World. Oops, parang nagpaparamdam yata ang hinayupak na ito. Katatapos lang ni Ondoy at ni Pepeng. Sabagay may nanghula nga na malapit na raw talaga ang pangkalahatang delubyo. Lahat ng senyales ay nakikita at nararamdaman na natin. Ayun nagka-idea tuloy ako kung ano ang susunod na cd na ikakasa ko. Yung Genesis at ilalagay ko agad sa track 6-9.

Saturday, October 03, 2009

anak ng pepeng

Buset talaga itong mga bagyo. Bakit na lang ba tuwing sabado kayo kung dumating. Ito lang halos ang araw ng pahinga ko na puede akong magpuyat "hangang magdamag"-parang kanta yata ito. Ang dami namang araw jan na puede kayong dumalaw sa pinas. Bakit hindi nyo gawing lunes hangang huwebes para suspendido lahat ng pasok. Nasira tuloy yung "iskidyul" ko. Ang dami ko pa namang natanggap na imbitasyon at pinapupunta ako sa ganoon at ganito. May nangumbida sa akin sa tomaan at walang limit na pulutan. Yung isa namang nag text sa akin ay nagpalamig na raw siya ng serbesa. Yung isa naman ay sa labas nagyayaya. Teka, teka, teka mukhang nakakahalata yata ako ah. Hindi naman mga regular na nagkukumbida sa akin ang mga hinayupak na iyon ah. Bakit kung kailan kalakasan ng bagyo ay saka nila ko pilit pinapupunta sa mga lugar nila. Ninos inocentes ba ngayon.


Thursday, October 01, 2009

ortofon or tapon

gumagana naman yung plater


ayos naman yung head-shell


tone arm, cuing level at anti-skate ay ok din


plinth at dust cover ay puede pa din, pero bakit hindi ko mapatugtog yung mga plaka ko? Anak ng mumurahing single (45) nasaan na yung stylus ko, bakit biglang naglaho. Pahamak talaga itong mga langgam na pula...o baka naman yung ipis ang may kasalanan. Marami kasing bubwit dito sa haybol. Waaaah, nasira yung karayom. Sabi ko na nga ba huwag kong gamitin yung maliit na brush sa lumang make-up kit ni ermat. Buset.