Sunday, October 04, 2009

It ended when you said goodbye

Ito mahirap kapag linggo at marami kang puedeng gawin sa haybol. Siempre pa bago ka kumilos ang unang seremonyas mo ay magbukas ng sounds para pampagana habang naglilinis ng haybol. Ang una kong hinalukay ay yung mga lalagyan ko ng cd at vinyl. Maganda kasi kapag maglilinis ka ay mabibilis na tugtog ang dapat. Led Zep, Deep Purple, Grand Funk, Blood Rock, buset ang daming puedeng pagpilian. Hindi pala ako puedeng DJ, kasi hindi ako mapakali sa iisang music. Pero teka ano kaya itong burned cd na walang title na nakatago sa mga lalagyan ng koleksyon ko ng cd at vinyl. Sigurado maganda ito kaya ko itinabi ito, maikasa na nga. Susana baget,s parang pamilyar yung boses nung singer ah. Tama si Skeeter Davis at yung kanta? The End of the World. Oops, parang nagpaparamdam yata ang hinayupak na ito. Katatapos lang ni Ondoy at ni Pepeng. Sabagay may nanghula nga na malapit na raw talaga ang pangkalahatang delubyo. Lahat ng senyales ay nakikita at nararamdaman na natin. Ayun nagka-idea tuloy ako kung ano ang susunod na cd na ikakasa ko. Yung Genesis at ilalagay ko agad sa track 6-9.

0 comments: