Friday, October 23, 2009

1200 a.d

Sa wakas ay nakaharbat na rin ako ng technics sl-1200 mk2 (turntable to baduy). Disgrasya lang ang pagkakaharbat ko sa nasabing unit. Yun kasing pinarerestore kong sony belt drive turntable ay hindi maayos ayos nung restorer dahil masyadong perfectionist yung mama. Ang gusto niya mangyari ay pag nirestore yung sony ay para bang bagong bago. Pinagbigyan ko ang trip ni loko dahil hindi naman ako nag aapura na marestore agad iyon. Isa pa mayroon pa naman akong ginagamit na lumang sansui na naharbat ko naman sa isang poging mama na nagsawa na sa plaka. Ito ngayon ang naging problema, napudpod yung stylus (ortofon) nung sansui kaya para akong nabalian ng pek...opps pakpak. In short, i was deprived of my favorite pass time, which is listening to music (esp vinyl) and i have to resort to drinking very (ice) cold beer every night to drown my loneliness asus. Kaya hayun takbo uli ako dun sa restorer para malaman kung oks na yung sony tt ko. Kaso hindi pa rin ayos, pero may isang nakatunganga doon na sl-1200 at mukhang nagmamakaawa sa akin. To make the long story short, pag uwi ko ay dala ko na ang nasabing sl-1200.

Kinabit ko agad siya sa vintage luxman ss ko at humalukay ng plaka. Ang una kong nadapule ay yung elton john greatest hits. Side two agad ang isinalang ko kung saan naroroon ang kantang rocket man. WOW, hanep ang tunog, parang nalimutan ko tuloy yung iba kong turntable. Ewan ko ba, siguro tahimik lang sa lugar namin nung ikinasa ko ang elton john greatest hits. Kaya muli akong naghalukay at nadapule ko naman ang isang michael franks album. Ganun din, da best din ang dating. Isa na lang ngayon ang kulang para ma enjoy ko ang nasabing tt. Magbukas ng malamig na serbesa, hindi para lunurin ang kalungkutan ko kungdi para ipagdiwang ang bagong dating kong TOY.

0 comments: