Ang sabi nila, kapag daw nag-iinuman kayo, ang una mong tatandaan ay huwag kang makikipagtalo sa katomaan mo. Ang isa pang pinakamahirap sa lahat ay kapag yung katomaan mo ay iisa lang ang direksyon ng utak-puro papunta sa kanya. Nakaranas kasi ako minsan ng ganitong kainuman (buhay pa naman siya). Simpleng music trivia lang ang pinagsimulan ng pag-uusap namin (ayokong isipin na nagtalo kami, dahil baka matalo ako). Ang nangyari ay ipinipilit niya sa akin ang isang nakataga sa batong (facts) katotohanan tungkol dun sa musikero. Ang hindi niya alam, noong ipinanganak ako ay nakatatak sa wetpu ko bilang birth mark yung nasabing musikero. Kaya alam ko mula sa ulo hanggang sa kinalalagyan ng tagay ko na mali ang sinasabi niya. Ang pagkakamali ko lang ay itinama ko ang pagkakamali niya. Ayun nagtampo ang loko at kung bigyan ako ng tagay ay laging kulang sa sukat. Hindi na lang ako nagpahalata na nahalata ko siya sa ginagawa niyang pagtaggay sa akin. Bilang ganti, kada kulang na tagay na natatanggap ko sa kanya ay binabawian ko naman sila sa pulutan. Ang ginagawa ko ay nilalantakan ko yung pulutan at hindi ko talaga sila (pulutan) tatantanan. Excuse me po.
Friday, October 09, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment