Ang dami palang naapektuhan ng bagyong milenyo, halos buong parte ng luzon ay brownout, buti na lang dito sa amin pagdating ng alas sais ng gabi ay nagka-ilaw na, ang problema lang namin wala kaming mapanood sa cable dahil yung mismong cable supplier namin brownout pa rin sa lugar nila, nagkaroon tuloy kami ng pagkakataon na manood uli ng dvd, maganda naman yung ikinasa ni utol na dvd, world war 2 documentary ang problema lang medyo nagkakaroon na yata kami ng memory lapses kasi kapag may iniisip kami na may kinalaman sa giyera ang tagal naming maalala, kaya bibigyan ko na rin kayo ng trivia test baka mayroon na rin kayong lapse in memory. (aktuwali ito mismo yung naging tanungan namin habang pinapanood namin yung war docu).
1. sinong artista ang bida sa combat na namatay sa isang freak accident habang nagsho-shooting ng pelikulang apocalypse now?2. si redentor romero ba yung pilipino na gumamit ng dahon at tumugtog ng mga japanese song nung panahon ng hapon kaya siya nakaligtas sa tiyak ng kamatayan?
3. yung bang h-bomb na ibinagsak sa nagasaki at hiroshima ay si mcarthur ang nag order? nagbagsak din ba sila sa korea nung kainitan ng south and north korean war?...see answers at the comments section
tatlo lang muna ang tanong ko sa inyo kasi hindi ko na rin matandaan yung ibang napagkwentuhan namin kagabi dahil nga sa lapses in memory