Nabalitaan nyo ba yung nangyaring aksidente kaninang madaling araw kung saan nagkabangaan ang isang trak na may dala dalang mga buhay na baboy at isang trak naman na punong puno ng niyog, ayon pa sa balita, pagkatapos bumangga ng trak ay dumiretso pa ito sa mga nagtitinda ng gulay at bagoong, kaya nang dumating ang mga pulis trapiko para mag imbestiga, naabutan nila ang mga nagkabanggaan at nagkaka-inan ng kare-kare. May bagong batas na gustong ipasa ang gobyerno natin, ito yung DUI o driving under the influence, ibig sabihin nito hindi ka na puedeng magmamaneho kapag lango ka sa alak o durog ka sa ipinagbabawal na droga. Maganda sana ito dahil para maiwasan natin ang mga sakuna katulad na nga nung nangyari kaninang madaling araw. Isa lang ang magiging problema rito, ito ay yung pagpapasunod sa batas, paano kung ang pinara mo sa kalsada ay isang malaking tao o yung tinatawag nating bigatin/maimpluwnsya, sa palagay nyo ba huhulihin ito ng mga pipitsuging pulis o di kaya papahuli ba naman itong si mr. bigatin sa isang pipitsuging pulis. Kaya ang malamang na maapektuhan lang ng batas na ito ay tayo na namang mga pipitsugin at maralitang pinoy. Ako ay mayroong maliit na solusyon para maiwasan ang mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan sa kalsada ng mga drayber, lango man o hindi, bakit hindi tayo maglagay ng humps kada 50 metro para maiwasan ang mga kaskasero o kaya naman gawin nating zigzag lahat ang kalsada natin, mas matipid pa ito kesa bumili uli ang gobyerno ng breath analyzer o breathalyzer, kasi hindi mo na kailangang parahin ang mga sasakyan para amuyin kung lasing sila dahil kapag zigzag lahat ang kalsada, siguradong ang mga nagmamaneho na nakainom ay blow ng blow yan sa bintana, eh di kita agad sila ng mga pulis.
Tuesday, September 12, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment