Natatandaan nyo pa ba yung mga american indians o native americans, ito yung mga tribes na binubuo ng Apache, Blackfoot, Cherokee, Cheyenne, Lakota, at Pueblo isa ito sa mga nature loving pipol nung araw at madalas mo silang makitang naka-upo sa harap ng isang siga o apoy habang nag-uusap. Siguro napuna nyo rin nung araw sa mga komiks strip na kapag may character na indian madalas ay may katabing usok para makipag-communicate sila sa ibang tribes, buti na lang hindi pa uso nun yung text messages, kasi kung uso na yun, paano kaya kapag hinanap ni mommy indian yung anak nyang si geronimo, di siempre magpapa-usok siya at pagkatapos ay papaypayan niya ito para liparin yung usok at makita ni geromino na kasalukuyang binabayo yung isang magandang indian sa kabilang tribo, eh dahil naubos na ni geronimo yung kahoy na sinigan niya, siempre magpaparikit uli ito ng ibang kahoy at papaypayan din niya yung usok para naman makita ng mommy indian nya, ang kaso nito iba na yung kahoy na sinunog ni geronimo, so sasagot naman si mommy indian ng "who you" na korteng usok pa rin. Hindi siempre malalaman ni mommy indian kung sino yung nag send sa kanya ng reply kasi nga nagpalit na ng bagong kahoy si geronimo at wala sa contact lists ni mommy indian yung bagong kahoy na sinindihan ni geronimo. Alam nyo bang ang mga paratroopers kapag tumatalon sa eroplano ay sumisigaw ng geronimo para ipaalam sa kanilang mga kasama na naging succesful ang talon nila? Pero saan ba nagsimula ang nakagawiang sigaw na ito bago sila tumalon? Kasi nung araw ay may apat na paratroopers na nagpa-praktis tumalon, bago sila magpraktis ay nanood muna sila ng pelikula na ang pamagat ay geronimo kung saan bida si Preston Foster at Ellen Drew, kaya nung makabalik na sila sa kampo para isagawa ang kanilang pagtalon ay naiisip nung isang kumag na sumigaw muna ng geronimo bago tumalon, kaya ayun nakagawian na ng lahat ng mga tumatalon na sumigaw ng geronimo. Eh sino ba si geronimo (thunder cloud), siya ay isang chief ng isang grupo ng mga apache indians o mga grupo ng mga warriors, kamukha nito si kurt cobain pabugbog nyo lang muna si cobain ng sampung beses sa mga istambay, ganun ang hitsura ni geronimo. Alam nyo bang may bahid din ang pinoy ng mga indians, kasi kapag may kausap tayo at hindi siya sumipot di ba ang tawag natin sa kanila ay indian at nung araw ay may kinakanta kaming nursery rhyme jan sa Libis Talisay Elementary School na indian pana kakana kana, tatlong betlog kakalog kalog.
Saturday, September 02, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment