Friday, September 22, 2006

espiritu ng pag-ibig

Susana bagets pumalaot na rin pala si jun atad, yung bang bokalista ng horoscope band at kumanta ng tondo at espiritu ng pag-ibig. Nalagasan na naman ang industriya ng pinoy rock, kailan lang ay bumitaw na rin ang isa pang jun, si jun fabunan ang bahistang utol ni resty fabunan ng maria cafra band, samantalang si bosyo o edmund fortuno rin ay tahimik na nilisan ang rock and roll sa mundo ng wala man lang nakapansin. Bakit kaya ganun, kung sino pa yung may angking talento ay yun pa ang napapaaga ang "exit". Tuwang tuwa siguro si Pedro ngayon dahil kumpleto ang musikero nya sa taas, isipin mo isang magaling na bokalista, bahista at mananambol ang biglang bumulaga sa kanya sa taas at inaawitan siya ngayon ng "sa langit man ay may tondo rin" Teka teka wag mo akong istorbohin, guguluhin mo na naman ang balak kong isulat, ok sasagutin kita pero tapos nito wag ka munang kikibo, si jun atad daw ba ay anak ni kit? HINNNNNDDDDDDE, si kit ay tatad ang apelyido at ang kinakanta nito dati ay yung "may bagong silang, may bago ng buhay, bagong bansa, bagong diwa, sa BAGONG LIPUNAN". Samantalang si Jun Atad ang kinanta nito ay yung "mahalin mo ang iyong kapwa, wag kang mag-isip ng masama" parang tagalog lyrics yan nun kanta ni John Lennon na imagine ano? tapos papasukan mo ng koro na ganito, "nagbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad, sa ating gawa at ating diwa, sa BAGONG LIPUNAN". Tatlumpot apat na taon na rin pala ang nakakaraan mula nung mag declare ng martial law sa pinas ano? tumatayo tuloy ang balahibo ko....BUSETTTT hindoropot, hindi dahil sa martial law kungdi nararamdaman kong parang may kaluluwang pinoy rocker sa tabi ko, sabi ko naman sa iyo na huwag ka munang kikibo...endayyyyy yung valium 10 ko paki abot.

2 comments:

Anonymous said...

mahalin mo ang iyong kapwa, huwag kang mag-isip ng masama.

Anonymous said...

koya bakit sabe ni ati kapated ni Ket yang si Jun Atad