Mainam din pala yung maaga kang mapapainom, kasi bukod sa hindi ka napupuyat, maaga ka ring nakaka uwi, ika nga aga inom aga tulog aga gising, ang maganda pa nito pag nagising ka ng alanganing oras, nagkakaroon ka ng time to meditate dahil tahimik ang paligid, fresh ang isip mo at relax, huwag mo lang munang hahawakan ang titi mo dahil baka kung saan ka ayain niyan masira lahat ang plano mo. Tanda ko nga nung araw yung sinasabi ng lola ko na mas maraming grasya kang makukuha kung maaga kang gigising, kasi nung araw ang lola ko kung bumangon yan naka inom man o hindi, laging alas tres media, tapos magwawalis na sa labas yan at bago magwalis magsasalang na ng tubig para mapainit, tapos maya mayang kaunti nanjan na yung nagdadala ng hot pandesal at jaryo, simpleng buhay lang nung araw, ngayon kapag tayo ang nagising ng ganun kaaga, siempre puede ka pa ring magwalis pero hindi ka na nagsasalang ng tubig para initin dahil mayroon nang water dispenser ngayon at di mo na kailangang hintayin ang magjajaryo dahil puede mo nang tignan ang news sa internet. Pero ang totot n'yan kaya ako biglang gumising ng maaga ay hindi ko matandaan kung saan ko naitago ang kartameneda ko, kanina ko pa nga hinahanap hindi ko pa rin makita, pero sigurado kong naiuwi ko sa bahay dahil bago ako matulog kagabi binilang ko pa yung tatlong bente pesos na laman nun. San na kaya siya? yuhoo!
Saturday, September 02, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment