Sunday, September 03, 2006

the power of love

Pumasok na ba sa isip nyo yung time travel? ito yung sinasabi nila na puede kang bumalik sa nakaraan at ayusin mo ang istorya ng mundo kung may mga hindi magandang nangyari, sa theory of relativity ni manong albert may posibilidad daw mangyari ito, remember black hole? hindi ass hole bussettt. Paano nga kaya kung puede yun, ang sarap siguro dahil makikita mo yung mga lugar nung araw nung panahong wala pang SM, ang masarap pa nito babalik ka sa nakaraan tapos may dala kang cellphone, i-pod, usb at nakabihis ka ng bagong lacoste shirt na binili mo sa quericada mall. Siempre pag dating mo sa nakaraan, lets say sa early 60's medyo magugulat sa iyo ang mga pipol dun kasi hindi pa sila nakakakita ng ganung mga gadgets dahil wala pa naman nun. Tapos masasalubong mo yung mga high school bullies na classmates mo nung araw na mga bata pa, siempre pa medyo tatawagin mo sila at pag walang nakatingin bigla mo silang kukutusan para makaganti ka sa kanila, hindi naman yan makakalaban sa iyo dahil nga mga bata pa sila. Ang sumunod naman ay nakita mo yung dati mong crash na magandang chiching na binasted ka, eh bata pa rin siya sa panahong yun, tatawagin mo rin siya at pag walang nakatingin ay biglang mong dadakutin yung... (please insert psycho background music here) dala dala niyang cotton candy, mga buwang hindi yung iniisip nyo ang dadakutin ko bastos. Ang maganda pa nito bigla mong napuna na may laman pala ang kartameneda mo ng one thousand pesos, shit na malagkit ang laking halaga nito nung araw, di siempre pa pupunta ka sa dewey boulevard at iinom ka sa magagandang club doon, magkano lang ang serbesa nung araw baka tatlong bote nun piso lang ang halaga, di ang isang kahong serbesa na lalaklakan mo sa dewey boulevard ay halos wala pang sampung piso, may nine hundred ninety pesos ka pang sobra, siempre ang dami mo pang sobrang pera kaya oorder ka rin ng crispy pata, sizzling pusit, tuna belly at tatlong baylarina (dito kaya kinuha yung salitang baywalk dancers?) habang pinapanood mo si diomedes maturan na kumakanta ng mga perry como classic at ang pinaka paborito ng mga dewey regular na kanta niya na rose tatoo. Tapos kukunin mo na ang chit mo at makikita mong P60.00 pesos lang ang nagasta mo dahil walang pang evat nun, ang yabang yabang mong inilabas sa kartameneda mo yung P1,000.00 peso bill mo at mabilis na ibinigay sa waitress para masebuhan mo uli yung ka table mong baylarina. Maya maya pa ay bumabalik na ang waiter at sinabing peke ang pera mo kasi napuna niya na ang nakapirma dun sa pera mo ay yung anak ng presidente at hindi si diosdado macapagal. Kaya ayun bugbog sarado ka sa lo waist gang, dahil gusto mo pang isalya yung cell phone mo na kala nila ay nalibre mo lang sa apa. Ngayon sino nga ba si manong albert, siya ay walang iba kundi si einstein ang gumawa ng emc2 at bakit nya naman balak bumalik sa nakaraan? kasi gusto niyang bumili ng magandang suklay.

0 comments: