Saturday, March 29, 2008

Yes, dream a little dream

What would you do if you have Two Hundred Million plus pesos in your name?, (FYI-that amount is still up for grabs in one of the biggest lottery in town). First things first is to avoid dangerous alleys who have rubgy boys as caretakers. Ok P200 m + is one big amount of money and yes virginia you can buy a pair of prada shoes with that big amount and then spend the rest of your weekends in the virgin island of Amanpulo with your boy toy. For me, my first priority is to build a verrrrrry big house in an uninhabited island overlooking pacific ocean. There i will invite all humanoids known to me since birth just to party. I want them also to experience what the power of money can do. And when its rainy season, i would go to my condo unit (yes i do have one also) somewhere in Makati or Taguig and spend the rainy season looking at the ground outside my condo where everyday people go rat racing to get to their destination. At night i will visit one of the known sleaziest bar in town and will try to seduce PYT and offer her a drink of her choice bottomless. Mornings, i will drive around town with some food and give it to the less fortunate. I will also build a house and employ some professionals, then i will gather these less fortunate and house them there and let those professionals teach them how to make money the right way. For my immediate family? I will give each of them a nice house and some business of their own for a living. I will also put my own business so that my philantrophic ways will never end. But our dreams whatever they may be, we must not forget the "one above there", just a simple thanks will make him happy. How about if I don't win that big amount?, well i can rewrite my life's story and do a sequel of the film "kung mangarap ka't magising".

Friday, March 28, 2008

fuckin' A

Bakit kaya ang daming pasaway dito sa pinas? Mali-mali sa pagmamaneho, basta na lang nagtatapon ng basura kung saan saan, biglang ibabalagbag ang sasakyan kahit alam nilang wala nang ibang malulusutan, jumijingle sa gilid ng pader. Siguro dala na rin ito ng kahirapan ng buhay sa atin kaya ang mga tao ay umaasta ng ganito para nga naman kung maapektuhan ka sa mga ginagawa nila at hindi sinasadyang napuna mo sila ay patayan agad ang solusyon ninyo. Mas mabilis nga naman ito kesa mamatay ka sa gutom. Kung minsan tuloy ay hindi mo puedeng isisi sa gobyerno natin lahat kung bakit naging miserable ang buhay ng mga pinoy. Pilit nating ibinabato sa gobyerno ang dahilan kaya mahirap ang buhay natin, pero tayo mismong mga tao dito ay walang ginawa para mapaunlad din natin ang ating sarili. Isa pang dahilan kung bakit pa din naging ganito ang buhay natin ay yung kawalan ng DISIPLINA. Panahon Pa ni bossing macoy (bata pa ako noon) ay nakikita ko na sa mga pader yung mga nakapintang "sa ikauunlad ng bayan, DISIPLINA ang kailangan". Eh ilan taon na iyon, pero hanggang ngayon ay yun pa rin ang isa sa pinakamalaking problema natin, yun kawalan ng displina. Dito na lang sa looban namin ay halos araw araw na ginawa ng diyos ay makakakita ka ng tae ng aso na nakalatag sa kalsada. Buti sana kung mabango yung dumi ng aso, hindi ba't may batas na diyan na bawal ang nakakalat na aso sa kalye, pero ano ang ginagawa ng mga mahal kong kapit-bahay namin, pinawawalan sa madaling araw ang mga alaga nilang aso para dumumi sa kalsada. Subukin mong pakiusapan iyan na paki dala na lang sa bukid ang alagang aso para doon dumumi at imbes na sumunod sa iyo iyan ay habang buhay ka na nilang hindi babatiin. Buti pa squatter, minsan mas maayos, PWE!

Tuesday, March 25, 2008

hot pot at david's tea house


beef keinchi P120.00 and sotanghon P40.00


taiwan pechay P65.00


U.S angus fat beef P145.00


shrimp dumpling P110.00


hacaw dimsum P90.00


kuchay dumpling P65.00


fresh tofu P45.00


fish fillet P130.00


beef keinchi P120.00


chiching


lightning


hot tea P15.00 (puwede bang libre na lang ito)


(libre na lang ito pleassseee)

hot pot with combination soup P80.00 plus royal P35.00 and pine apple juice P35.00

TOTAL=SOLB

Monday, March 24, 2008

intramuros trip











Sunday, March 23, 2008

video chat on easter sunday


Yahoo, buhay na naman si bossing, may mapapakiusapan na naman tayo na sana tumama na ang taya nating lahat sa lotto para makahango na tayong lahat sa hirap. Sabagay yun na lang naman talaga ang pag-asa ng mga noypi , enday hindi yung lotto kungdi yung pananampalataya kay bossing para tayo maka move on lahat. Speaking of moving on, mas nakakatuwa palang makipag video chat kesa yung panay lang ang type mo nang mga gusto mong sabihin sa mga ka chat. Kaya pala hindi na uso yung salitang home sick sa mga nurse at iba pa natin OFW dahil kahit malayo ka ngayon ay para ka na ring nasa pinas, basta meron ka lang malakas na computer at isang webcam. Ang maganda pa dito ay wala kang binabayarang long distance call dahil nga naka internet ka lang, mas menos at mas "hi tets". Ang maganda siguro maimbento balang araw yung hindi ka na sa webcam mo nakatingin kungdi yung parang hologram ba yun, yung bang ka chat mo ay biglang lalabas na parang mumo sa tabi mo at mag-uusap na lang kayo bigla, ala starwars minus the saber.

Friday, March 21, 2008

hypocrites on good friday


Hindi ako pinatulog nung mga nagngangawngawang tao dun sa pabasa, mabigat pa nito ay napagitnaan ang haybol ko ng dalawang nagpapabasa. Buti na lang at mahilig ako sa sounds kahit anong klase pa sila at may kaunting aral ako kapag rin lang simbahan ang pag-uusapan, kungdi malamang gulo. Sabagay minsan lang sa isang taon mangyari ito, pinaaalalahanan lang tayong mga katoliks na muling sariwain ang kalbaryo ni bossing. Kaya pala punong puno ng katoliks ang mga karagatan ngayon ng boracay, mindoro at iba pang paliguan, dahil sinasariwa ng mga buwakang... purong katoliko ang kalbaryo ni bossing. Pati tuloy ako ay nadamay sa pangingiling kaya imbes na tig anim na malamig na serbesa kami nung ka spar ko sa kuwadradong mesa ay ginawa na lang naming tig lima muna kami. Isa pang maganda dito ay hindi kami nagkasa ng pirated DVD ng black sabbath habang tumotoma dahil maingay daw at nakakahiya sa ibang kapitbahay na puro din chismoso at chismosang katoliko. Hoy mga buwakang... hindi bale na lang pagbibigyan ko ang mga pagpapanggap ninyo dahil biyernes santo ngayon at kailangan kong mangilin. Enday pakibaba nga yung pirated DVD ko jan ni neil young at yung five man accoustical jam ng tesla, yung unplugged para hindi masyadong maingay dahil nakakahiya sa mga buwakang...mga katolikong kapitbahay ko na kapag narinig yung lord krishna kong cd ay parang mga nauulol. Pintahan ko kaya ng avatar ni devanagari at sanskrit ang mga hinayupak na pader ng mga neighbor ko. Oops sori good friday pa naman, baka ipako ako bigla sa "karush" (silent H please).

Thursday, March 20, 2008

bubong music

Naalala ko nung araw jan sa lugar namin sa kankaloo kung saan ay madalas kaming umistambay sa bubong nung isang tropa at kababata namin, si Jojo or Jay sa kanyang mommy. Halos araw araw ay sa bubungan nila Jojo kami nagkikita kita (hindi pa uso nun yung kita-kits). Sa bubong na iyan namin natutuhan kung paano magpalipad at mang-igtad na saranggola kahit boka boka lang yung sa amin. Sa bubungan ding yan kami nagtingalaan para panoorin kung gaano kaganda lumipad yung mga kalapati namin na nilagyan pa namin ng iba't ibang kulay ng diyobos ang ilalim ng pakpak para malaman namin kung kaninong kalapati yung dumaan sa ibabaw namin. Diyan din mismo namin nalaman na ang sa lalaki pala ay lawit at ang sa babae ay butas, kasabay ng pagdiskubre namin sa pagkakaiba ng hitsura ng kasarian ng tao ay ang pagkalabit namin sa gitara. Sige tugtog kami kahit medyo wala sa tono. Isa si Jojo sa gumaling pagdating rin lang sa gitara ang pag-uusapan. Kaya halos gabi-gabi ay naririnig kami ng mga magulang namin (opo magkakatabi lang kasi ang mga bahay naming magkakabarkada) na nagpapalahaw sa bubungan habang pinagsisigawan namin ang mga kanta naming "ako'y anak ng mahirap, lumaking salat sa yaman" o kaya ay yung "magulang ko ay ginawa na ang lahat ng paraan". Marami pa kaming kinakanta nung araw dun sa bubungan, nandiyan ang mga walang kamatayang James Taylor, Jim Croce, Three Dog Night (may cassette tape pa nga kami nito) at ang pinoy rock selection. Bahala na kung pangit sa pandinig ng ibang tao ang mga kanta namin, basta ang alam namin noon ay malaya at masaya kami kahit salat sa yaman.

Wednesday, March 19, 2008

food tripping at mang inasal




P'censya na kayo, medyo mabagal yung official photographer ko, kaya nung makuhanan ng picture ang chibug namin paubos na, busog kasi yung photographer kaya panay ang hikab.


Tuesday, March 18, 2008

WTF?

Ang bilis talaga ng panahon, martes santo na agad, halos nung linggo lang ay abalang abala ang lahat ng noypi kung saan makakascoop ng pinakamaagang resulta nung laban ni pareng manny. Sakit kasi naman talaga ng pinoy yun... yun bang kung sino ang unang makakapagbalita nung resulta ng laban ni pareng manny. Pero dahil na rin nga sa dami ng medium katulad ng cable pay per view tv, internet, 3g, skype para makontak yung mga pinsan nating nurse sa abroad kaya sigurado madali mo nang malalalaman ngayon kung ano na agad ang resulta nung laban. Buti na lang at hindi ako mahilig sa boxing kaya wala akong tiyaga na hintaying magsimula yung first round nung laban na nagsimula yata ng alas dos ng hapon sa lokal na telebisyon sa pinas, pwe.

Saturday, March 15, 2008

food tripping at Tokyo Cafe

Ang sinubok namin dito ay yung Pepperoni Pizza at Pork Cutlet, medyo mahal ng kaunti ang presyo nila pero masarap naman ang mga pagkain. Marami rin ang bigayan nung ibang mga chibug nila na nakalagay sa menu. Bakettt? kasi nakita ko dun sa ibang mga customer na umorder ng ibang chibug. Tip: Pagpasok nyo pa lang sa loob ng cafe ay babatiin na agad kayo ng mga food attendant ng "konbanwa", dahil gabi kami pumunta doon, ewan ko lang kung ano ang sinasabi nila kapag umaga ka pumunta, siguro "banwako". Pssst, hanapin nyo dun yung food attendant na si Sharon.

Thursday, March 13, 2008

food tripping at aling belen




Maraming nagsasabi na isa raw sa pinakamasarap ng palabok itong kina aling belen, totoo yun kung ikaw ay nasa parte ng Maynila. Pero kung mapapasyal ka sa bayan ng Bulacan, may masarap din kainan jan ng palabok yung Ferdie's. Bahay lang yan at walang karatula.

Tuesday, March 11, 2008

makikalabaw huwag matakot (tuesday's gone with the wind)

Mga buwiset kayo, buwiset talaga...ang binabanggit ko ay hindi yung mga tsuper na magsasagawa ng malakihang welga ngayon dahil sa gagawing tigil pasada. Ang tinutukoy ko ay yung sangay ng gobyerno na nagdedeklara kung may pasok ba ngayon o wala. Please lang sabihin nyo na kung may pasok o wala para makatipid naman ako sa pamasahe at makamamam na agad ng malamig na serbesa.

Sunday, March 09, 2008

broadway

Meron akong napanood sa you tube na Jewish wedding ceremony kung saan kinanta yung sunrise sunset, ang lupettt. Minsan ang kinasisikat ng pelikula ay kapag maganda rin yung nilapat na musika. Kaya nung matapos kung panoorin ang nasabing film clip ay agad akong naingganyo na maghanap pa ng mga related videos na pareho ng tema ng nasabing pelikula-musical films. Dito ko napuna na karamihan sa mga pelikulang may ganitong tema ay halos nasisingitan nila ng magandang kanta. Pero mas maganda siguro kung yung tipong musical films ay iliko ng kaunti at gawing sex oriented broadway. Ang magiging title siguro nito ay "Wet Side Story", "Fondler on the Roof", "The Wizard of Ohhs". Ang opening ay tumatakbo sa hillside yung bidang chiching at kumakanta ng "the tits are alive with the sound of music, ah ha ha ha".

Saturday, March 08, 2008

Friday and Saturday only and other buwakanabits

Mga buwakanabits kayo bakit biglang nagkaroon ng batas na kapag biyernes at sabado ay bawal pumuwesto at uminon sa kubo kapag two people lang. Ang binabanggit ko ay ang isa sa mga paborito kong watering hole na may mga kubo para dun ka pumuwesto kapag gusto mong mag relaks.

Pag-upo ko ba naman kasama yung buraot kong chiching ay sinabihan ako nung waiter na bawal daw ako doon dahil dalawa lang daw kami nung kadate ko. Huweno naman kung dalawa lang kami ganun din naman ang ginagastos ko pag punta ko sa kanila or in short a total of almost two hundred pesos.

Kidding aside, hindi siguro ako kilala nung waiter na big spender ako basta wag lang lalagpas ng five hundred pesos. Eh halos wala ngang tao sa watering hole ninyo kahit sinabi pang weekend nagdadamot pa kayong magpapuwesto sa kubo.

Pero sa bandang huli ay pinayagan din naman nila kaming dun sa kubo uminom dahil kinausap ko na yung manager nila at sinabi dun sa waiter ko na hayaan na lang daw kami dahil kamag-anak daw ako ni mang tony montana.

BANCAL SIDE MIRROR TIRADOR

Buwakanabits din dahil muntik nang maharbat yung side mirror ko diyan sa isang lugar sa makati na kilala sa bilihan ng mga lumang gamit at piyesa ng sasakyan. Hindi kasi sinasadya na mapalaot ako sa lugar na iyan dahil na rin sa utos ng trabaho ko.

Halos sandali lang akong pumarada at tanaw ko pa ang sasakayan ko, pagbalik ko ay wala naman akong napunang pagbabago sa sasakyan maliban lang sa mukhang bago yata yung car ko. Pero nung nakarating na ako sa opis ay biglang binanggit sa akin na parang maluwang daw yung isang side mirror ko.

Nung silipin ko ay maluwang nga ho at mukhang kukunin na nga po (with mr. enriquez accent). Siguro kung hindi agad ako nakabalik sa car ay baka nasikwat na ng mga buwakanabits na side mirror gang yung mirror nung side mirror ko.

Pero teka baka naman praning lang ako dahil nga kilalang katayan ang nasabing lugar pag dating rin lang sa mga piyesa ng car. Puede rin sigurong sa haybol nadisgrasya ang side mirror habang nililinis ni the erps ang car, kasi mahilig pigain ni erps ang side mirror kapag pinupunasan na niya ito.

Puede rin sa parking lot ng opis namin nagyari dahil maraming mga bata doon na mahilig maglaro sa tabi ng car ko. O baka naman, pinasyalan ang car ko nung mga kalaban namin sa politics at gustong puwerhisyohin yung car ko.

Hindi naman kaya yung pamangkin kong si taglay* ang nag trip doon sa side mirror ko. Bigla tuloy dumami ang mga suspect. Pero ang mahalaga ay hindi nawala ang side mirror dahil kung nawala iyon, malamang hantingin sila ni tony montana.




*is this the kind of girl who would mess with my side mirror? no I dont think so.

Friday, March 07, 2008

food tripping at lydia's (again)


coke zero panulak


sizzling lechon bits with fresh egg


sinigang na giant ulo


solb


sabaw ng papaitan


lechon bits


ginataang gulay


crispy pata yahoo


very very hot soup ng baka


paleynrice

Wednesday, March 05, 2008

you are here

Napagtripan namin nung isang araw yung googles earth. Ito yung satellite shot ng buong mundo na puede mong palapitin hanggang halos makita mo na ang mga bubungan ng mga bahay. Siempre pa ang una mong hahanapin ay yung bahay mo kaya nakakatuwa dahil kapag nakita mo na ang bubong ng bahay mo ay sunod mo namang susundan kung saan ang mga bubungan ng mga tropa mo. Napuna ko lang na yung mga nakikita naming satellite images ay parang mga template lang, hindi ba siya real time. May tinignan kasi akong isang satellite shot kung saan ang nakikita ko lang ay yung mga puno eh may nakatayo na doong ilang pintong apartment. Masarap sana kung real time, yung bang kita mo yung mga tropa mo na live na nag iinuman para hindi sila makapagkaila sa iyo at masundan mo sila kung saan nanupot.

Sunday, March 02, 2008

Im easy like sunday morning

Today is Sunday-family day, chapak day (for karerista), mamam day (for bottle gang), malling day, a rest day. You can do whatever you want on this day sans the office uniform and that fucking I.D.

For me I am looking forward to calling everyday a Sunday and stop worrying about the traffic on the road, the hypocrites i'm going to deal with and talking to plastic people. Like what the lyrics of the old song says- I can't be programmed, told what to do, i'm no muppet, i'm no puppet, i'll just do the things I wanna do, this is my life rock and roll.

Why work yourself to death? and find out later that what you have been working for so long will only finance your hospitalization on your dying days. Nope retirement is far from my mind, I think the right word is career change if there be any. I think i want a new job, maybe a salesman traveling and enjoying the countryside, a computer man sending reports to the office at the comfort of my home or a beach sweeper.

Its so nerve wrecking to think that tomorrow is another Monday, I have to wear my uniform again plus the fucking I.D and drove my car like a New York cabbie to reach my destination just in time, and to think i have to do it five times a week, very stressful!!!.

Thats why when i hit home and lying on my couch, i close my eyes and dream I am lying on a hammock tied between two coconut trees to the tune of ocean breeze. Now thats life-rock and roll!!!.

Saturday, March 01, 2008

The lunatics are in my hall

Mahirap din siguro yung malipasan ka ng gutom. May nakatabi kasi ako sa isang kainan ng pares at nagsasalitang mag-isa. Schizophrenia ba tawag sa ganun? neweis pinagmamasdan ko kasi yung chick dahil sa unang tingin mo ay normal siya. Pero nung bigla siyang nagsalita at parang may kausap na ibang tao pero hindi ko naman nakikita, dun na ako nagduda. Sinimplihan ko yung waiter at tinanong ko kung normal yung chiching, hayun tama na nga ba ang duda ko. Hindi ko siya kinatakutan dahil wala namang magagawa na ito kahit magwala sa harap ko at sa ibang mga parokyano nung nasabing kainan ng pares. Ang una kong nadama ay awa at maraming tanong ang pumasok sa isip ko, may mga magulang pa kaya siya, saan kaya siya umuuwi, regular pa kaya itong nakakakain, naabuso ba siya kaya nagkaganoon?. Naputol na lang ang pag oobserba ko sa kanya nung lumapit yung waitress at tinanong siya kung ano ang gustong kainin. Nung una ang gusto daw niya ay pares at prito, pero nung papaalis na yung waitress ay humirit siya na chicken mami na lang daw. Nung dumating na ang order niya ay dun ko lalong nakita ang estado ng pag-iisip niya. Lagyan ba naman ng suka yung mainit na chicken mami niya at sabay higop sa napakainit na sabaw. Nakakaawa ang sitwasyon, hindi ba may sangay tayo ng gobyerno na humahawak nang ganitong mga tao para mapagaling sila. Ano kaya ang ginagawa nila para maialis at maiiwas ang may ganitong karamdaman? wala, wala silang ginagawa dahil abala sila sa pagkain nila ng chicken mami na nilagyan ng suka.