Friday, March 28, 2008

fuckin' A

Bakit kaya ang daming pasaway dito sa pinas? Mali-mali sa pagmamaneho, basta na lang nagtatapon ng basura kung saan saan, biglang ibabalagbag ang sasakyan kahit alam nilang wala nang ibang malulusutan, jumijingle sa gilid ng pader. Siguro dala na rin ito ng kahirapan ng buhay sa atin kaya ang mga tao ay umaasta ng ganito para nga naman kung maapektuhan ka sa mga ginagawa nila at hindi sinasadyang napuna mo sila ay patayan agad ang solusyon ninyo. Mas mabilis nga naman ito kesa mamatay ka sa gutom. Kung minsan tuloy ay hindi mo puedeng isisi sa gobyerno natin lahat kung bakit naging miserable ang buhay ng mga pinoy. Pilit nating ibinabato sa gobyerno ang dahilan kaya mahirap ang buhay natin, pero tayo mismong mga tao dito ay walang ginawa para mapaunlad din natin ang ating sarili. Isa pang dahilan kung bakit pa din naging ganito ang buhay natin ay yung kawalan ng DISIPLINA. Panahon Pa ni bossing macoy (bata pa ako noon) ay nakikita ko na sa mga pader yung mga nakapintang "sa ikauunlad ng bayan, DISIPLINA ang kailangan". Eh ilan taon na iyon, pero hanggang ngayon ay yun pa rin ang isa sa pinakamalaking problema natin, yun kawalan ng displina. Dito na lang sa looban namin ay halos araw araw na ginawa ng diyos ay makakakita ka ng tae ng aso na nakalatag sa kalsada. Buti sana kung mabango yung dumi ng aso, hindi ba't may batas na diyan na bawal ang nakakalat na aso sa kalye, pero ano ang ginagawa ng mga mahal kong kapit-bahay namin, pinawawalan sa madaling araw ang mga alaga nilang aso para dumumi sa kalsada. Subukin mong pakiusapan iyan na paki dala na lang sa bukid ang alagang aso para doon dumumi at imbes na sumunod sa iyo iyan ay habang buhay ka na nilang hindi babatiin. Buti pa squatter, minsan mas maayos, PWE!

0 comments: