Napagtripan namin nung isang araw yung googles earth. Ito yung satellite shot ng buong mundo na puede mong palapitin hanggang halos makita mo na ang mga bubungan ng mga bahay. Siempre pa ang una mong hahanapin ay yung bahay mo kaya nakakatuwa dahil kapag nakita mo na ang bubong ng bahay mo ay sunod mo namang susundan kung saan ang mga bubungan ng mga tropa mo. Napuna ko lang na yung mga nakikita naming satellite images ay parang mga template lang, hindi ba siya real time. May tinignan kasi akong isang satellite shot kung saan ang nakikita ko lang ay yung mga puno eh may nakatayo na doong ilang pintong apartment. Masarap sana kung real time, yung bang kita mo yung mga tropa mo na live na nag iinuman para hindi sila makapagkaila sa iyo at masundan mo sila kung saan nanupot.
Wednesday, March 05, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment