Mahirap din siguro yung malipasan ka ng gutom. May nakatabi kasi ako sa isang kainan ng pares at nagsasalitang mag-isa. Schizophrenia ba tawag sa ganun? neweis pinagmamasdan ko kasi yung chick dahil sa unang tingin mo ay normal siya. Pero nung bigla siyang nagsalita at parang may kausap na ibang tao pero hindi ko naman nakikita, dun na ako nagduda. Sinimplihan ko yung waiter at tinanong ko kung normal yung chiching, hayun tama na nga ba ang duda ko. Hindi ko siya kinatakutan dahil wala namang magagawa na ito kahit magwala sa harap ko at sa ibang mga parokyano nung nasabing kainan ng pares. Ang una kong nadama ay awa at maraming tanong ang pumasok sa isip ko, may mga magulang pa kaya siya, saan kaya siya umuuwi, regular pa kaya itong nakakakain, naabuso ba siya kaya nagkaganoon?. Naputol na lang ang pag oobserba ko sa kanya nung lumapit yung waitress at tinanong siya kung ano ang gustong kainin. Nung una ang gusto daw niya ay pares at prito, pero nung papaalis na yung waitress ay humirit siya na chicken mami na lang daw. Nung dumating na ang order niya ay dun ko lalong nakita ang estado ng pag-iisip niya. Lagyan ba naman ng suka yung mainit na chicken mami niya at sabay higop sa napakainit na sabaw. Nakakaawa ang sitwasyon, hindi ba may sangay tayo ng gobyerno na humahawak nang ganitong mga tao para mapagaling sila. Ano kaya ang ginagawa nila para maialis at maiiwas ang may ganitong karamdaman? wala, wala silang ginagawa dahil abala sila sa pagkain nila ng chicken mami na nilagyan ng suka.
Saturday, March 01, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment