Mga buwakanabits kayo bakit biglang nagkaroon ng batas na kapag biyernes at sabado ay bawal pumuwesto at uminon sa kubo kapag two people lang. Ang binabanggit ko ay ang isa sa mga paborito kong watering hole na may mga kubo para dun ka pumuwesto kapag gusto mong mag relaks.
Pag-upo ko ba naman kasama yung buraot kong chiching ay sinabihan ako nung waiter na bawal daw ako doon dahil dalawa lang daw kami nung kadate ko. Huweno naman kung dalawa lang kami ganun din naman ang ginagastos ko pag punta ko sa kanila or in short a total of almost two hundred pesos.
Kidding aside, hindi siguro ako kilala nung waiter na big spender ako basta wag lang lalagpas ng five hundred pesos. Eh halos wala ngang tao sa watering hole ninyo kahit sinabi pang weekend nagdadamot pa kayong magpapuwesto sa kubo.
Pero sa bandang huli ay pinayagan din naman nila kaming dun sa kubo uminom dahil kinausap ko na yung manager nila at sinabi dun sa waiter ko na hayaan na lang daw kami dahil kamag-anak daw ako ni mang tony montana.
Buwakanabits din dahil muntik nang maharbat yung side mirror ko diyan sa isang lugar sa makati na kilala sa bilihan ng mga lumang gamit at piyesa ng sasakyan. Hindi kasi sinasadya na mapalaot ako sa lugar na iyan dahil na rin sa utos ng trabaho ko.
Halos sandali lang akong pumarada at tanaw ko pa ang sasakayan ko, pagbalik ko ay wala naman akong napunang pagbabago sa sasakyan maliban lang sa mukhang bago yata yung car ko. Pero nung nakarating na ako sa opis ay biglang binanggit sa akin na parang maluwang daw yung isang side mirror ko.
Nung silipin ko ay maluwang nga ho at mukhang kukunin na nga po (with mr. enriquez accent). Siguro kung hindi agad ako nakabalik sa car ay baka nasikwat na ng mga buwakanabits na side mirror gang yung mirror nung side mirror ko.
Pero teka baka naman praning lang ako dahil nga kilalang katayan ang nasabing lugar pag dating rin lang sa mga piyesa ng car. Puede rin sigurong sa haybol nadisgrasya ang side mirror habang nililinis ni the erps ang car, kasi mahilig pigain ni erps ang side mirror kapag pinupunasan na niya ito.
Puede rin sa parking lot ng opis namin nagyari dahil maraming mga bata doon na mahilig maglaro sa tabi ng car ko. O baka naman, pinasyalan ang car ko nung mga kalaban namin sa politics at gustong puwerhisyohin yung car ko.
Hindi naman kaya yung pamangkin kong si taglay* ang nag trip doon sa side mirror ko. Bigla tuloy dumami ang mga suspect. Pero ang mahalaga ay hindi nawala ang side mirror dahil kung nawala iyon, malamang hantingin sila ni tony montana.

BANCAL SIDE MIRROR TIRADOR

0 comments:
Post a Comment