Saturday, September 16, 2006

when crabs cry

Bakit kaya bihira na tayong makatikim ng talangka (crab)? nung dati kasi kapag sumapit na ang tag-ulan nagkalat na ang talangka, dun nga sa lugar namin sa kalookan ang dami nung araw niyan kasi may ilog dati doon, yung bang dagat-dagatan ngayon, dating ilog yun at halos kumatok sa bahay ninyo ang talangka sa sobrang dami. Ngayon matatapos na ang tag-ulan pero bihira pa rin akong makakita ng talangka o makabili man lang. Masarap pa namang iulam yan sa bagong lutong sinaing, aalisin mo yung aligi tapos ihahalo mo sa kanin at yung laman naman ay isasawsaw mo sa singkong suka na pinigaan ng otsentang sili, sarap halos mamaga yung nguso mo sa anghang. May nagsasabi kaya bihira na raw ang talangka kasi yung karamihan sa nagtitinda nito ay galing pang pampangga at kuwento pa nila bukod sa mahirap na raw makakita nito dahil na rin sa nangyaring pagsabog ng pinatubo at pagkalat ng lahar, yung iba naman daw ay pinadadala na rin sa japan dahil nahiligan na rin daw ito ng mga hapon, ano yun sashiming talangka. Dapat sana wag nang mahiligan ng mga hapon ang talangka kasi maunlad na ang bansa nila, baka matulad sila sa atin dahil sa kakakain natin ng talangka nagkaroon tuloy ang mga noypi ng tinatawag na "crab mentality" o yung bang inggitan, sabi nga kung hindi ko rin lang makukuha ang isang bagay sisiguraduhin ko ring hindi mo makukuha yan. Panget ano? kaya hanggang ngayon sadsad sa kahirapan ang noypi ayaw kasi nating magtulungan ang gusto natin kanya kanyang diskarte BUSETTTT hindoropot.

1 comments:

Anonymous said...

hayaan mo na sila para tahimik ang buhay mo, pero kapag hindi tumigil txt mo ko iistrike-in ko sila, dito lang ako sa bahay kasama ko kasi si nanay ayaw ako palabasin