Monday, December 29, 2008

antipolo woodstock


Siguro naman sa oras na ito ay alam nyo na rin ang nangyaring bugbugan diyan sa isang golf course sa antipolo city na kinasasangkutan ng isang pamilyang naglilibang at inienjoy nila ang long vacation at isang pamilya naman na may tatay na taong gobyerno. Hindi ko tatalakayin ang merito ng nangyaring bugbugan dahil wala ako mismo sa pinangyarihan dahil unang una na-hindi ako marunong mag golf.

Ang alam ko lang na golf ay yung malamig na bote ng serbesa na iniaangat ko at itinatapat sa butas ng bibig. Ang istorya daw sa nangyaring bugbugan ay dahil daw sa paglampas ng isang grupo dun sa kabilang grupo para una silang makapalo sa isang hole. Dahil na rin sa hindi nga ako marunong mag golf ay nagtataka ako kung bakit kailangang pag awayan ang isang butas, ganung napakarami namang butas sa nasabing golf course, (13th hole, anyone?).

Ok siguro naman ay medyo malamig na ang mga ulo ninyo. Ang hindi naging maganda sa kuwentong ito ay dahil ang isang involved sa nasabing gusot ay taong gobyerno o ika nga ay "made man" at ang anak niya na matapang at mga bodyguard nila na uto. Sasabihin ng iba na namutawi na naman sa ating mga noypi ang pagkampi natin sa underdog. HINDEEEEEE, BUSETTT....ang malinaw dito ay inapi na naman ang isang pagpag eater na wala kahit kili kili power para makipagsabayan sa mga superman na tao ng gobyerno.

Sa simpleng istorya na nalathala sa jaryo at napalabas sa telebisyon ay makikita mo na ang kasama nung mamang nagsusumbong ay isang anak niyang lalaki at isang babae. Ikaw ba mismo na matinong ama ay lulusob sa isang "made man" na balot na balot ng security/bodyguard niya para sitahin lang sa isang butas sa golf course na nilampasan. Kayo na ang humusga dahil ayoko ring mapag initan ng mga grupong iyan dahil may inuman pa kami mamaya sa antipolo ng mga tropa ko. Sana wala na sila sa vicinity ng antipolo pag ahon ko mamaya doon, lam nyo na mahirap na baka malampasan nila ang sinaksayan ko ay kami pa ang baligtarin pag may nangyaring di AYOS.



Speaking of antipolo, nakita ko ang pag asenso ng lugar na ito, kasi halos araw araw ay natatambay ako dito nung medyo maliit pa ang tiyan naming magtrotropa. Dito kami nagnenature tripping ng mga tropa ko sa antipolo habang kinakalabit ang lumang gitara. Dito ko rin unang narinig ang version ni kasamang tonats nung kantahin niya ang isang classic composition ni florante tungkol sa ganda ng pilipinas. Madalas kapag nasa antipolo kami ay hindi nawawala sa amin ang tanpulutz na kambing at soa. Hindi nga ako nakarating sa golf course na ito sa dinalas dalas na ahon ko jan sa antipolo. Ang alam ko lang dating magandang pasyalan dito ay yung eagles neck (pun intended).

Ok alam kong eagles nest ang tawag dun o para sa mga magsyosyota ang tawag dun ay laplapan clouds. Kaya kasi naging eagles neck ang tawag namin doon ay dahil tuwing papasyal kami doon para mag tomaan, ang lagi naming dalang tanpulutz ay chicken neck, kaya naging eagles neck ang tawag namin. Isa pa marami kasi kaming nabobosohan doon na nag nenecking.

Saturday, December 27, 2008

friends of mine


Halos hindi magkandatuto ang mga pipol sa magaganap na tomaan mamaya. Ito kasi ang napili naming araw ng mga tropa para muling mag "volt in". Maaga pa lang ay abala na si pareng serio at coyote, pati na rin si untoy, yung trusted bodyguard ni pareng serio. Papunta kasi sila sa palengke para bumili ng bibi at kambing, tanpulutz namin mamaya. Ako naman ay pinalipas ko muna ang umaga sa paghahanap ng jaryo (may kaunting trangkaso pa nga ako). Isa kasi sa mga problema natin kapag holiday ay mabilis maubos ang mga tindang jaryo. Gusto ko kasing malaman kung ano ang nangyari sa paligid ng earth kahapon christmas day. Marami kayang mga erpat at ermat na nalasing kahapon, araw ng pasko o marami kayang batang ang naka "boundery" sa mga ninong nila. Teka uso pa ba yung mga batang namamasko sa kanilang mga ninong o yung mga magulang nila ang namamasko kasama ang kanilang mga anak sa mga kinuha nilang kumpadre. Kasi kadalasan hindi naman maiisip ng mga bata ang pumunta sa kanilang ninong para mamasko dahil ang karamihan naman sa mga bata ay mahiyain. Hindi ko kinokontra ang tradisyon, pero parang mali ang sistema kapag pasko na pag nagmano ang bata sa mga matatanda, ang alam agad ng mga bata ay pera ang kapalit nito. Ang nangyayari tuloy ay puro pera lang ang pinag-uusapan kapag pasko. Kaya kung wala kang pera, malamang magsara ka ng bahay mo para hindi ka mabulabog ng mga inaanak mo. Tigilan na nga natin ito at baka mapagbintangan pa akong si scrooge? nga ba yun. Oops may nagtext na sa cellphone ko sigurado isa na ito sa mga kakosa ko sa kuwadradong mesa. Tumpak, nag-aaya na at simula na raw. Bumili na muna kayo ng malamig na serbesa bago kayo mag text at baka pagdating namin jan ay saka pa lang tayo magpapatak patak. Yun sana ang itetext kong reply pero nahiya ako.



FAST FORWARD: Ito na nga ba ang iniisip ko kahapon, pagdating ko sa mga tropa ay may tig-isa na silang malamig na serbesa, pero nung maubos ang hinayupak na serbesa ay biglang nagpatak patak dahil wala na daw serbesa. Teka kararating pa lang namin wala na agad serbesa. Hindi pa nga nag-iinit ang wetpaks ko sa pagkaka upo, patak patak na agad. Walang bang bee gees jan , ikasa nyo naman yung pamaskong kanta nila na "first of may". Di ang ibig sabihin ay hindi man lang kayo nagpalamig kahit tekalahatz. Buti na lang at masarap ang luto ni pareng serio dun sa bibi (kaldereta ba yun na may gata o adobong may gata at yung papaitan na kambing ay DA BEST). Ok magpapatak na ako, pero next time ay ibahin naman natin ang mga style kapag magtotomaan. Maaga pa lang ay magpatak patak na tayo para pagdating natin sa tagpuan ay malamig na agad ang serbesa. Kaya tuloy yung iba nating mga tropa na mga hustler ay nagpapahuli para pagdating nila ay iinom na lang. WALANG KUWENTA YANG GANYANG STYLE BAKA BALANG ARAW AY TABLAHIN NA NAMIN KAYO. ALAK PA, PLEASSSEEEE!!!




Thursday, December 25, 2008

forwardddddd...text


Hanep din naman ang epekto ng text messaging sa atin. Nung araw kasi lalo na't pag pasko, kailangan pa nating gumawa ng mga christmas cards at sulatan natin ng mahahabang mensahe at tapos ay lalagyan pa ng stamp at saka ihuhulog sa post office. Bago pa man makarating sa atin ang nasabing christmas card ay nauna nang basahin ang mga ito nung kartero. Kung minsan naman, hindi na umaabot sa atin ang christmas card, kasi lasing na yung kartero at tinamad nang dalhin ang christmas card. Enter text messaging era: ngayon pindut pindutin mo lang ang qwerty mong cellphone at tapos ay hanapin mo ang mga contacts na nakasave sa cellphone mo, alas-send na agad. Ang downside? ngayong pasko ay nakatanggap ako ng isang text message na ipinadala sa akin ng labing apat na beses ng labing apat na tao na nakasave sa contacts ko. Yung isang message naman ay walong beses ko natanggap sa ibat-ibang kakilala ko. Ang dahilan kasi kapag narecib nila ang message ay basta na lang nila iporforward sa mga nakalistang contacts nila sa cellphone. Halata mo tuloy na hindi galing sa puso nila ang christmas message nila kungdi forwarded message na ipinorward lang din sa kanila at ipinorward naman sa akin. Kaya ako naman ay ipinorward ko na rin sa iba. Ang resulta? yumaman na naman ang mga telco o service provider ng mga cellphone natin...BUWAKANG.....err, i mean...MERRY CHRISTMAS SA LAHAT AT GIVE PEACE A CHANCE.


Wednesday, December 24, 2008

Alak here, Alak there



Ilang oras na lang at pasko na, sigurado sankaterba na naman ang mga reunion niyan at sankaterbang lechon na naman ang nilalantakan ng bawat may reunion. Sana laging ganito ang buhay para payapa. Ang masarap kapag pasko ay hindi ang morcon, lechon, hamon at alak, kungdi yung bang feeling na nadadama ng mga tao. Yan kasi talaga ang spirit ng xmas. Magaan ang feeling. Kung laging ganyan sana ang takbo ng buhay ng mga pipol eh di payapa sana lagi ang mundo. Alak pa!!!



BUWAKANABITZ OF ALL BUWAKANABITZ, yung isang oras na biyahe ko dati patungo dun sa sinusupot kong tomaan (read: reunion) tuwing disyimbri binti kuwatru ay inabot ako nang halos tatlong oras sa biyahe. Mga buwakang...pare pareho lang naman tayong mga motorista na gusto agad makarating dun sa tomaan na pupuntahan natin, bakit ngayon ay nagsisiksikan tayo sa kalsada. Pare pareho tuloy tayong bitin na bitin sa malamig na serbesa, chivas regal, imported na yosi na uwi nung galing saudi at amoy champoy na jacket na sana ay sa akin ibinigay. Kaya lang natraffic ako kaya ang inabutan ko ay yung bawas na blue seal na hindi ko mahitit dahil hindi naman ako NANINIGARILYOOOOOOOOO!!!! PALITAN NYO ANG BLUE SEAL na yosi ko, kahit imported na spam na lang o kaya ay hanes at scarp na dilaw na lang BUSETTTTTT!!!





Tuesday, December 23, 2008

another one bites the dust

Isang motor na mabilis at isang mamang nakatumba sa kalsada. Yan ang nasaksihan ko kahapon ng umaga (cencya na ngayon ko lang nailagay sa blog, kasi busy ako sa pagluluto ng tanpulutz kahapon). Nangyari ang aksidente (na hindi dapat sana nangyari) sa may kahabaan ng araneta avenue. Halos kagigreen lang ng traffic light at siempre pa, arangkadahan agad ang mga motor. Hindi pa halos kami nakakalayo ay nakita na namin na pinagkakaguluhan ang isang armor van na nakahinto sa gitna ng araneta avenue at sa gilid niya ay isang wasak na wasak na underbone na motor. Ilang metro lang ang layo ay isang mama naman ang nakahandusay sa kalsada at ang helmet niya ay nabunot mismo sa ulo niya (siguro sa lakas ng impact). Dahil na rin sa likas na usisero ang mga noypi ay narinig namin ang kuwentuhan nung ibang mga nagmomotor na kasabayang umarangkada nung mamang nadisgrasya. Masyado daw matulin ang takbo dahil nakikipagkarera sa isa pang motor. Ang problema mas buo ang loob nung kakarera niya. Kaya nung malapit na sila dun sa papatawid na armor van ay nakalusot yung kakarera niya, samantalang yung mamang nadisgrasya ay pinilit din makalusot...ayun SAPOL. Tanpulutz? ah wala yun napagtripan ko lang magluto ng tanpulutz para maiba naman. Madalas kasi ay bumibili pa ako nang kung ano ano para may maipulutan. Masarap din kasi yung habang may hawak kang below zero sa lamig na serbesa ay naghahalo halo ka ng niluluto mong tanpulutz sa mainit na kawali. Iwas lang sa hang over.

Saturday, December 20, 2008

christmas party






Thursday, December 18, 2008

some lost to even things out

Mahirap ba talaga ang panahon o mukhang nagbabawas lang sa gastos ang mga noypi. Dalawang malalaking mall kasi ang napasyalan ko at napuna kong halos walang namimili. Marami ngang tao pero namamasyal lang sa loob ng mall. Yun nga mismong tindahan ng mga damit ng bata ay halos walang tao. Hindi katulad nung dati na punong puno ng mga namimili. Siguro nga nagbago na ang spending habit ng mga noypi kapag holiday season.

Ang suwerte nung mga nakatsamba sa lotto siguradong masayang masaya ang pasko nila. Bihira akong tumaya sa lotto kasi masyadong mahirap tamaan dahil maraming numerong dapat tsambahan. Nagkainteres lang ako bigla dito nung minsang mapadaan ako sa san juan ay may nakita akong lotto outlet dun na may nakapaskel at sinasabing ang lotto outlet daw na iyon ang nakapagbenta na isa sa mga winning ticket na may premyong nagkakahalagang P108+ million. Kaya sabi ko sa sarili ko, may tumatama nga pala talaga sa lotto. Tapos nung mabasa ko sa jaryo na ang isa nga sa pitong suwerteng tao na tumama sa lotto ay taga san juan, bigla akong nagkainteres tumaya tuloy. Kung sino man yung mamang taga san juan (retired lespu daw) ay siguradong masayang masaya ang christmas niya at kalevel mo na ngayon si pacyaw, pacqyao, pacquyao...buset kalevel mo na ngayon si MANNY.

Monday, December 15, 2008

ho chai lai food tripping







Sunday, December 14, 2008

kakarong


lugaw with mata ng baka P40.00


bahay lang iyan na ginawang kainan, pero patok sa pipol


one hot lugaw


chef cum cashier


hindi titi ng baka yan...TITEEEEE!!!

Saturday, December 13, 2008

money for nothing


Ilang tulog na lang at pasko na pero mukhang hindi mo makita sa mga tao ang pagka-aligaga nila. Ayaw pa ring maglabas ng pera ang karamihan sa mga pipol. Halata talaga na mahirap ang buhay ngayon. Kilala naman kasi natin ang mga noypi lalo na pag december. Ubusan ng ubusan yan, pero ngayon tila nagmemenos ang lahat. Sabi nga ng iba ay hindi daw tayo apektado ng nangyayaring kahirapan sa buong mundo, kasi likas na mahirap na ang bansa natin. Pero ngayon kahit sanay na talaga ang noypi sa hirap ay parang lalo pang humirap lalo ang haybo ng mga noypi. Mapupuna mo iyan sa mga palamuti na lang sa buhay, yung bang mas mas lights na para kang nasa bocaue, kumukutikutitap. Kung oobserbahan mo ay halos kakaunti ang naglagay ng mga pailaw sa haybol ngayon. Nagtitipid ba ang mga pipol o parang unti unti nang nawawala ang tradisyon, lalo na kapag december ang paglalagay ng mga kumukutikutitap na ilaw sa mga haybol natin. Hindi mo tuloy mafeel ang pasko, kahit na nakasingko litros na tayo ng empe. Ang nagyayari tuloy kapag december ay ang mga negosyante lang ang natutuwa, kasi halos dumodoble ang benta nila. Neweis, may paraan naman para mairaos ang pasko nang hindi ka gagastos, bumili ka ng cardboard, pentel, padlock. Sulatan mo ang cardboard ng warning sa mga inaanak mo, ilagay mo sa harap ng gate mo at tapos lumabas ka ng bahay at ipadlocked mo ang gate mo. MERRY CHRISTMAS, GIVE PEACE A CHANCE.


Friday, December 12, 2008

choi


Nagkaroon uli ako ng pagkakataon na makakain sa isa sa mga paborito kong chibugan ang choi kitchen. Nagpupunta lang naman ako dito kapag napagtripan kong kumain ng peking duck. Masarap kasi silang magluto nito at maganda ang bigayan, ika nga hindi ka talo sa ibinabayad mo. Kaya lang ay parang may napuna ako na medyo nagbago sa istail (style) nila. Isa na rito yung libreng hot tea, mukhang puro tubig na mainit na lang yata ito. Halos wala nang kulay ang tea. Isa pang napuna ko ay nung humingi ako ng tubig matapos kong kumain, hindi siya malamig at nung kailangan ko na ang tissue ay napuna kong walang nakalagay sa mesa. Nung humingi naman ako ay binigyan ako ng isang piraso lang. Cost cutting?


Monday, December 08, 2008

food tripping at hap chan antipolo







Sunday, December 07, 2008

I'm so tired, I haven't slept a wink


May iba't ibang dahilan ang tao kung bakit sila nagpapahaba ng buhok. Yung iba ay nagpapahaba ng buhok bilang protesta. Yung iba naman ay nagpapahaba ng buhok dahil ito raw ang nagbibigay ng lakas sa kanila. Pero meron mga humahaba ang buhok dahil hindi sa gusto nila kundi dahil marami silang pinagkakaabalahan. Tignan nyo na lang ang mga musikero, humahaba ang buhok nila dahil nalilimutan na nilang magpagupit dahil sa tagal ng ensayo nila sa studio. Kaya kapag oras na ng konsyerto ay makikita natin sila na puro long hair. Kala tuloy natin kapag musikero ka dapat ay long hair ka. Kaya ko kasi nabanggit ito ay halos malimutan ko na rin na magpagupit dahil sa dami ng trabaho ko sa ngayon. Ika nga hindi na natin muna nabibigyan ng pansin ang pansarili nating kaayusan, ang mahalaga ay magampanan natin ang obligasyon na ibinigay sa atin. Pero bukas promise, magpapagupit na ako...kung may time pa.


Friday, December 05, 2008

that's what you get for loving me


Buwakanabitz, halos dose oras akong nagtratrabaho sa kalsada ngayon. Pero di bale, sabi nga ng iba, mas mainam na yan kesa dose oras kang nakatunganga. Saan kaya may nagbebentosa, yan daw ang masarap na pampaalis ng pagod kapag medyo nasobrahan ka sa trabaho. Nun dati kasi ay may alam akong nagbebentosa, kaya lang natepok na yata yung mama, kasi nalamigan daw ang katawan, busetttt.


Monday, December 01, 2008

christmas wish list

1. Flat TV
2. dalawang iphone pa, para magamit ko naman yung sa akin.
3. prada driving shoes for men
4. car with wifi para makasagap ako ng kzok
5. mababait na kapitbahay
6. mababait na opismeyt
7. mahimbing na tulog
8. malakas na tubig
9. brand new macbook na bigay ni santa
10.LOTTO sana patamain na ako